CHAPTER 4

2007 Words
"PAG-UUSAPAN daw natin ang kasal." Sabi ni Liam saka tumayo at nagtungo sa pinto. Naiwan si Brea nakatulala. 'Sinong magpapakasal? Kami ba?' Parang gusto niya talagang pumatay mg tao ngayon na nagngangalang Liam Evans. Agad siyang tumalima upang sundan ang ugok na si Liam. Ano ba ang pinagsasabi nito? baka mali lang siya ng narinig. Kailangan malinawan siya sa sinabi nito kung hindi ay baka maging kriminal talaga siya ng wala sa oras. Nakita niyang pababa ito ng hagdan kaya agad niya itong tinawag. "Liam!" Nilingon naman siya agad nito. "Anong ibig mong sabihin?" "Saan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. Naningkit naman ang mata niya na tiningnan niya ito. "Huwag ka nang mag maang-maangan pa diyan. Baka gusto mo ihulog kita dito sa hagdan pag uminit ng husto ang ulo ko sayo." Sabi niya rito. kaagad naman itong napakapit sa handrail ng hagdan. Mukhang naninigurado itong hindi ito mahuhulog kung sakaling itulak niya talaga ito. "Hindi ka na mabiro. Binibiro lang naman kita." Sabi pa nito. "Nagbibiro? Sa tingin mo ba nakikipagbiruan ako sayo sa lagay nato? Ni hindi nga tayo close. Ano pang alam mo?" Galit na sabi niya rito. Kahit kailan talaga ay hindi siya sineryoso ng lalaking ito. "Well, I know that your going to marry someone you don't know." Sabi nito habang napapakamot sa ulo. "Paano mo nalaman ang bagay na iyan? Sinong nagsabi sayo?" Nagtatakang tanong niya rito. Paano nito nalaman ang bagay na iyon? Sa pagkatatanda niya ay wala pa siyang nasasabihan ng bagay na iyon dahil hindi pa niya nakikita at nakakusap ang mga kaibigan niya na sina Alesandra at Cynthia. Pero bakit alam nito iyon? pinaiimbestigahan ba talaga siya nito ng hindi niya alam? "You told me last night." Sagot nito sa kanya. "A-ako ang nagsabi sayo?" Gulat na tanong niya rito. "Paanong ako?" "Yes ikaw, I ask you why you wanted to get wasted and you answered that your dad wanted you to marry someone you don't know." sumandal pa ito sa handrail ng hagdan. Kinabahan siya ano pa kaya ang nasabi niya rito habang lasing siya? "Ano pa ang sinabi ko?" "Well, you also did tell me that I am handsome." sumilay ang matamis na ngiti nito sa labi. "Naga-gwapuhan ka pala sa akin?" Nakangising sabi nito. "Hindi totoo yan!" Halos pasigaw na sabi niya dahilan iyon upang mapatingin sa kinaroroonan nila ang mga kasambahay ni Liam. "Hindi totoo yan." Pabulong na ulit niya sa sinabi niya. "Bahala ka kung ayaw mo maniwala." Sabi nito saka aakmang baba na sana nang muli siyang magsalita. "Wala na ba akong ibang sinabi bukod doon?" Paninigurado niya rito. "Bakit may dapat ka pa bang sabihin bukod doon?" Balik na tanong nito sa kanya. "W-wala na." Sabi niya rito. Mukhang hindi naman yata siya nag over share dito. "Kung ganon ay halika na sa baba para makapag almusal ka na dahil alam kong masakit ang ulo mo. Pero kung hindi mo kaya ay pwede naman kitang buhatin Pababa, magsabi ka lang." Nakangising sabi pa nito. "Wuuu! Sir, hanep talaga mga da-moves mo!" Narinig niyang sabi ni Pekto dito. Sinamaan niya ito nangtingin kaya bigla itong natahimik. Saka binalingan niya si Liam na nakangisi pa rin. 'Ang sarap talaga sapakin. Akala yata ng lalaking to ay makukuha niya ako sa mga corny na moves niya.' Sabi na lang niya sa isip. Naglakad siya pababa ng hagdan at nilagpasan ito. "Wala akong balak magpabuhat sayo. Hindi ako pilay kaya kong maglakad mag-isang maglakad hindi ko kailangan ng tulong mo." Sabi niya saka nilingon muli ang lalaki. "Nasaan ang kotse ko?" Tanong niya rito. "Nasa bar pa iyon pero ipinahatid ko na iyon sa tauhan ni Zale kaya parating na din siguro iyon. Habang nag aantay ka kumain muna tayo ng almusal." Sabi nito saka akmang hahawakan siya pero umiwas siya rito. "Hindi na, hihintayan ko na lang ang kotse ko at aalis na din ako." Sabi niya rito saka tuluyang bumababa na ng hagdan. Sa sala na lang siya ng bahay nito maghihintay. "Brea, kailangan mong kumain ng almusal. Masama sa katawan ang pagpapalipas ng gutom." Sabi nito habang sinusundan siya patungo sa sala ng bahay nito. "don't lecture me Liam. Lalo na pagmasakit ang ulo ko dahil nananapak ako." Sabi niya rito at umupo sa sofa. "I'm not lecturing you. Totoo lang ang mga sinasabi ko. Wala ka pang kain simula kagabi. You need to eat." Sabi nito saka tumabi sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama. "Lumayo ka sa akin Liam. Sasarguhin ko talaga iyang mukha mo." Naiinis na sabi niya rito. Ayaw niya talagang naglalapit silang dalawa. Hindi siya komportable. Bumutong hininga ito, senyales na suko na ito. "Hay.. Bahala ka na nga." Tumayo ito at pumasok sa kusina. Doon na siya nakahinga nang maluwag. Hindi niya alam kung kailan siya magiging komportable pag nasa paligid ito. Habang nag aantay sa kotse niya na dumating ay tin-ext niya muna ang assistant niyang si Darren kung may update na sa mga pulis para sa bago niyang hawak na kaso. Maya-maya ay dumating na ang kotse niya. "Manang Nilda pasabi na lang kay Liam na umalis na ako." Sabi niya sa kasambahay ni Liam. "Hindi ka na ba magpapaalam ng personal kay sir?" Tanong nito. "hindi na ho at baka mag away pa po kami." Sabi niya rito saka aakmang tatalikod na nang may maalala. "Nga po pala manang. Ikaw ho ba ang nagbihis sa akin kagabi?" Tanong niya rito. Tumango naman ang kasambahay. "Oo, pinaki usapan ako ni sir Liam na bihisan ka. Parang sumuka ka yata. Siya ang nag asikaso sayo pero tinawag niya ako nang bibihisan ka na. Kahit naman ganyan si sir Liam ay gentleman iyan. Lalo na sayo." Sabi pa ni manang Nilda. "Naku Manang, huwag niyo na ho siyang ipagtanggol. Anyway, maraming salamat ho sa pag aasikaso niyo sa akin.." Sabi niya rito. "Kay sir Liam ma'ams, hindi ka magpapsalamat?" Tanong nito sa kanya. "Naku hindi na ho, baka imbes na magpapasalamat ako ay masapak ko pa ang amo niyong iyon. Sige ho at mauuna na ako." Paalam niya sa matanda. Tumango naman ito. "O, siya sige at mag-iingat ka sa pagmamaneho mo ah." Paalala nito sa kanya. Tumango naman siya rito. Kaagad niyang kinuha ang susi nang sasakyan niya at Pinaharurot iyon palayo sa bahay ni Liam. ----- YOU'LL meet Lenard Ross tomorrow." Sabi nga daddy ni Brea habang naghahapunan sila ng gabing iyon kasama nila ngayon ang kuya Ethan niya Huminga siya ng malalim. "Dad, ilang beses ko na bang sasabihin sa inyo na hindi ako magpapakasal." Matigas na sabi niya. Akala niya ay ung anong importanteng bagay ang sasabihin ng daddy niya. Iyon lang naman pala. "Ilang beses ko na rin bang sinabi sayo na wala ka ng magagawa? You're wedding will be three months from now." Sabi nito saka ipinagpatuloy ang pagkain nito. "Dad, bakit niyo ba pinakikialaman ang buhay ko? Sa tingin niyo ba magiging masaya ako sa gagawin niyo? Kahit magpakasal ako ay hindi pa rin ako mag re-resign sa trabaho ko. Kaya useless lang tong ginagawa niyo. Tigilan niyo na ako. Hindi ako makakapayag na ikawasal sa kung sino." Sabi niya, unti-unti na siyang nawawalan ng ganang kumain. "That's final, Breana. Kahit anong gawin mo you will marry Lenard Ross." Hindi talaga nagpapatinag ang daddy niya. "Dad!" Psigaw na sabi niya. "Brea! Don't shout at dad! He is just doing what he thinks the best for you." Sabi naman sa kanya ng kuya Ethan niya. "Kuya, Anong the best? Tama ba na ipakasal niya ako sa taong hindi ko kilala para lang sa pansarli niyong kagustuhan? Isipin niyo naman kung ano ang nararamdaman ko!" Padabog siyang tumayo sa kinauupuan niya at nag lakad palabas ng bahay nila na iyon. She wants to get out of that house immediately. Hindi na niya kaya pang magtiis doon. She felt suffocated. Agad siyang sumakay sa kotse niya at nagdrive paalis. Hindi niya alam kung saan siya pupunta basta gusto niya lang mapag isa at makalayo sa bahay na iyon. Feeling niya ay wala na siyang freedom pa sa bahay na iyon. Hindi niya alam kung ano pa ang kailangan niyang patunayan para tigilan na ng kuya at daddy niya ang pangingi-alam sa buhay niya. Nagdrive lang siya ng nagdrive hanggang sa makarating siya sa lugar kung saan siya laging napunta pag gusto niyang mapag isa. Lumabas siya ng sasakyan at naupo sa mga d**o na naroon. Gustong gusto niyang nagpupunta doon dahil napaka tahiimik ng lugar na iyon at kitang kita roon ang buong syudad. Si Liam ang nagturo ng lugar na iyon sa kanya. Dinala siya nito doon dati nang mamatay ang mommy niya. Kaya simula noon ay lagi na siyang napunta doon pag gusto niyang mapag isa. Unti-unting tumulo ang luha niya. Na mi-miss na niya ang mommy niya. Ito lang ang palaging kakampi niya pag pinagkakaisahan siya ng daddy at kuya niya. Lagi siya nitong pinatatanggol. Ito rin ang nagsabi sa kanya na gawin kung ano ang nasa puso niya. Kaya nga na lumakas ang loob niya na maging prosecutor. Dahil iyon sa mama niya. Napabuntong hininga siya habang tahimik na naiyak. Tumakas kaya siya at manirahan sa ibang bansa? Pero sigurado lang na mapaparanoid ang daddy at kuya niya. hindi naman kaya ng konsensya niya na pag alalahin ang pamilya niya. Ano ba ang dapat nyang gawin? Ayaw niyang makasal sa hindi niya kilala. Ano na lang ang magiging buhay niya pag ganon ang nangyari? Ano kaya kung maghanap siya ng kakilala na pwedeng magpanggap na asawa niya para tigilan siya ng daddy at kuya niya? Pero sino naman? Nag abala siyang nag e-emote nang biglang may lumitaw na panyo sa harap niya. Agad siyang napalingon upang malaman kung sino ang may hawak non at nakita niya si Liam na lalungko sa tabi niya habang hawak hawak ang panyo. Napatitig lang siya rito. Hindi kasi siya makapaniwala na naroon ang lalaking iyon. Alam pa pala nito ang lugar na iyon. Dahil hindi naman niya inabot ang panyo nito ay ito na mismo ang nagtuyo ng luha niya sa pisngi niya. "I really don't want to see you cry." Sabi nito habang pinupunaasan ang mukha niya ng panyo nito. "Ano na naman ba ang problema mo? Bakit ka umiiyak?" Tanong nito sa kanya. Doon siya natauhan at tinabig niya ang kamay nito na nakahawak sa mukha niya. "Don't touch me." Sabi niya rito saka muling tumingin sa mga ilaw na nagmumula sa iba't ibang gusali na natatanaw sa kinaroroonan nila. "Umalis kana Liam. Gusto kong mapag isa." Sabi niya rito. Ayaw niya munang makipag talo rito dahil mas gusto niyang umisip ng paraan sa problema niya. Pero sa halip na umalis ay umupo pa ito sa tabi niya. "You can tell me everything. alam kong wala kang mapag sabihin ng problema mo ngayon dahil wala sa bansa ang mga kaibigan mo. I can be your friend just for a while. Malay mo makatulong ako sayo" Suggestion nito. "Wala kang maitutulong sa problema ko. Kaya umalis ka nalang." Sabi niya rito. Minsan talaga ay makulit itong si Liam. "Why don't you try me?" Muling pangungulit nito. Hinarap niya ito. "Wala kang maitutulong sa akin okay? Kaya tigilan mo na lang ako." Sabi niyang muli rito. Ano ba ang maitutulong nito? Hindi naman siya nito pakakasalan. Napaisip siya at tumingin dito. Oo nga, ito lang ang maaaring makatulong sa kanya. Hinarap niya ito. "Sigurado ka bang willing kang tumulong sa akin?" Tanong niya rito. Gusto niyang makasigurado kung tutulungan siya nito. "Oo naman, I will do my best to help you. Para din makabawi na din sa kasalanan ko sayo." Sabi naman ito. Ang importante ngayon ay masulusyonan ang problema niya. Wala siyang pakialam kung si Liam pa ang makakatulong sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago maagsalita upang mag ipon ng lakas ng loob. Saka muling hinarap ito. "Pakasalan mo ako." Seryosong sabi niya rito. "Sige." SAbi nito ngunit agad din siya nitong nilingon. A-ano!?" 'Bahala na si Batman! It's now or never.' Sambit na lang niya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD