Sept. 23 'Dylan, I love you' Nagising na naman si Dylan na pawis na pawis sa kalagitnaan ng gabi, habol nya ang hininga habang pinipilit bumangon ng dahan-dahan para hindi magising ang natutulog nyang asawa. 'Kelan ba mo ba ako titigilan, Lucy?' bulong nya sa sarili habang mahigpit ang pagkakahawak nya sa kanyang buhok. Hindi lamang nya ipinapahalata sa asawa pero hindi sya pinapatahimik ng konsensya nya, wala itong pinipiling oras, lagi itong nasa kanyang isipan at kalooban. Ang mabigat na pakiramdam na laging gumigising sa kanya sa gabi. Nagdadala sa kanyang sarili sa loob ng banyo para doon nya ibuhos lahat ng pagsisisi, pighati at sakit na nararamdaman dulot ng lahat ng kanyang pagkakamali. Ang mga araw na hindi nya kasama ang pamilya ay nagdala ng malaking sugat sa kanyang puso

