"P-Po? wala tay, wala kaming problema, " natatawa ko pang turan saka ipinagpatuloy na ang paglalakad. Kinakabahan man ay hindi ko na lamang pinansin ang mga hindi kumbinsidong tingin na ibigay ni tatay sakin. Sumakay kami sa tricycle pauwi, inabot lamang ng kalahating oras ang byahe bago kami makarating sa bahay. Masaya kaming sinalubong nina nanay at kambal ng dumating kami, at kinuha din nila ang mga dala naming gamit para ayusin ito. Dahil hapon na rin naman ay nagpalipas lang kami ng oras sa pagkukwentuhan, si deden ay nakatulong na ulit dahil sa pagod sa pagtitinda nya kanina. "Opo nay, kung nakita nyo lang si deden kanina, matutuwa talaga kayo" "Talaga? aba'y manang mana sayo ang anak mo" Nagkwento din si tatay sa mga nangyari kanina at kung paano pinagkaguluhan si deden dahil

