Doon ulit ako natulog sa dati kong kwarto kagabi, wala talaga akong balak na makasama ang lalaking yun, ni hindi ko nga sya kayang tingnan. Buti na lamang at maaga ulit syang umalis. 'Busy-ing busy sa babae nya eh' Hayss, mukhang kailangan ko talaga mag change of place para mawala naman kahit papaano ang aking stress at para makasama ko din ang aking mga magulang. Buti at weekend ngayon at walang pasok sa monday si deden sa school kaya bale may tatlong araw kami para bumisita sa bulacan. Hindi ko ipinaalam kay Dylan ang pag-alis namin dahil siguradong hindi ito papayag. Pero paano nga ba nya ako pipigilan kung halos hindi na sya mahiwalay sa babaeng iyon. 'Mag sama na kaya sila" "Anak, nailagay mo na ba lahat ng toys mo?" tanong ko pa sa aking anak habang inaayos ang mga dadalhin n

