Friday morning nasa meeting na kagad ako para sa bagong hotel na itatayo sa Cebu pero wala doon ang isip ko.
"Miss Lee what do you think on this design?"
Hindi ako tumuloy doon sa sinabi nung nag text sakin hindi ako nakipagkita kahit na gustong gusto kong pumunta.
Masyadong delikado ang gagawin kong iyon. Dahil sa nangyare hindi na ako mapakali simula kahapon.
"Miss Lee?"
Napatingin ako sa tumawag sakin at doon na lang ulit pumasok sa isip ko nasa kalagitnaan pala ako ng meeting.
"Pardon Mrs. Fajardo?"
"Miss Santos just presented her design."
I scan the file that they send to me earlier this is my copy for their presentation.
"In my opinion, I think this design is too glamorous. I want it to be simple but elegant. Nowadays, they want their rooms to be cozy and minimalist." Sabi ko at tinignan sila isa't isa
"But Miss Lee, the upper class, wanted to have an elegant design like what Miss Santos presented." Mr. Lopez said
"We are not only targeting the upper class; we are not making this hotel for just the upper class."
Ano ba nasa isip ng mga to?
"I didn't know that you have sympathy for the poor people, Miss Lee. Is this because the person who adopted you is poor? That's why you have poor taste." Sabi ni Mrs. Ramirez. Nagulat pa ang ibang taong nasa meeting na ito at yung iba ay natawa sa sinabi ni Mrs. Ramirez
Dati pa na mainit ulo sakin nito hindi ko alam kung bakit ako pinag iinitan nito.
Ngumiti ako sa kanilang lahat
"I don't think you have the right to say that, Mrs. Ramirez. May I ask you if you are that rich?" Tanong ko sa kanya at hindi naman sya makatingin sakin
"Mrs. Ramirez, please keep in your mind that you own only 5% of this company. I'm the heir of this company. You don't have any respect for my personal life."
"All of you don't have the right to say that. Yes, my adopted parents are poor pero nabawasan ba iyon ng pagkatao ko? Don't act like that you are the most wealthy person in the world Mrs. Ramirez." Tumayo ako para umalis pero umistop ako sa tabi ni Mrs. Ramirez
"I need some designs, and let's have a meeting on Monday." Sabi ko at iniwan na sila doon.
Bigla akong naging bad mood dahil doon. Nasira ang araw ko! Pumasok ako sa office ko at naupo sa swivel chair ko.
"Are you okay Miss Lee?" Tanong ni Jacob my Assistant
"Yes, I just need to rest. Do I have another meeting?"
"Yes, this afternoon, Miss Lee,"
"Okay, I will just rest for awhile and sign these papers, then call me if it's time to go."
"Noted Miss Lee" Sabi ni Jacob at lumabas na ng office ko
Sumandal ako sa swivel chair ko at ipinikit Ang mata ko. I felt exhausted after that meeting.
Someone text me
Unknown number
You didn't show up. That means you don't want to know who killed your parents.
I immediately dialed this number, but of course it's unattended again.
Nagulat ako ng biglang nag ring ang phone ko.
"Who are you!?"
[Chill princess hahahaha] Sabi ng lalaki sa kabilang linya.
"How did you know my identity?"
[I know the secret of your family and I know who killed your parents. But unfortunately, you didn't show up. That means you don't have any care. ]
"Please just tell me I don't have any time for your games." Pagmamakaawa Kong Sabi
I don't know who is this guy but I'm sure that he's telling the truth.
[ Do you think it's that just easy? ]
Hindi ako naka kibo sa sinabi nya
[Meet me again tonight same time and address. Just you, only you can go there]
Pinatay na kagad ang tawag pagkatapos nyang sabihin iyon.
Kailangan ko na ba mag pa inbestiga? Wala akong gaanong alam sa pamilya ko. Hindi ako lumaki sa kanila. Ang huling ala ala ko lang yung nawalay ako sa mga magulang ko.
My phone rings again, but now it's from Miko.
"Hello?"
[Mika after your meeting this afternoon dumaretso ka agad sa bahay our uncle and his family is here.]
"I don't think I can go Miko. I have scheduled after my meeting."
[Pero sabi ni Jacob wala kang schedule after that.]
"Because that's my personal schedule Miko"
[Okay, just text me when you have free time this weekend]
"Okay" Sabi ko at binaba na ang tawag.
Napabuntong hininga ako dahil hanggat ngayon Hindi parin ako nakaka pag desisyon. Si miko Kaya alam kung sino ang pumatay sa mga magulang namin? Wala akong nababalitaan tungkol doon.
Lumipas ang mga oras at ngayon ito ako naglalakad sa isang abandoned building. Habang papasok ako dito tumaas na kagad balahibo ko. Hindi ko alam kung ano tong ginagawa ko, hindi ko alam kung bakit sumunod ako sa taong hindi ko man lang kilala. Basta ang gusto ko lang ay malaman kung sino pumatay sa mga magulang ko at bakit parang ang tahimik ng pamilya ko tungkol dito.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko ng mag ring ito.
[Hello princess]
"Asan ka? Akala ko ba magpapakita ka"
[Hindi pa oras para doon] nagulat ako ng magsalita sya ng tagalog akala ko puro wikang english lang ang alam ng taong to. Ibig sabihin ba Isa syang filipino o marunong lang sya mag Tagalog?
"Are you kidding me? Kaya nga ako nandito hindi ba?" Inis Kong sagot
[Nandito ka para malaman kung sino pumatay sa magulang mo ikaw na itong tinutulungan ikaw pa itong galit. Masyadong maiikli talaga pasensya ng mga Lee!]
"Pano mo nakilala mga magulang ko?" Tanong ko
Inilibot ko ang paningin ko pero parang ako lang nandito.
Narinig Kong tumawa sya na lalong kinainis ko. Feeling ko pinaglalaruan lang ako ng taong to.
[Sino bang magulang ang nasa isip mo? Nalimutan mo na bang dalawang magulang ang kinikilala mong magulang]
Naguluhan ako sa sinabi nya akala ko tungkol sa pagkamatay ng totoong magulang ko ang sasabihin nya.
Doon na lang pumasok sa isip ko na Hindi pala totoong aksidente lang ikinamatay ng umampon sakin.
[Can't talk? Hahahah Christina Del fuente and Roberto Del fuente ang mga taong umampon sayo. Kung hindi ka nila inampon hindi sana sila mamatay ngayon. Maling bata ang kinuha nila nang dahil sayo namatay pa sila]
Bigla na lang pumasok lahat sa isipan ko lahat ng nabasa ko noon na iniwan ni papa.
[Kelan ka nga ulit nawala princess? Hindi bat ilang taong ka na nung nawala ka? Bakit Kaya sabi ng adopted parents mo nakuha ka nila nung sanggol ka pa. Ibig sabihin hindi nagsasabi ng totoo ang mga umampon sayo. ]
"Tama na huwag na huwag mong sisiraan ang mga taong umampon sakin!" Galit na sabi ko pero tawa lang narinig ko sa kabilang linya.
Ipinahid ko ang luhang tumulo sa pisnge ko.
"Tama na hindi ko na kailangan kung ano ang mga nalalaman mo" Sabi ko at tumalikod na para umalis pinatay ko na Rin Yung tawag dahil Akala ko may makukuha ako pero wala pala.
"Paano kung sabihin ko sayo na Isa ang mga umampon sayo ang pumatay sa totoo mong magulang" rinig kong sabi ng isang tao sa likod ko.
Napako ako sa kinakatayuan ko sa narinig ko. Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
"Think princess, isipin mo lahat lahat kung paano ka napunta sa mga umampon sayo."
Dumaan sya sa harap ko pero hindi ko makita ang mukha nya dahil sa dilim at masyadong natatakpan ang mukha nya sa suot nyang sumbrelo.
Gusto ko syang harangan at pilitin na sabihin ang mga nalalaman nya pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko hanggang ngayon gulat parin ako sa sinabi nya.
"Sino ka ba? Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo!"
"Makikilala mo rin ako sa susunod. Alam Kong napag patong patong mo na lahat ng sinabi sayo ng mga umampon sayo at sa mga naalala mo pero ayaw mo lang tanggapin." Sabi nya at naglakad na palayo sakin.