Afterward II ["Pwede ba tayong mag-usap mamaya?] Pagkagaling nila sa warehouse ay hindi nya mapigilang kabahan dahil sa sinabi ni Dylan sa kanya. 'Ano kayang pag-uusapan namin?' tanong pa nya sa isipan habang abala sa paglilinis ng kusina, kakatapos lang kasi nilang maghapunan. Mula ng umuwi naman sila kanina dito sa bahay ay wala namang nababanggit o nagpaparamdam manlang ito na kailangan nilang mag usap kaya naguguluhan sya. Hindi nga sya pinapansin nito dahil may pinagkaka-abalahan ata ito. Katulad na lamang ngayon, dati lagi syang tinutulungan ni Dylan sa pag aayos ng kusina tapos sabay silang pumunta sa kanilang kwarto habang buhat sya nito. 'Baka naman may ginagawa lang sa opisina nya,' pagdedepensa pa nyang sabi sa kanyang isipan kaya ipinagpatuloy na lamang nya ang mga gawai

