Napatahimik sila parehas dahil sa salitang binitawan ni Dylan. Huli na ng mapagtanto ni Dylan ang sinabi nya at hindi na nya nabawi pa ito ng malungkot at hindi makapaniwalang lumabas si Rylan mula sa kwarto nila. Napabuntong hininga na lang sya, hindi naman nya sinasadyang pagbuntunan ng galit ang asawa pero hindi na talaga nya makontrol. Malumbay syang naglakad sa may kama nila at pasalampak na humiga dito, hindi na nya tinanggal ang sapatos na suot o kaya ang pagkakabotones ng kanyang polo, ipinatong na lamang niya ang braso sa kanyang noo dahil sa halo halong emosyon na meron sya ngayon. Galit, inis, lungkot at guilt. Hindi na nya alam masama pala talaga pag nagsabay-sabay lahat ito. Pero higit sa lahat ay naguguluhan pa rin sya dahil sa halik na bumabagabag sa kanyang damdamin. M

