AFTERWARD II "Cutie, anong balak mo ngayon? Okay na ang negosyo mo" si Lily habang naglalakad sila papunta sa room ng kanilang anak para sunduin ito. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin sya ng kilig dahil sa naganap na date na inihanda ng kanyang asawa kagabi, bukod pa dun ay masaya din sya dahil nakapag usap na sila ng maayos. "Oyy, kinakausap kita bakit pangiti-ngiti ka dyan?" Bigla naman syang napatingin dahil sa boses ng kaibigan na nakapagpabalik sa pagpapantasya nya. "A-Ah sympre, aayusin ko muna ang permit ng shop para mabukasan na ulit namin ito." habang marahan na hinaplos ang maiinit nyang pisngi. Habang naglalakad silang dalawa ay hindi na sya nagtataka kung bakit laging nakasunod ang tingin ng ibang magulang dito sa kanya. 'Hindi pa ata sila nakakamove-on dahil kay D

