Three

1147 Words
Gusto Kong malaman kung mahal nya pa ba ako at bakit parang ang dali lang na bitawan nya ako pagkatapos ng ilang taon naming pagsasama. "Mark, I said do you still love me? O minahal mo ba talaga ako kasi ang bilis mo namang bumitaw mark parang hindi years yung pinagsamahan natin. Ganon ganon na lang ba iyon?" Tanong ko sa kanya habang tuloy tuloy lang yung pag agos ng luha ko sa pisnge ko. Tumingin ako sa kanya pero iniiwasan nya lang mga tingin ko. Nasasaktan ba sya dahil ganito ako ngayon? "Akala ko ba mahal mo ko mark diba sabi mo hindi mo ako sasaktan pero tignan mo ako ngayon nasasaktan na ako. Sobrang sakit na mark, tiniis ko lahat. Lahat lahat alam mo naman siguro iyon. Kumapit ako kahit masakit, kumapit ako at nagbabasakali na baka maayos pa. Akala ko pag kumapit ako maayos pa pero parang Lalo lang nagulo. Lalo lang sumakit Kasi habang ako kumakapit ikaw naman bumibitaw paano na ako kakapit kung ikaw ay bumitaw na?" Hindi ko na kaya nanghihina na ako gusto ko syang saktan pero hindi ko magawa. Wala akong nagawa kundi napaupo na lang sa sahig at yumuko habang inaantay syang magsalita. Paano ako humantong sa ganito? Wala Naman akong ginawang mali kundi mahalin sya. "Mika" rinig kong sabi nya. Hindi ko alam kung nakatingin ba sya sakin dahil naka yuko lang ako. "Sabihin mo sakin mark handa akong marinig lahat lahat" malumnay na sabi ko sa kanya at tumingala para tignan sya. Sa pagtingala Kong iyon nag tama ang mga mata namin. Hindi ko mabasa kung ano tumatakbo sa isipan nya ngayon. "Ayoko na mika Hindi na kita mahal habang tumatagal tayo doon ko lang Napapansin na I don't deserve you." How can he say that? "That's it? Yun lang ba mark kaya ba ayaw mo na? " Tanong ko sa kanya "Mark" rinig kong tawag sa kanya kaya lumingon ako at nakita ko si Ashiana naglalakad papunta samin. Tumingin ulit ako Kay mark at halata sa kanya ang gulat nang Makita nya si Ashiana. "I guess alam ko na kung bakit. I hope she makes you happy. Pinakawalan mo ko para sa kanya. Thank you for everything mark. Yes you don't deserve me like what you said dahil hindi ako susuko nang dahil lang sa hindi na masaya. Akala ko iba ka pero nagkamali ako." Sabi ko bago ako tumalikod pa layo sa kanya. Habang pa layo ako doon ko naramdaman ang pagkabasag ng puso ko kasabay non ang pag guho ng mga pangarap ko kasama sya habang Buhay. Hindi pala porket matagal ang Isang relasyon ay masaya na. Hindi pala lahat ng relasyon patungo sa kasalan. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa parking lot. Para akong walang maramdaman parang namanhid na ang buong katawan ko. "Mika?" Napalingon ako sa tumawag sakin And I saw Zamiel. Napa kapa ako sa mukha ko. alam kong namamaga ang mata ko dahil sa iyak ko kanina. Hindi ko tuloy alam kung ano isasagot ko kung sakali na mag tanong si Zamiel. "Oh Zamiel ikaw pala. Ano ginagawa mo dito?" Sabi ko sa kanya at sinubukan kong ngumiti sa harap nya. "Business meeting lang dito ko Kasi naipark yung sasakyan ko" Sabi nya sakin "Ah ganon ba so pauwi ka na nyan?" Tanong ko "Nope, dadaan pa akong mall. " Sagot nya sakin Kaya napatango na lang ako. Nung nasaktan ko ba sya ano ginawa nya para makalimutan iyon? "Pwede ba akong sumama?" Wala sa sarili Kong tanong at huli na bago ko napansin ang sinabi ko. Pwede bang bawiin? Hindi naman siguro maganda na magkasama kami Lalo na kakahiwalay lang namin ni mark baka ano isipin ng iba. "Sige ba para makasama naman kita" Sabi nya "So iiwan ko sasakyan ko dito?" Taka kong tanong "Let's use your car para ihahatid na lang kita pauwi sa inyo mamaya" Sabi nya sakin "Pero pano ka?" Tanong ko "I can call my driver Mika" sagot nya sakin na parang pinapaalala sakin na may driver nga pala sila. Tumango ako sa sagot nya dahil hindi ko alam ano ba dapat sabihin pagkatapos ng walang kwento kong tanong. "So let's go?" Tanong nya "Yup" sagot ko Binuksan naman nya yung pinto ng sasakyan ko para maka pasok na ako. pagka pasok ko umikot sya para makaupo narin sa may driver seat. "Bakit ka nga pala nandoon? May business meeting ka ba doon? " Tanong nya sakin habang nag da-drive. "Ah Hindi, doon kasi yung condo ni Mark" sagot ko sa kanya "Edi magkasama pala kayo kanina. Bakit Hindi ka nya hinatid?" Tanong nya Tama bang sabihin ko sa kanya na wala na kami ni mark? "Marami Kasi syang ginagawa Kaya hindi na rin ako nag pahatid sa kanya" Sagot ko sa kanya. Maganda siguro kung hindi muna malaman ng iba na wala na kami ni mark. Ayoko munang may mag tanong sakin kung bakit Wala na kami. "Ang tagal nyo na rin pala. Buti nagkakaroon pa kayo ng time sa isa't Isa knowing mark's work." Sabi nya "Yup. We always make time to each other" sagot ko. Nakaramdam ako ng sakit habang sinasabi ko iyon. Sana nga totoo na lang iyan. Napatingin na lang ako sa mga nadadaanan namin. What if kung ganon parin buhay ko? What if kung hindi na lang ako nahanap ng kapatid ko? Ano kayang buhay ko ngayon, Masaya Kaya ako? "That's good. Hindi kita hinayaan ng ganon lang Mika para lang masaktan at manlimos ng Oras sa kanya. You deserve time and effort Mika. You deserve everything" Sabi nya sakin. Napatingin ako sa kanya nang sinabi nya iyon. Hindi ko Akalain na ganon pala ginawa nya. akala ko sadyang sumuko lang talaga sya dahil tanggap nya. Hindi ako nakakibo sa sinabi nya doon na lang ulit pumasok sa isip ko na hindi pala maganda paguusap namin noon. Sobrang daming pumapasok sa isip ko at Hindi ko na namalayan na nasa mall na pala kami. "Kumain ka na ba?" Tanong nya pagkababa Namin ng sasakyan. Oo nga pala hindi pa ako nakakain dahil umalis kagad ako ng Bahay. "Hindi pa eh " Sagot ko "Hindi kayo kumain ni Mark?" Tanong nya Oo nga pala hindi nya pala alam kung ano nangyare. "Ah.. ano kasi hindi na kami nakakain kasi dumaan lang naman ako sa kanya." Sabi ko sana lang Hindi nya mahalata na nagsisinungaling ako. "Okay, let's eat first" Sabi nya "Hala, Hindi na ako na lang baka may gagawin ka pa dito" sabi ko sa kanya "Hindi pa rin naman ako kumakain Kaya samahan na lang kita" Sabi nya Hindi na ako nakatanggi sa kanya Kasi Hindi ko na alam idadahilan ko. Feeling ko nakaka istorbo ako sa kanya. Pumasok kami sa Isang restaurant at doon lahat sumagi ang mga ala ala naming dalawa. Kung saan Masaya pa ang kilala Kong mashikina. Ang inosenteng mashikina. Pagkaupo namin binigyan agad kami ng menu ng waitress. "Ahm can I order this Steak and carbonara?" Sabi ko sa waitress "Yes ma'am" sagot ng waitress Napatingin ako Kay Zamiel na namimili parin ng oorderin. "Grilled pork chops, Caesar Salad and two red wine" Sabi ni Zamiel Isinulat Naman ng waitress Yung order Namin at sinabing maghintay lang kami sandali. "Kamusta ang work mo?" Tanong ko sa kanya "Okay naman naging busy lang talaga simula nung bamalik ako dito. Alam mo na I need to talk to all of our investors" sagot nya " Sa pagkakaalam ko malapit na ang opening ng hotel nyo sa Cebu" Sabi ko sa kanya "Oo kaya nga sobrang dami kong kailangan basahin at pirmahan na documents" sagot nya "Well it's your job Kaya masanay ka na" Sabi ko sa kanya at natawa naman sya dahil don Dumating na yung inorder namin kaya naputol yung pag uusap naming dalawa. "Wow their steak is still the same" Sabi ko Ang tagal ko nang hindi nakakain dito kaya ganito ang reaction ko. Natawa naman si Zamiel sa reaction ko "Ikaw parin pala talaga ang mashikina na nakilala ko" Sabi nya "Of course I'm still that person nag iba lang yung name ko pero ako parin to" Sabi ko sa kanya "Yeah, and still my love" bulong nya Hindi ko na narinig yung huli nyang sinabi dahil masyadong mahina iyon. Kaya napatitig na lang ako sa kanya at iniisip kung ano ba yung diko narinig. "What?" Tanong nya nang maramdaman nya yung titig ko sa kanya. Umiling ako sa kanya at ngumiti. Kumain na lang ako kagaya nya dahil wala na akong masabi at aaka ang panget Naman non kung nagdadaldal ako habang kumakain kami. Patapos na kaming kumain pareho nang may tumawag sa phone nya kaya nag paalam sya sakin na lalabas para sagutin yung tawag. Kaya ito ako ngayon Naka titig sa red wine na nasa harap ko. I'm planning to go out tonight Bar or club gusto ko maibaling attention ko sa iba pero naalala kong may morning meeting pala ako. Hindi ko alam kung ano gagawin ko Lalo na busy ako sa work at the same time nagpapasalamat dahil marami akong ginagawa at wala akong time para mag isip. Gusto Kong mag out of town but how? My twin will be having vacation after his wedding. Oh! Right my twin wedding is coming I still doesn't have a gift for them. Nag iisip ako dito kung ano dapat iregalo para sa kasal ng kambal ko nang mapansin Kong papalapit si Zamiel. Hindi na nya hawak yung phone nya pero may dala syang paper bag. "Ano yan" tanong ko ng makaupo sya sa harap ko "A gift" maikli nyang sagot Gift? Napatingin ako sa labas ng restaurant. Sino nagbigay sa kanya? Kung sa bagay napaka popular naman Kasi nito Kaya bat pa ba ako magugulat kung may bigla na lang may magbibigay sa kanya ng gift. "This is my gift for you Mika" Sabi nya Gulat naman akong tumingin sa kanya. Para sakin? Pero tapos na birthday ko. "Teka, tapos na ang birthday ko. Nakalimutan mo ata dahil nasa ibang bansa ka" natatawa kong sabi sa kanya. "Of course not why would I forget your birthday. Pambawi ko lang to kasi Hindi ako nakakabigay ng gift sayo nitong mga nakaraan mong birthday." Sabi nya "Ano ka ba Zamiel okay lang yun besides I understand na nasa ibang bansa ka and you know we didn't talk each other for years." Sabi ko "Yeah sorry, you know why" "Of course I know and it's okay Zamiel you don't need to say sorry. Ako nga dapat nag so-sorry dahil sa huli nating pag uusap" Sabi ko sa kanya Napa yuko na lang ako nang maalala ko Yung sagutan naming dalawa. "Are we okay now?" Tanong nya sakin Kaya napatingin ako sa kanya "Yup we're still friends" nakangiti Kong Sabi sa kanya "Good to know" Sabi nya sakin at ngumiti Rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD