Kinabukasan ay maagang nagising si Dylan, tiningnan at hinalikan pa nya ang asawa bago pumunta sa banyo at naligo. Hindi naman sya galit o masama ang loob dito talagang busy at problemado lang sya dahil sa kumpanya. Ang totoo ay miss na miss na rin nya ang asawa pero kailangan nya munang ayusin ang lahat ng problema bago makipag ayos dito. Pumunta sya ng maaga sa opisina, mula sa elevator ay naghihintay na sa kanya si Lucy para salubungin ang boss. "Good Morning sir," bati pa nito at bumati naman sya pabalik dito habang pasakay sila sa personal elevator ni Dylan paakyat sa kanilang floor. ---------------------------- Stress Yan ang isang bagay na maglalarawan ng nararamdaman ni Rylan ngayon. Mula kasi sa failed nyang dinner nung nakaraang linggo ay hindi pa rin sila nakakapag usap

