CHAPTER 7

2127 Words
"I REALLY don't think that this is a good idea Liam." Sabi ni Brea kay Liam nang makarating sila sa mansion ng mga Evans ng gabing iyon. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito dahil nagaatubili pa rin siyang lumabas roon. Hindi niya akalaing darating ang araw na ipapakilala siya nito sa mga magulang nito para pakasalan. Kaya ito ang unang inalok niya ng kasal ay dahil ang buong akala niya ay magiging lihim lang ang kasal nila dahil wala sa bokabularyo nito ang salitang kasal dahil isa itong certified playboy at sa pagkakaalam niya ay wala pa itong seneseryosong babae ngunti ngayon ay mukhang mali yata siya sa pagkakakilala niya rito. 'Sa tingin mo ba ay seryoso na siya sa lagay na iyan?' Tanong ng isang bahagi ng utak niya. Ano na kayang gagawing niya ngayon? Paano niya matatakasan ang plano ng ugok na ito? Dahil mukhang seryoso talaga ito na ipakilala siya sa mga magulang nito. Ano ba kasi ang pumasok sa isip nito at may meet and greet pa with the family ang peg nila? "It's your idea, remember?" Sabi nito saka lumabaas na ng kotse nito. Siya naman ay nag-aatubili pa rin kung lalabas ba sasakyan o mananatili na lang sa loob ng sasakyan nito. Pero nagulat na lang siya ng biglang bumukas ang pinto ng kotse sa gawi niya. "What are you waiting for? C'mon, They are waiting for us." Sabi nito saka hinila na siya pa labas ng sasakyan. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi sumunod na lang dito. "Oo nga this is my idea. Pero wala naman sa plano ko ang magpakilala sa pamilya mo." Katwiran niya rito habang naglalakad papasok sa loob ng mansion. Tiningnan niya ang paligid. Napakalaki ng mansion ng pamilya nina Liam. Mapaghahalataan talagang isa ang pamilya nito sa tinitingala sa lipunan. Kahit ang bahay nila ay walang panama sa mansion na iyon. Kumunot naman ang noo nito."You're going to marry me without knowing my family? Sa tingin mo ay papayagan ko iyon?" Lumapit ito sa kanya at bumulong. "I'm old fashion baby." Parang nanayo lahat ng balahibo niya sa katawan ng maramdaman ang hininga nito na dumampi sa tainga nya. Gusto niyang lumayo rito ngunit hindi iyon pinayagan nito sa halip ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kamay niya. Kaya wala siyang nagawa kung hindi magpahila na lang dito kahit nagwawala ang buong sistema niya dahil sa pagkakahawak nito sa kamay niya. Habang naglalakad papasok ng mansion ng mga Evans ay sobra ang kaba niya. Ni minsan sa buhay niya ay hindi siya nakaramdam ng ganoon kaba. Kahit pa notorious ang mga kriminal na ipinapakulong niya ay hindi siya kinakabahan nang ganon. Si Liam at pamilya lang pala nito ang magpaparamdam sa kanya ng ganoon paakiramdam. Hinila niyang muli ang kamay niya na hawak pa rin ni Liam. Nilingon naman siya ng binita. "What's wrong?" Nagtatakang tanong nito. "Anong what's wrong? This is wrong! Bakit mo ako ipapakilala sa pamilya mo? Hindi naman magiging totoo ang kasal natin." Sabi niya rito. Hindi niya alam kung ano ba ang inisip nitong lalaking ito. Natigilan ito. "What do you mean?" Muling nagtatakang tanong nito sa kanya. Hinarap niya ito. "Yes, we will get married sa papel lang iyon. Hindi tayo totoong magiging mag asawa. Kaya hindi na kailangan ng mga ganitong pormalidad." Bumuntong hininga siya. "What I just need from you is your presence when my dad ask us about the marriage. Ako na ang bahala sa lahat." Paliwanag niya rito. "So, you mean, I can do whatever I want to do kahit kasal na tayo?" Tanong nito sa kanya. "Yes." Maikling tugon niya rito. Mukhang unti-unti na din nitong nage-gets ang mga sinasabi niya. Hindi naman pala slow ang isang to. Sabagay hindi naman ito magiging doctor kung slow ito. Pero sa halip na ihatid siya nitong muli sa office niya ay hinawakan lang siya nitong muli sa kamay at hinilang muli upang pumunta sa dinning area ng mansion. "T-teka lang, akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo?" Nagtatakang tanong niya rito. "Kung gusto mo talagang maniwala ang daddy mo sa pakulo mo ay kailangan mo ng matibay na ebidensya. I thought you are one of the best in you field. Why you don't know this?." Sabi nito saka tuluyan na siyang hinila papasok sa dinning area. ----- "SO hija, I did not know that you're dating Liam. Kung alam ko lang ay matagal na kitang inimbitahan dito sa bahay. " Sabi ng mommy ni Liam na si Crizelda Evans kay Brea. "Ikaw lang pala ang magpapatino sa playboy na lalaking ito." Sabi nito at binuntutan pa ng pagak na tawa. Tabingi ang ngiti ang itinugon niya rito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdam ng mga oras na iyon. Dahil halo-halo na ang mararamdaman niya. Parang gusto niya tuloy manapak ng tao na nag ngangalang William Evans. Kasalukuyan siyang nagdi-dinner kasama ang buong pamilya ni Liam. Tuluyan siyang nahila ni Liam papasok sa dining area ng mga Evans kahit pa tutol siya sa gusto nito ay wala siyang nagawa dahil may point naman ito. Personal niyang kilala ang mga Evans dahil ang daddy niya ang legal advisor ni Willbert Evans na siyang may ari ng Lopez-Evans Medical Center na hindi lang kilala sa buong bansa kung hindi na rin sa buong Asia. Naisip niyang kung talagang gusto niyang mapaniwala ang daddy niya sa kalokohang ito ay kailangan niya ng ganitong ebidensya. Dahil siguradong mabibisto lang siya ng kuya at daddy niya lalo na at parehas niya ay mga abogado din ang mga ito. "A-ahm.. k-kasi.. Gusto muna naming maging p-private ang lahat. Saka nahihiya po ako sa inyo." Nauutal na sabi niya. Hindi talaga siya sanay magsinungaling. Mukhang dito palang ay mabibisto na siya. Napalingon siya kay Liam nang pasimpleng hawakan nito ang kamay niya. Lalong nagwala ang buong sistema niya dahil sa ginawa nito. "You don't have to be shy, hija. You are part of the family na now you and Liam are getting married. Alam mo bang ikaw palang ang dinala niyang babae rito sa mansion? Ang buong akala ko talaga ay wala nang magpapatino sa kanya. Mabuti na lang at nagkakilala kayong dalawa. I will arrange your engagement party next week." Excited na sabi nito. Naalarma naman siya. Wala sa plano niya ang engagement na sinasabi nito. Lalong nagiging komplikado ang nangyayari. Nilingon niya si Liam na nakatingin lang sa kanya upang humingi ng tulong. "Do something!" Bulong niya rito. Narinig naman niyang bumuntong hininga ito bago sumagot. "Brea is a private person mom, she wants everything in private lalo na sa trabaho niya. So I don't think it would be necessary if you throw an engagement party. Kami na lang ang bahalang umayos ng lahat." Sabat naman ni Liam. Nang dumating sila roon ay ang mommy nito ang masiglang sumalubong sa kanila. Para bang tuwang tuwa ito na makita siya nito. Alam naman talaga niyang mabait ang mommy nito pero hindi niya maiwasang kabahan dahil hindi naman totoo ang pagpapakasal nila ni Liam. Siguradong kahit napakabait nito ay hindi nito maiiwasang magalit sa kanya pag nalaman nito ang totoo. "I understand that, but this is just once in a lifetime event. You need to celebrate everything and I know being a prosecutor is really hard. You have to quit your job Brea once you start your own family. I mean, your job is really dangerous. I'm not telling you to stay in your house and be a house wife but you can always work at your dad's law firm." Sabing muli ng mommy ni Liam. 'Sinasabi na nga ba!' Sambit niya sa isip. Kaya nga ganito ang drama niya ngayon dahil ayaw niyang mag quit sa trabaho niya. Pero iyon rin pala ang isa-suggest ng mommy ni Liam. Alam niyang hindi magugustuhan ng kahit sino ang trabaho niya. Napakadelikado kasi ang pagiging prosecutor. Noong nakaraang taon nga ay talong prosecutor ang namatay dahil sa pananambang. Kaya naiintindihan niya kung ganoon ang naging kumento ng mommy ni Liam sa trabaho niya lalo na at isa ito sa nakakaalam kung ano ang kinamatay ng mama niya. Sasagot na sana siya ngunit biglang nagsalita si Willson, ang nakakatandang kapatid ni Liam at matalik na kaibigan ng kuya Ethan niya. "Mommy, give Brea a break. I'm sure she's happy with her job and I know na alam niya ang ginagawa niya kaya hindi mo siya kailangan pagsabihan ng ganyan." Nakangiting sabi nito. Kahit kailan talaga ay napakabait nito. Madalas ay ito ang nagtatanggol sa kanya pag pinapagalitan siya ng kuya niya. Pasimpleng nginitian niya ito. Tanda nang pasasalamat niya sa naging pahayag nito. Pero may naramdaman siyang marahang sumipa sa paa niya sa ilalim ng mesa. Napakunot noong tiningnan niya si Liam na abala sa pagkain ng salad nito na wari ba ay walang alam ito. Kaya sinipa niya rin ito mas malakas kaysa sa pagsipa nito. At sumenyas kung ano ang problema nito. Pero nagkibit balikat lang ang lalaki. 'Napaka lakas atalaga ang topak ng lalaking ito.' Sabi niya sa isip at muling ipinagpatuloy ang pagkain. "Kailan ba ang kasal niyo?" Narinig niyang tanong naman ng daddy ni Liam na si Willbert Evans. "As soon as possible." Maikling tugon naman ni Liam dito. "We can't rush marriage. There is still so much to do. I still have an engagement party planned and I want you two to have a extravagant wedding. This kind of event only happens once so it should be memorable." Apila na naman ng mommy ni Liam. "P-pero tita-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng muling magsalita ito. "No buts hija. We need to make your wedding extravagant. I will hire the best wedding coordinator in the country." Pagkasabi non ay bigla itong tumayo at excited na lumabas ng dinning area ng mansion. "Pasensya ka na hija, ganon talaga ang tita Crizelda mo. She just want the best for the two of you." Sabi naman ng daddy ni Liam at ipinag patuloy ang pagkain. Muling binalingan niya si Liam na kumain sa tabi niya. "Do something!" Bulong niya rito. "You can't do anything about it. Si mommy ang batas sa bahay na ito. Kung ano man ang sabihin niya ay iyon ang msusunod." Ganting bulong nito sa kanya. "Hindi pwedeng maging magarbo ang kasal natin! Mas magiging marami ang lolokohin natin." Sabi niya ritong muli. Siguradong malalagot siya pag nagkataon. Ilang sandali siyang tinitigan nito saka binalingan nito ang daddy at kuya nito. "We have to leave, may pupuntahan pa ksi kami." Sabi nito saka inayos ang sarili at tumayo. Siya naman ay nagtatakang tiningnan lang ito. Ano na naman kaya ang plano ng kolokoy na ito? "Let's go." Sabi nito sa kanya saka hinawakan ang kamay niya at iginiya pa tayo. Bago tuluyang umalis ay binalingan niya ang daddy nito at ang kuya Willson ni Liam. "Pasensya na ho kayo tito, kuya Wilson, mauuna na po kami." Sabi niya sa mga ito. "Mag iingat kayo hija." Nakangiting sabi naman ng daddy ni Liam. "Mag iingat ka Brea, lalo na sa kapatid ko malakas ang tama niyan sayo." Biro naman ni Willson saka tumawa ng pagak. Nagtatakang tiningnan naman niya si Liam na seryosong nakatingin kay Willson. "Shut your big mouth big brother or I will tell Phoebe everything I know." Pagkasabi non ni Liam ay hinila na siya nito paalis sa dinning area at palabas ng mansion ng mga Evans. Kahit gusto niyang magtanong tungkol sa huling sinabi ni Wilson ay hindi na niya ginawa pa dahil mukhang hindi na maganda ang timpla ni Liam kaya siguro umalis na sila sa dinner ng pamilya nito. Minsan niya lang makitang seryoso ito. Ano naman kaya ang iniisip nito ngayon? Hindi nito binitiwan ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa parking area ng mansion. Wala pa ring imik ito nang buksan nito ang pinto ng passenger seat kaya hindi na lang niya ito pinansin. Bahala ito sa problema nito sa buhay. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng sasakyan nito habang nagmamaneho ito nang mapansin niyang iba ang daan na tinatahak nila kaya nagtatakang nilingon niya ri Liam. "Where are we going? Hindi ito ang daan papunta ng office ko." Tanong niya rito. "Who told you that I'll take you back to your office?" Tanong nito pabalik sa kanya. Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Ang buong akala niya ay ihahatid na siya nito pabalik sa office niya. "Saan tayo pupunta?" Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa isasagot nito. Hindi maganda ang kutob niya sa plano nito. "We are going to Batangas." Sagot nito sa kanya. "Anong gagawin natin doon?" Nilingon siya nito habang nagdadrive. "We're getting married." "W-what?!" Parang may sumabog na bomba sa utak niya dahil sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD