'Hm, tapos na akong maglinis sa labas, magbake naman kaya ako?' Habang naglalakad papunta sa kusina ay nakaramdam na naman sya ng pagsakit ng dibdib kaya napahawak sya dito. Hinaplos nya ito ng ilang ulit nang makainom na sya mg tubig para maibsan ang pagsakit nito. Napabuntong hininga sya dahil sa mga nangyayari at binalewala na lamang ito. 'Kakaunti pa lamang ang aking nagagawa ay nakakaramdam na agad ako ng pagod at pagsakit ng katawan, ano ba namang buhay ito?' inis na bulong pa nya sa sarili. Imbis maupo muna at magpahinga ay ipinagpatuloy nya ang balak gawin. Nagsimula na syang maghanda ng mga gagamitin sa pagbe-bake. Napapahimig pa sya habang naghahalo ng mga sangkap sa bowl, minsan napapatigil sya dahil sumasakit parin ang dibdib nya. Pagkalipas ng ilang oras ng pagbe-bake a

