"Alam mo na ba ang lahat, Lily?" tanong nya habang nasa byahe sila pauwi. "Oo, kaninang umaga lang lumabas ang resulta" "Pati ang taning sa buhay ko?" "Hayss, Oo. Hindi ko nga akalain na ganito ang magiging reaksyon mo--" Napataas naman ang kilay nya sa sanabi ng kaibigan. "--- ibigsabihin ko ay yung pagtanggap mo sa resulta, masyado ka kasing kalmado," pagtutuloy pa ni lily sa sinasabi nya. Napabunting hininga na lamang si Rylan at napailing. "Anong inaasahan mo? na magwawala ako dito o kaya ay mag-iiyak?, nagawa ko na yan kanina at wala namang nagbago, hindi nawala ang sakit ko at hindi na maaayos ang pamilya ko," natatawa pang sabi nya dito para mawala ang lungkot sa kanyang kalooban. "Tama ka, pero-- ganun na lang ba yun, Cutiee? iiwan mo na lang kami bigla," bakas na sa boses

