"Hello?" masaya ko pang sabi pagkalagay ko ng cellphone sa aking tenga, hindi ko na tiningnan ang caller dahil akala ko ay si Doc. Jon na. "Tss mukhang may inaasahan kang tawag ah, " sabi pa ng taong ayaw na ayaw kong makausap at marinig ang boses. Nawala ang ngiti sa aking labi ng marinig ang boses ng taksil kong asawa. "Napatawag ka?" malamig na tanong ko pa dito. Lumabas din ako ng kwarto para di marinig ni deden ang pinag-uusapan namin. "San kayo nagpunta?" tanong naman nito na may halong inis sa boses. Napabuntong hininga naman ako bago sumagot. "Nandito kami kay nanay sa bulacan, bumisita lang kami. Wag ka mag-aalala hindi ko itatakas ang anak mo," walang kabuhay-buhay na sagot ko pa dito. Rinig ko naman na napabuga ito ng hangin saka sumagot sakin. "Basta umuwi din kayo agad

