"WHAT?!" Gulat na tanong ni Brea kay Liam nang marinig niya ang sagot nito. Parang may sumabog na bomba sa utak niya.
Nilingon siya nito. "Bakit ka pa nagugulat? You said that I should do something earlier, right?" Tanong nito sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot dito. Kailangan niya kalmahin ang sarili niya. "Ang sinasabi ko ay kailangan nating pigilan ang mommy mo sa binabalak niya. Hindi ko naman sinabi na magpakasal tayo agad." Sabi niya rito.
"I thought you want to get married as soon as possible?" Kunot noong tanong nito sa kanya.
"Oo nga, pero kasi.." Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil totoo naman ang sinabi nito. siya ang may gusto na padaliin ang kasal pero bakit siya ang natatakot ngayon? Bakit nagiging baliktad yata ang sitwasyon? Ang buong akala niya ay si Liam ang susuyuin niya upang mapabilis ang kasal ngunit bakit parang ito pa ang nagiging excited sa nangyayari?
Itinigil ni Liam ang sasakyan at itinabi sa gilid ng kalsada.
"You need to think carefully Brea. Kung hindi tayo magpapaksal ngayon ay baka magbago ang isip ko at hindi na kita tulungan sa problema mo. Hindi lang ikaw ang busy sa trabaho. I'm also wasting my time just to help you out with this. I have a business trip to attend to pero mas pinili ko ito. Be considerate, Brea." seryosong sabi ni Liam habang nakatingin sa kanya.
'Compose yourself Brea. This is what you want, remember?' Muli siyang huminga ng malalalim upang kalmahin ang sarili. This is now or never. Kung hindi siya magpapakasal ngayon ay baka matuloy ang pinaplano ng daddy niya na ipakasal siya sa hindi niya kilala. Tama si Liam. They need to do it immediately.
"Alright, let's get married." Seryosong sabi niya rito.
Unti-unting sumilay sa labi nito ang napakatamis na ngiti. "Good decision." Sabi nito saka muling binuhay ang makina ng sasakyan nito at nag-drive.
Ibinalik niya ang tingin sa daan. Sobra sobra ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Ang tangin alam niya lang ay kailangan niyang gawin ito para sa sarili niya. Alam niyang hindi siya magiging masaya kung susundin niya ang kanyang daddy. Pero magiging masaya ba siya sa desisyon niya ito?
Muli niyang tinignan si Liam na mukhang masaya na sa buhay nito. Sa isang iglap ay nagbago ang mood ang lalaki at pa kanta-kanta pa habang nagda-drive. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ni Liam at tinulungan siya nito. Hindi kaya may tinatakasan itong babae kaya ito basta na lang nagprisinta na magpakasal sa kanya? Sa pagkakaalam niya kasi ay hindi ito basta basta magpapakasal kung wala itong malalim na dahilan? Isa itong batikang playboy. Pero bakit masyado naman itong willing magpakasal sa kanya? Hindi kaya may gusto pa ito sa kanya?
'Don't go there, Brea. Hindi mo naman siguro nakakalimutan ang ginawa niyang panloloko sayo?' Sambit ng isang bahagi ng utak niya.
Napailing na lang siya sa naisip. Kahit pa ilang taon na ang nakakaran, hanggang ngayon ay sariwa pa din ang panlolokong ginawa nito sa kanya at kahit kailan ay hindi niya ito mapapatawad pero sa ngayon ay kailangan na muna niya ang tulong nito. Pag sigurado na siya na hindi na siya pakikialaman ng daddy niya sa buhay niya ay agad siyang magpa-file ng annulment para mapawalang bisa ang kasal nila. Madali lang naman iyon lalo na at marami siyang kilala na pwedeng makatulong sa kanya.
"Alam kong gwapo ako. Kaya naiintindihan ko kung ma-in love ka sa akin dahil sa kagwapuhan ko." Sabi nito sabay lingon sa kanya. Nagulat pa siya nang kinadatan siya nito.
"Malala ka na." Sabi niya dito. Ang lakas talaga ng saltik nito kahit kailan. Kaya imbes na patulan ang sinabi nito ay itinuon na lang niya ang tingin sa daan ngunit ibinalik niya ang tingin kay Liam nang may maalala.
"What? Magko-confess ka na ba sa nararamdaman mo para sa akin?" Tanong nito sa kanya nang maramdaman nito ang pagtingin nyang muli dito.
"In your dreams," Sabi niya rito sabay irap. "Sasabihin ko lang na bago tayo pumunta ng Batangas ay pwede ba tayong pumunta sa office ko? Kukunin ko lang ang mga gamit ko roon. Basta mo na lang kasi akong hinila kanina."
"Of course, basta ikaw nanginginig pa." Sabi nito sa kanya saka biglang kinabig ang manibela paliko papunta sa office niya.
Napailing na lang siya sa sinabi nito. Ilang saglit lang ay nakarating na sila sa building kung nasaan ang office niya.
Binalingan niya si Liam na akmang bababa ng sasakyan nito. Huwag ka nang bumaba pa. Kukunin ko lang naman ang mga gamit ko sa office. Antayin mo na lang ako rito." Sabi niya rito ay lumabas na ang sasakyan pero laking gulat niya ng lumabas din si Liam sa sasakyan nito. "What are you doing?" Nagtatakang tanong niya rito.
"I don't like the idea that you're going to your office on your own. Mamaya ay kausapin ka na naman ng nung lalaki sa opisina mo kanina." Sabi nito saka hinawakan siya sa kamay. "Let's go?"
Hinila niya ang kamay niya na hawak nito. "Bakit ba hawak ka ng hawak sa kamay ko?" Naiinis na sabi niya rito.
Pero wala naman pakialam sa inis niya si Liam dahil hinawakan lang muli nito ang kamay. "Dapat masanay kana dahil hindi lang ito hahawakan ko sayo." Sabi nito at hinila na siya papasok sa loob ng building.
Hindi niya alam pero bigla na lang nagwala ang sistema niya sa sinabi nito. Ano naman kaya ang ibig sabihin nito?
-----
"BAKIT kailangan mo pang magdala ng baril?" Tanong ni Liam kay Brea nang makabalik sila ng sasakyan nito.
Nang makarating sila sa office niya, ang unang hinanap niya ay ang kanyang baril na glock 43 pistol na nasa drawer niya at dahil nakamasid sa kanya si Liam habang nililigpit niya ang mga gamit niya ay nakita nitong isinukbit niya ang baril na iyon sa
gilid ng suot niyang pantalon. Kaya simula ng umalis sila sa opisina niya ay panay na ang tanong nito kung bakit may dala pa siyang baril.
Bumuntong hininga siya upang kalmahin ang sarili dahil feeling niya ay mapapatid na ang pasensya niya sa lalaking ito. "It's for my own safety." Binalingan niya ito pagkatapos niyang magsuot ng seatbelt. "Pwede ka ng mag-drive." Sabi niya rito saka inirapan ito.
Saglit pa siyang tinitigan nito saka tumalima upang I-start ang makina ng sasakyan nito. "Gaano ba kadelikado ang trabaho mo at kailangan mo lagi ng baril kahit saan ka magpunta?" Tanong nito sa kanya.
Tumanaw siya sa labas ng sasakayan. "You don't need to know." Sabi naman niya rito. Hangga't sa maari ay ayaw niyang malaman nito kung gaano ba kadelikado ang buhay niya dahil alam niya na baka isa rin ito sa mga pumilit sa kanya mag resign sa trabaho.
Narinig niyang umingos ito pero hindi na ito nagsalita pa na ikinapanatag niya dahil hindi na siya magpapalusot pa.
Habang nasa byahe ay sa daan lang ang tanaw niya dahil ayaw naman niyang matulog. Hanggang sa napatingin siya sa rear-view mirror ng kotse ni Liam. May naaninag siyang sumusunod sa kanila na isang itim na kotse di kalayuan sa kanila. Napakunot ang noo niya dahil hindi pamilyar sa kanya ang sasakyang iyon. Hindi iyon ang sasakyan na inupahan ng daddy niya na magbantay sa kanya. Pasimpleng titigan niya lang ang rear-view mirror upang hindi makahalata ang kung sino mang sumusunod sa kanila.
Nang makasiguro siyang sinusundan talaga sila ng sasakyan na iyon ay tumingin siya sa paligid kung may malilikuan sila upang lituhin ang mga ito. Mabuti na lang at kahit hindi siya pamilyar sa dinaraanan nila ay medyo maliwag doon kaya nakita niya ang isang makipot ang daan na kasya ang sasakyan ni Liam dahil mababa lang naman ang bubong niyon. May advantage din talaga ang mga sports car na ganoon.
Binalingan niya si Liam na busy lang sa pagmamaneho. "Iliko mo sa may bandang kaliwa." Utos niya rito.
Kunot noong binalingan naman siya nito. "Anong sinasabi mo? Wala namang lilikuan dito." Sabi naman nito sa kanya.
Nakita niyang madidikitan na sila ng itim na kotseng sumusunod sa kanila kaya siya na ang kumabig pakaliwa ng manibela ng sasakyan at madiin na inapakan ang silinyador upang mabili silang makaliko. Muntik pa silang bumangga sa isang malaking puno mabuti na lang ay mabilis niya ding naikabig iyon at naipasok ang sasakyan sa makipot na daan na nakita niya.
"s**t!" Narinig niyang sabi ni Liam.
Binalingan niyang muli ito. "Magpalit tayo, ako ang magda-drive." Sabi niya rito habang hindi inaalis ang tingin sa rear-view mirror.
"A-ano ba ang nangyayari?!" Naguguluhang tanong nito sa kanya.
Wala na siyang oras para sagutin ang lalaki dahil nakarinig na sila ng putok ng baril. Pinagbaba-baril na pala sila ng mga sakay ng itim na kotse. Mabuti na lang at bulletproof ang sasakyan ni Liam kaya hindi tumagos ang bala sa loob ng sasakyan nito.
"s**t! What is happening?! Bakit may bumabaril sa atin? s**t!" Sabi ni Liam habang nagpa-panick habang napapayuko dahil sa pagpapaulan sa kanila ng bala. Muling may bumaril sa likod ng sasakyan nila.
Kinuha niya ang baril niya na isiniksik niya sa gilid ng baywang niya. Pumunta siya sa backseat ng sasakyan.
"What the hell are you doing? Baka matamaan ka diyan ng bala baril!" Bulalas ni Liam.
"Hayaan mo ako! Just continue driving!" Bulyaw niya rito. In-open niya ang bintana ng backseat ng sasakyan upang patamaan ang gulong ng gamit nang sasakyan ng sumusunod sa kanila.
"Brea!" Sigaw ni Liam sa kanya ngunit hindi niya ito pinakinggan at inilabas niya ang isang kamay sa bintana ng sasakyan. Patuloy pa din ang pagpapaulan ng bala sa sasakyan nila kaya ipinasok niyang muli ang kamay niya. "Natamaan ka ba?" Tanong ni Liam sa kanya.
Nilingon niya ito. "Huwag ako ang intindihan mo. Magmaneho ka na lang ng mabilis." Sabi niya saka muling inilabas ang kamay upang barilin ang gulong nang itim na kotse. Dalawang gulong ang pinuntirya niya upang makasiguro na hindi na ito makasunod sa kanila at hindi naman siya nagmintis dahil ilang saglit lang matapos ang pagpapaputok niya ng baril ay kaagad niyang nakitang gumewang ang itim na sasakyan at sumbog ang gulong nito. Dahilan upang mapahinto ito. Agad niyang binalingan si Liam.
"Drive faster!" Sabi niya habang inaantabayanan kung masusundan pa sila ng itim na kotse.
'Sino naman kaya ang nagpapatay sa akin this time?' Tanong niya sa isip.