Kinabukasan ay hindi nya manlang maimulat ang mga mata dahil sa hapdi nito dulot ng matinding pag iyak kahapon. Kinusot pa nya ang mata habang bumabangon sabay pagbalik naman ang lahat ng mga pangyayari kagabi sa kanyang isipan. Napabuntong hininga sya sa sarili, hindi talaga nya inaasahan na mangyayari ang lahat ng ito. Ang gusto na lang nyang gawin ngayon ay umungkot sa isang tabi at umiyak, Ilabas ng hinanakit at sakit na nararamdaman pero alam nya sa kanyang sarili na hindi pwedeng gawin iyon dahil may anak sya na naghihintay at nakadepende sa kanya. Si deden na lamang ang pinaghuhugutan nya ng lakas para magpatuloy kaya naman kailangan nya talagang maging matatag para dito. Kahit masakit ang katawan at mabigat ang kalooban ay pilit parin nyang tumayo para maghanda para sa bagong

