Gabi na ng makauwi si Dylan sa bahay nila dahil nagpalipas pa ito ng oras sa loob ng kanyang sasakyan bago umuwi para mahimasmasan, ayaw naman nyang magdrive ng nahihilo at baka maaksidente pa sya. Nang makauwi si Dylan ay halos 11:00 pm na kaya naman siguradong tulog na ang kanyang anak at asawa. Dumeretso na sya sa kanilang kwarto at nagbihis. Naglinis din sya ng katawan at ilang beses na nagtoothbrush dahil na aalala nya ang halik na nangyari sa pagitan nila ng sekritarya. Gusto nyang suntukin ang salamin dahil sa inis at galit na nararamdaman sa sarili. 'Arrhgg, ang tanga mo Dylan bakit ka nagpadala sa babaeng yun? may asawa ka na!!, ' galit na tanong nya sa sarili habang nagbabaga ang tingin na ipinupukol nya sa salamin kung saan nya nakikita ang kanyang repleksyon. Napabuntong h

