Mabilis na lumilipas ang mga araw sa buhay ni Rylan, kasabay din nito ang patuloy na panghihina ng kanyang katawan. 'Sept. 15, kalahating buwan na lamang ang meron ako,' habang nakatingin sa kalendaryo. Napangiwi na lang sya habang naglalakad patungo sa kusina para magluto. Sabado ngayon at walang pasok sa school si Ryden pero si Dylan ay meron kaya kailangan nya parin gumising ng maaga. Bukod pa doon ay naisip din nya na sabado na lamang magpatreatment dahil day-off ni Dylan ang linggo, siguradong magtatanong yun pag umalis sya. Kaya itataon na lamang nya na sabado ang pagpunta sa ospital habang wala si Dylan. Napapahaplos sya sa kanyang dibdib dahil sa paninikip na naman nito, hindi nya alam ay nasa loob na ng kusina si Dylan at nakatingin sa kanya. "Okay ka lang ba Ry ko, umupo ka

