"ANO!?" Gulat na tanong ni Liam kay Brea. Mahahalata sa hitsura ng lalaki ang pagkaabigla sa narinig nito deklrasyon niya.
"You said, you are willing to help me, then marry me." Simpleng sabi niya rito.
"I will help you with anything but not this one. Ang pagpapaksal ay ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan. Hindi para takasan ang problema. Alam kong hindi mo ako gusto kaya bakit mo ako papakasalan?" Pagpapaliwanag ni Liam sa kanya.
"Wala na akong pakialam kung mahal kita o hindi, ang mahalaga sa akin ngayon ay may maiharap ako kay daddy at kuya na asawa ko sa lalong madaling panahon. Kung hindi mo ako papakasalan ay ipapakasal pa din ako ni daddy sa hindi ko kilala, so I think hindi applicable sa akin iyang sinasabi mo." Sabi niya rito.
"Kinausap mo na ba ang daddy mo tungkol sa bagay na iyon? Sinabi mo na ba sa kanila na hindi mo gusto ang magpakasa?" Tanong nito sa kanya.
"Ilang beses ko ng kinausap si daddy na ayaw kong magpakasal sa kung sino man. Pero binigyan niya lang ako ng ultimatum. He will not force me to marry someone I don't know but I need to quit my job." Sabi niya naman dito. Naiisip niya palang iyon ay naiinis na siya.
"Then quit your job. Pwede ka naman magtrabaho sa law firm niyo." Suggestion pa nito.
Masama ang tingin niyang binalingan ito. "Nababaliw ka na ba? Bakit naman ako magre-resign para lang sa kagustuhan ng daddy ko? This is my dream job. Hindi ko ito isusuko ng dahil lang sa kagustuhan ni daddy at kuya." Tumayo na siya. Ano ba ang aasahan niya sa Liam na ito? Akmang aalis na siya nang pigilan nito ang braso sa niya.
"You should listen to your dad. He just wants to make sure you're safe. Intindihin mo siya." Seryosong sabi nito.
Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa braso niya."Mali talaga na humingi ako ng tulong sayo." Napailing siya saka naglakad ngunit hinabol siya nito muli.
"I'm just worried about you. " Sabi nito sa kanya. "Tama naman ang daddy mo. Masyadong delikado ang trabaho mo. Ano mang oras ay pwede kang mapahamak. Mahalaga ka sa kanya."
"Worried? Ganyan na ba mag worry ang mga lalaki ngayon? Pare-parehas lang kayo nila daddy. Kaya ko ang sarili ko. Ilang taon na akong nagtatrabaho bilang prosecutor, pero hindi pa naman ako naapapahamak ng husto." Sabi niya rito.
"Aantayin mo pa bang mangyari ang bagay na iyon bago ka mag quit diyan sa trabaho mo? Brea nasa huli ang pag sisisi. You should quit now. Bago pa mahuli ang lahat." Sabi pa nito. Bakit ba hustler ito pang bu-bwisit sa kanya?
Bumuntong hininga siya. "Alam mo, kung hindi mo ako matutulungan sa problema ko ay huwag ka nang makigaya pa sa daddy at kuya ko na ang gusto ay mag resign ako sa trabaho. Tigilan niyo ako." Sabi niya saka muling tinlikuran ito ngunit hinarangan lang muli nito ang dadaanan niya. "Ano ba!"
"I'm serious Brea, you should quit your job." Seryosong sabi nito.
"At sino naman ang nagsabing nagbibiruan tayo? Kung hindi mo ako tutulungan huwag mo akong pakialaman sa gusto ko! Pare-pareho lang kayo nila daddy. Wala kayong pakialam sa nararamdamn ko." Sabi niya rito saka nilagpasan ito at sumakay sa kotse. Matapos ay pinaharurot niya iyon palayo.
Pati ba naman si Liam ay pinare-resign siya? Akala pa naman niya ay tutulungan na siya nito. Sabagay, hindi na dapat siya nag iisip natutulungan siya nito. Masyado itong babaero para magpatali. Mukhang kailangan niyang maghanap ng taong pwede tumulong sa kanya para hindi matuloy ang kasal na pinaplano ng daddy niya.
Hindi siya umuwi sa bahay nila. Sa halip ay nag check in siya sa hotel. Ayaw na muna niyang makita ang kuya at daddy niya. Uuwi na lang siya pag may asawa na siyang ihaharap sa mga ito.
-----
"PROSECUTOR Alarcon , balita ko ay naghahanap ka ng mapapangasawa. Pwedeng pwede ako, single and available." Sabi ni Martin, isa sa mga prosecutor na katrabaho niya at masugid na manliligaw niya.
Sinamaan niya ng tingin ang napaka daldal na assistant niya. Sigurado siya na ito ang nagkalat ng balitang iyon. Dahil minsan na niya iyong naasabi dito. Hindi naman niya alam na ipagkakalat pala nito ang plano niya. Minsan talaga ay hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan pa ito o hindi na.
Agad naman itong nag iwas ng tingin. Napailing na lang siya at binalingan si Martin. "Wala akong balak magpakasal sa isang prosecutor din. Salamat na lang sa offer Prosecutor Santos ." Sabi niya saka muling sumubo ng pagkain niya.
Kasalukuyang nag tatanghalian sila ng mga oras na iyon. Kakatapos lang kasi ng hearing niya. Medyo na drain ang utak niya sa nagdaang mga araw dahil sa plano ng daddy niya. Mabuti na lang at nanalo pa din siya sa kaso.
Ilang araw na din siyang hindi nauwi sa kanila. Hindi siya uuwi hangga't wala siyang maihaharap na asawa sa kuya at daddy niya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makahanap. Kung bakit naman kasi hindi siya friendly? Ngayon tuloy ay nahihirapan siyang maghanap ng papatol sa gusto niya.
"Wala naman masama kung parehas tayong prosecutor saka ano pa ba ang hinahanap mo sa isang lalaki? Tingin ko naman ay nasa akin na ang lahat ng mga magagandang katangian." Sabi pa nito sa kanya.
Tiningnan niya ito ng deretso. "Kahit na sayo na ang sinasabi mong katangian ay hindi naman kita gusto kaya kung ako sayo sa iba mo na lang ituon iyang attention mo." Pagka sabi non ay agad na siyang tumayo at umalis sa kinauupuan niya.
Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay pagiging maukulit. Kaya kahit kailan ay hinding hindi niya magugutsuhan si Martin. Wala kasi itong ginawa kung hindi magpalipad hangin sa kanya.
Nang makapasok siya sa opisina niya ay kaagad niyang ni review ang mga dapat e review para sa susunod niyang kaso na konektado kay Delfin San Agustin. Kahit nakakulong na kasi ito ay kumikilos pa rin ang mga tauhan nito at patuloy na gumagawa ng krimen. kailangan niyang makahanap ng malakas na ebidensya laban rito upang hindi na ito makalabas pa. Dahil alam niyang hindi sapat ang ginawa niya noong huling trial nila para mabulok sa billangguan ang kriminal na iyon.
Habang abala sa pagre-review ng case ni Delfin ay biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang caller at napangiti siya ng mapasino iyon.
kaagad niyang sinagot ang tawag nito. "Hello Cynthia!" Excited na bati niya rito.
"Huwag mo akong sigawan okay? Masakit na ang tainga ko sa tunog ng sasakyan." Naiinis na sabi naman nito.
"Sorry, excited lang ako nang makita kong ikaw yung natawag. Nasa Pilipinas kana ba?" Tanong niya rito.
"Yes pero ilang araw lang din ako rito because I stil have something to do." Sabi nito saka bumuntong hininga. "Where are you?" Taanong niito sa kanya.
"Nandito ako sa opisina ko. Bakit?" Tanong naman niya rito.
let's meet." sabi nito sa kanya.
Agad naman siyang tumayo sa kinauupuan. "Saan tayo magkikita?"
"diyan sa malapit na coffee shop sa opisina mo." Sagot naman nito sa kanya.
"Sige kita na lang tayo don." Sabi niya saka pinatay ang tawaga at lumabas na ng opisina niya.
"Ma'am, saan kayo pupunta?" Tanong ni Darren nang makasalubong niya ito sa hallway.
"May kakausapin lang ako." Sagot naman niya rito at nag dere-deretso na siya nag lakad.
Nang makarating sa coffeeshop na sinasabi ni Cynthia ay kaagad nakita ni Brea ang dalaga doon na prenteng nakaupo sa isang table na naroon. Kaya naman pinuntahan niya ito kaagad.
"Nag over speeding ka na naman no?" Tanong niya rito nang makaupo sa katapat na upuan nito.
"Hindi ako nag over speeding, mababagal lang ang mga sasakyan dito sa Pilipinas." simpleng sabi nito.
"Alam mo hindi na ako magtataka kung one of these days ay bigla ka na lang hulihin ng pulis." Naiiling na sabi niya rito.
"Here, inorder na kita para hindi sayang sa oras." ASbi nito sa kanya.
"San ka nga pala galing?" Tanong niya rito habang humihigop ng smoothie niya.
"Naglunch kami ni Zale at may nalaman ako sa kanya." Sabi nito saka tinitigan niya. "Is it true na kin-idnap ni Bryzon si Sandy?" Tanong nito sa kanya.
Tumango siya. "Hindi ko din alam kung paano basta nagulat na lang ako nang tawagan ako ni Sandy gamit ang cellphone ni Bryzon." Sagot niya rito.
"I really smell something fishy what do you think?" Tanong nitong muli sa kanya.
"Siguro, pero hindi ko lubos maisip kung paano matatagalan ni Sandy si Bryzon ngayong magkasama silang dalawa." Sabi niya. Pero sa tingin niya ay kawawa si Bryzon. Siguradong binubugbog na iyon ngayon ni Alesandra.
"You're righ. Anyway, how about you? Do you have any problems? You don't look fine." Tanong nito sa kanya.
Bumuntong hininga siya. "Dad wants me to marry someone." Sabi niya habang pinaglalaruan ang iniinom.
"Is that something like arrange marriage?" Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya. Tumango naman siya dito. "Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kayo Chinese. Bakit ka ipapakasal ng daddy mo?" Nagtatakang tanong pa nito.
"Iniisip niyang pag nagpakasal na ako ay mag reesign na ako sa trabaho ko." Sabi niya rto.
"Mukhang lume-level up na ang naiisip ng daddy mo para lang mag quit ka sa trabaho mo. Tumetelenovela siya ngayon. So anong gagwin mo?"
"Nag hahanap p ako ng mapapangasawa." sagot niya saka humigop muli ng iniinom niya.
"What? Are you out of your mind? hindi ba parehas lang iyon? Yung maghahanap ka ng magiging asawa?" Naguguluhang tanong nito sa knaya.
"No, that's different. Kasi ang kukunin kong mapapangasawa ay hindi dapat tututol sa mga gusto kong gawin. In short mag asawa lang kami sa papel." Sabi niya rito.
"Hindi ba magulong set up iyon?" Tanong nitong muli sa kaanya.
"I don't know. Iniisip kong makipag devorce din once tumigil si daddy sa kakakulit sa akin." Kailangan talaga niyang makahanap ng mapapangasawa lalo na sa madaling panahon. Tiningnan niya si Cythia. "Help me, may kakilala ka bang papayag sa gusto ko?" Seryosong tanong niya.
"Are you sure about that? Magulo ang papsukin mo, Brea. Paano kung ma inlove ka na naman at masaktan? Sigurado akong hindi maganda iyon." Nag aalalaang sabi nito sa kanya.
"I will cross the bridge when I get there. In the mean time ito lang ang paraan para matakasan ko ang gusto ni daddy. Please help me." Paakiusap nito sa kanya,
"Ayaw kong kunsntihin iyang kalokohan mo Brea. Ayoko ng dahil sa akin ay mapahamak ka." Sagoot sa kanya ni Cynthia.
Mukhang mag isa niyang haharapin ang problemang iyon.
Hinawakan ni Cynthia ang kamay niya. "Don't get me wrong okay? I also don't like the idea that your faher wants you to marry someone just to make you quit your job. Ang sinasabi ko lang dito ay baka may iba pang paraan bukod diyan sa naiisip mo." Sabi nito sa kanya. Alam naman niya na concern lang din ito sa kanya.
Ngumiti siya rito. "I know, I will try to look for another solution." Sabi na lang niya rito pero buo na ang loob na maghanap ng mapapangasawa.
May naisip siyang pwedeng makatulong sa kanya. Si Kean..
-----
"MARRY me." Sabi ni Brea kay Kean. Kasalukuyan na sa isang event siya nang mga oras na iyon. At nakita niya si Kean na naglalamyerda sa event na iyon.
Naibuga nito ang iniinom na champagne sa gulat nito. "W-what?" Naguguluhang tanong nito.
"Kailangan ko ng mapapangasawa." Simpleng sabi niya rito.
"Alam mong hindi ako marrying type at isa pa gagawin mong delikado ang buhay ko." Napailing na sabi nito.
Nilingon niya ito. "Don't worry hindi kita idadamay sa problema ko sa trabaho." Sabi naman niya rito.
"Hindi ang trabaho mo ang tinutukoy ko." Bumuntong hininga ito. "Alam mo, gusto kitang tulungan sa problema mo pero hindi pwede sa gantong paraan. Ayaw kong magkaroon ng death threat. Tama nang sina Izaiah at Zale ang may ganon problema. Ayoko nang dumamay pa sa love triangle niyo. Sasakit lang ulo at katawan ko." Sabi nitong muli.
Napakunot siya ng noo. Ano ba ang ibig sabihin nito? Anong love triangle? Mukhang may saltik din ang isang to. Ang akala pa naman niya ay sina Zale, Bryzon at Liam lang ang may saltik sa magkakaibigang ito. Pati rin pala ito. Napailing na lang siya.
"Ano ba ang pinagsasabi mo? Ilang buwan lang naman tayong magiging mag asawa. Ano-" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang may biglang humila sa kanya at sa isang iglap ay nasa gitna na siya ng dance floor ng event na iyon.
"Marry me instead. Ako lang ang pwedeng mong pakasalan wala ng iba." Napatingin siya sa humila sa kanya at laking gulat niya ng makilala iyon.
"L-liam.." Tanging sambit niya sa pangalan nito.