RYLAN POV Napapikit na lang ako dahil sa nakita, shiite lalong nasakit ang aking ulo kaya napahawak ako dito. Tumayo ako at galit na ibinato ang bra ng haliparot na babaeng yun sa sahig. "Arrgghhh!!" malakas na sigaw ko habang patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha, gigil na gigil na kinalkal ko ang buong lugar. Itinapon ko lahat ng mga unan sa sahig at ibinalikwas ang kutson dahil sa inis. Wala akong nakita pero biglang napadako ang aking paningin sa dresser nya kaya mabilis akong naglakad dito at marahas na binuksan ito. "Mga gago kayo!! san mo tinatago ang mga damit ng babae mo!!" Malakas kong sigaw sabay tapon ng mga damit ni Dylan para hanapin ang mga damit ng babae nya. Tumigil lamang ako ng may mahawakan akong manipis na tela. Hinigit ko ito at napagtanto ko na lacy panty pa

