"Tita, hindi po kaya nagugutom si Papa? tatlong araw na po syang tulog, " saad ni deden sa tita nyang si lily habang pinagmamasdan nila ang natutulog na si Rylan. "Hindi sya magugutom baby deden, kita mo itong parang tubig na nakakabit sa kanya, yan ang sumusuporta sa kanya kahit tulog sya," paliwanag naman ni lily dito, at napatango naman sa kanya si deden. Naputol lamang ang paguusap nila ng pumasok sa kwarto sina doc. Jon at brandon. Kinuha ni brandon si deden habang naiwan naman sa kwarto si lily para kausapin ang doctor. "Doc, bakit hindi pa rin sya gumigising? okay lang ba sya?" nag aalalang tanong ni lily kay Jon. "Wag kang mag-alala Miss, he's not in a state of coma, nagpapahinga lamang ang katawan nya" "By the way, lumabas na ang resulta ng mga test na ginawa sa kanya, sa la

