Sept. 26 Normal na araw, nasa trabaho si Dylan ngayon at kauuwi lang kanina ng kanyang anak mula sa eskwelahan nito. Masaya si Rylan dahil medyo maayos ang pakiramdam nya ngayon. Mula kasi ng magising sya kanina ay hindi sumasakit ang kanyang katawan kaya nagawa pa nyang makapagluto ng agahan kahit pinipigilan sya ng asawang si Dylan. Nang mga nagdaan araw ay si Dylan ang nagluluto ng kanilang agahan at pinapakain na rin sya at si deden bago ihatid ang anak sa school nito. Naguguluhan man sa sitwasyon nila ngayon ay may saya parin naman syang nararamdaman dahil sa pag-aalaga galing sa kanyang asawa. Pagtanghali naman ay si Lily ay sumusundo dito at inihahatid pa sa kanilang bahay kaya naman malaki ang pasasalamat nya sa kaibigan. "Cutiee, kamusta ka naman?" tanong ni lily ng makapas

