Pagkatapos namin kumain nandito kami ngayon sa Isang kilalang brand ng mga Dress hindi ko alam kung bakit dito kami nag tungo agad.
Tumingin ako kay Zamiel na busy sa pagtingin sa mga display. Hindi ko alam kung para saan at para kanino yung bibigyan nya.
"What do you think about this one?" Biglang tanong nya sakin
Napaturo pa ako sa sarili ko dahil baka hindi ako yung kausap nya. Tumango sya sakin bilang sagot Kaya napatingin ako sa likod ko. Wala na pala doon yung babaeng employee.
Tumingin ako sa dress Isang nude bodycon may mga diamond na nakalagay sa may bandang waist at tama lang yung haba nya and I like the style.
"Maganda, simple but elegant tignan. Ikaw ba? " Tanong ko sa kanya
"I don't know about women fashion Mika" Sabi nya at kulang na lang umikot yung mata nya dahil sa sinabi ko.
"Well, para kanino ba?"
"For my sister" sagot nya
"To your sister? You mean Kay ate Zarielle?" Hindi mapaniwalang tanong ko
"Yeah" nagtataka nyang sagot
"I don't think this is her style Zamiel, alam mo namang napaka fashionista ng kapatid mo" Sabi ko sa kanya
Naalala ko nung unang kita ko kay ate Zarielle habang tinuturuan sya ni Mama napamangha na kagad ako sa ganda nya. Napaka simple lang nya at sobrang hinhin pa magsalita.
Inilibot ko Yung paningin ko sa buong shop pero wala akong mapili na babagay para kay ate Zarielle.
"Sa tingin ko wala tayo sa tamang shop Zamiel. Bakit hindi na lang bag ang iregalo mo? Mas maganda iyon at least magagamit nya lagi. Pag damit Naman alam mo kung gaano karami damit ng ate mo sa tingin mo maisusuot nya pa yung mabibili mong dress?"
Napaisip sya sa sinabi ko Kaya na pag desisyunan namin na pumunta sa favorite brand ng ate nya.
Pagkapasok namin nakakita agad ako ng babagay sa taste ng ate nya.
"Here" Sabi ko at inabot sa kanya yung bag
"I think that's their latest design" dagdag ko pa
"Okay I will buy this but what's yours?"
"Huh? Anong akin?" Taka kong tanong
"I also want to buy you a bag " Sabi nya
Mabilis akong umiling sa kanya
"Huwag na I don't need that marami pa akong bag na hindi pa nagagamit"
"Sure?"
"Yup" Sagot ko
Tumango sya sakin at ibinigay nya doon sa employee yung bag para mabayaran na nya.
Kaya ako binalik ko na lang yung tingin ko sa pagtingin sa mga bag na nasa harap ko.
Kinuha ko yung phone ko sa bag ko ng marinig kong tumunog iyon.
Unknown number
Hi princess how's your day? Having fun buying luxury bag? Do you wanna know a secret?
Sino to? Napatingin ako sa paligid ko puro mga busy lang na tao nakikita ko.
Sinubukan kong tawagan yung number na yon pero unattended.
"Mika are you okay?" Tanong ni Zamiel sakin
Hindi ko sya napansin na tapos na pala sya magbayad.
"yeah" Sabi ko
Tumango naman sya sakin at ako napatingin ulit sa cellphone ko at iniisip kung kaninong number iyon.
Ang lakas ng t***k ng puso ko kasi parang may kakaiba sa text na iyon. Why did that person know that I was the princess?
"Gusto mo na ba umuwi? You don't look okay" Sabi ni Zamiel
Should I tell Zamiel about this?
"I'm okay Zamiel siguro medyo napagod lang ako. Siguro nga kailangan ko ng umuwi" Sabi ko sa kanya
Napag desisyunan ko na huwag na sabihin Kay Zamiel ayokong madamay sya kung ano man meron dito. Ayoko din na sabihin pa sa kakambal ko at kay Lolo alam Kong marami silang iniisip ngayon ayokong dumagdag pa ito.
Naglalakad kami ni Zamiel papuntang parking lot ng huminto sya at may kinuha sa bulsa nya.
May tumawag ata sa kanya. Sumenyas sya sakin na sasagutin lang yung tawag kaya tumango ako.
Dumaretso na ako sa sasakyan ko at doon ko na lang sya inintay.
Tumingin ako kung nasan si Zamiel at nakita Kong parang may problema base sa expression ng mukha nya.
Nagsimula nanaman ako kabahan ng biglang tumunog yung phone ko.
Galing nanaman sa unknown number pero ngayon ibang number naman ang gamit.
From: unknown number
Do you want to play a game? Go to this place and you will know what games we will play.
What the f*ck is this?
Wala akong oras para dito kung nang titrip lang yung taong to.
Napatingin ako sa gawi ni Zamiel at nakita ko syang naglalakad papunta sakin. Pinakalma ko yung sarili ko baka mahata nya akong wala sa sarili.
"Sorry Mika pero nagka problema sa Isang branch namin and I need to go Hindi kita maiihahatid sorry." Sabi nya sakin
"No, no, it's okay Zamiel ano ka ba. Thank you dahil pumayag kang samahan kita dito. Ako na lang maghahatid sayo kung San meeting mo" offer ko sa kanya
"My driver is on the way here mica so no need to do that. Mas mabuti pang umuwi ka na para Hindi ka gabihin sa Daan. " Sabi nya sakin
"Okay Zamiel ingat ka" Sabi ko at lumipat sa may driver seat.
"You too, drive safe. Text me pag nasa inyo ka na"
"Yupp" sagot ko sa kanya
Nasa kala gitnaan ako ng traffic ng may natanggap nanaman akong text.
Be there at 8pm. I will wait you just go there alone. You know what will happen when you go there with someone.
This person is creeping me out. I don't even know who is this person why would I go to that place.
Magulo ang isip ko habang nag da drive ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba paniwalaan yung taong to o Hindi.
"O sh*t" Hindi ko napansin na Naka Go na pala at kanina pa ako binubusinahan nung mga nasa likod.
Na agaw ng pansin ko Yung taong Naka itim na nadaanan ko. Nakatingin sya sakin kahit na nasa sasakyan ako. Hindi ko alam kung Ako ba talaga tinitignan nya pero nagtama ang mata namin. Tumingin ako sa side mirror pero wala na doon yung lalaki.
Nanlaki ang mata ko ng mapatingin ulit ako sa daan at mabilis na nag preno. Hingal na hingal akong tumingin sa lalaking bigla na lang tumawid sa kalsada. Kung Hindi ko binalik agad Ang tingin ko baka nasagasaan ko na sya.
Pagod akong nakarating sa Bahay kung wala lang si Lolo edi sana nasa condo na ako at natutulog ng mahimbing at hindi babyahe ng ganitong kalayo.
May nag text nanaman sakin pero hindi ko na inabalang tignan iyon dahil baka galing nanaman yon sa unknown number. Inabala ko na lang yung sarili ko sa pagaayos para makatulog na ako. Parang pagod na pagod ang katawan ko ngayon sa daming nangyare. Hindi ko na alam kung ano pa dapat isipin.
I received a call from Zamiel tamang tamang kakalabas ko lang ng bathroom. Nawala sa isip ko na itext sya nang Maka uwi ako.
"Sorry" bungad ko sa kanya
[It's okay baka nawala rin sa isip mo]
Medyo nahiya naman ako dahil sa dami dami Kong pwedeng kalimutan iyon pa talaga nakalimutan ko. Sya na nga itong nagaalala.
"Sorry talaga ikaw ba nakauwi ka na?"
[Oo papasok pa lang ng unit. Tinawagan kita Kasi Akala ko Di ka pa nakakauwi anong oras na] Sabi nya
"Kanina pa ako nakauwi hindi lang ako naka text sayo. Nawala sa isip ko sorry talaga. "
[No need to be sorry Mika, I understand. It's getting late you should sleep now]
Napatingin ako sa Oras at pass midnight na nga.
"Yeah, goodnight thank you for your time Zamiel. Take a rest too I know you're tired from work"
[You too. I had a great day because of you. You don't know how I missed this.]
Hindi ko alam kung ano ba kailangan Kong isagot sa sinabi nya.
[Mika? Are you still there?] Tanong nya dahil hindi na ako sumagot pa
"Yeah I'm sorry"
[Pagod ka na siguro. Goodnight mika]
"Goodnight Zamiel"
Naka ngiti ako habang sinasabi iyon.
~~~
AN// Hi sorry for the super late update. busy lang po sa school works. I'm a graduating college student kaya Sana po maintindihan nyo na hindi ako maka update everyday katulad ng dati but I'm trying my best po to update as soon as possible.
thank you for the supports and please join to my Group page for my readers.
J.Villamor Readers