Napahinga naman sya ng maluwag dahil sa sagot ng anak. 'Buti naman at yun lang ang sagot ni deden' "Nak, bad ang makisabat sa usapan ng matatanda ha wag mo nang uulitin yun" "Sorry po Papa," nahihiya namang sabi ng kanyang anak kaya ginulo na lamang nya ang buhok nito. Tiningnan naman nya si Dylan na parang nagsasabing " told you so". Napakibit balikat naman ito sa kanya at tinulungan na lamang syang mag ayos ng hapagkainan. Kumain sila ng masaya at maingay, parang katulad lamang ng dati. 'Hayss.. Kung maibabalik nga lamang ang lahat sa dati' Pagkatapos kumain ay inihatid na nila ang anak sa kwarto nito para matulog na. Nag good night sila dito at humalik sa noo ng anak bago bumalik sa kusina at maglinis doon. Habang naghuhugas ng mga plato si Rylan ay nakaramdam na naman sya ng p

