"Wow napakaganda pala talaga ng bahay mo, Dylan~" manghang sabi ni Lucy ng makapasok ito sa loob ng bahay. Nagkibit lang naman ng balikat si Dylan habang naglalakad sa loob ng bahay nya. 'Hindi na magtatagal at ako na ang magiging reyna ng bahay na ito, pamilya na namin ni Dylan ang titira dito, at mawawala na ang baklang yun sa eksena, ' nakangisi pang sabi ni Lucy sa kanyang isipan. Nang mapagawi ang tingin ni Dylan sa pinto ng kusina ay naisip agad nya na naroon ang asawa nya kaya sumilip sya dito, bigla lang nyang na-alala na wala nga pala ang pamilya nya ng makitang bakante ang lugar, wala ang masaya nyang asawa na laging nagbe-bake sa kusina, wala ang masiglang anak na naglalaro sa buong paligid. Napabuntong hininga na lamang si Dylan dahil sa mga iniisip nya, nagulat pa sya ng ma

