"SO TELL me, lagi bang ganon ang nangyayari sayo?" Tanong ni Liam kay Brea nang makarating sila sa private resort nito sa Batangas.
Simula nang matakasan nila ang mga gustong pumatay sa kanya ay hindi na siya tinigilan ni Liam sa kakatanong. Kung sino ba ang mga humahabol sa kanila o kung bakit gusto siyang patayin ng mga ito. Sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung sino ang mga iyon o kung sino ang nag utos sa mga ito upang patayin siya. Sa pagkakaalam niya ay naipakulong na niya ang lahat ng mga kaaway niya. Kaya kahit siya ay hindi rin alam ang sagot sa mga tanong nito. Kailangan niyang imbistigahan iyon pag nakabalik na siya ng Maynila.
Ang buong akala niya ay hindi na sila makakatakas pa sa humahabol sa kanila. Mabuti na lang at sharp shooter siya kung hindi ay baka napahamak pa so Liam dahil sa kanya. Kung kailan naman kasi kasama niya si Liam ay saka pa nagkaroon siya nang ganitong eksena. Napatingin siya kay Liam na seryosong nag aantay sa sagot niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa sofa ng sala ng bahay na iyon kung nasaan sila ngayon. Napabuntong hininga siya.
"I's just my normal day. Hindi mo kailangan mangamba. Sanay na ako sa mga ganoon pangyayari." Nabo-bored na sabi niya rito.
Napatayo ito sa frustration. Inihilamos nito ang palad nito sa mukha na wari ba ay nauubusan na ito ng pasensya. "Brea, this is not normal! Hindi normal ang may sumunod sayo just to kill you! Hindi normal na makipagbarilan ka sa gitna ng gabi!" Sabi nito na halos pasigaw na sa kanya.
"Kung hindi normal iyon, sa akin ay normal lang iyon. Kung inaalala mo ay ang safety mo. Don't worry hindi kita idadamay sa gusot ko sa buhay. Sll you have to do is change your car and your safe." Cool na sabi niya rito. Alam naman niyang maraming sasakyan ito kay hindi mahirap dito na magpalit ng sasakyan.
Pero imbes na mapanatag ay parang lalo pang na frustrate ito. "Brea, this is not about my safety. It's about your safety, damn it!" Tuluyan na itong sumigaw.
Nagpantig na ang tainga niya. Ang ayaw niya as lahat ay iyong sinisigawan siya. Kaya tumayo siya at naglakad papalabs ng bahay na iyon.
"Hey Brea! Where are you going?" Narinig niya sabi ni Liam.
Galit na nilingon niya ito. "I'm going back to Manila. Wala ako sa mood makipag sigawan sayo kaya magpakasal kang mag isa mo!" Sabi niya rito saka tinalikuran itong muli. Ngunit agad naman siyang naabutan nito at pinigilan sa braso.
"You're not safe there. Paano kung may mangyari sa iyong masama? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari iyon." Sabi nito sa kanya ng malumanay kaysa kanina.
"Nakita mo naman na kaya ko ang sarili ko hindi ba? Kaya hayaan mo ako!" Sabi niya saka pilit na tinatanggal ang kamay nito na nakahawak sa braso niya.
"I'm sorry, I shouldn't have yelled at you." Sabi nito sa kanya niya. Napatingin naman siya rito. Mukhang talagang nagcool down na ang galit nito. "I just hated myself dahil wala man lang akong nagawa para maipagtanggol ka. I thought I'm brave enough to make you safe." Sabi pa nito.
Tinitigan niya ito. Hindi niya alam kung bakit pero parang may humaplos sa puso niya sa mga sinabi nito. Kung ganoon ay kaya ganon na lang ang frustration nito ay dahil hindi siya nito na ipagtanggol?
'Huwag kang kiligin Brea.' Paalala ng isang bahagi ng isip niya sa kanya. Pero nagulat siya nang bigla na lang siyang hilahin ni liam at hapitin sa baywang upang yakapin ng mahigpit.
"I don't want anything bad to happen to you. Ngayon ay mas kailangan nating magpakasal. Hindi ko kayang mawala ka sa akin." Sabi nito habang mahigpit ang yakap sa kanya.
Hindi niya marinig ng maayos ang sinasabi nito dahil sa lakas ng t***k ng puso niya. Parang tumigil ang pag inog nang mundo niya habang yakap siya nito. Napapikit siya habang dinadama ang yakap nito. Ngayon na lang niya muling naramdaman angy akap nito at gaya noon ay pakiramdam niya ay safe na safe siya sa piling nito. Parang sa isang iglap ay nawala ang init ng ulo niya rito.
'Brea, don't fall for him again. Baka lokohin ka lang niyang muli.' Paalala naman ang isang bahagi ng utak niya. kaya na padilat siya at pilit na lumayo sa lalaki. Tama, hindi dapat siya mahulog muli rito. Ramdam niya pa rin ang sakit ng panloloko nito kahit ilang taon na ang nakakalipas. kaya hindi niya dapat ibaba ang Gard niya.
Kahit nakita niya ang pagtataka sa mukha nito dahil sa pagpupumilit niyang kalasin ang pagkakayakap nito ay hindi na ito nagsalita pa. Sa halip ay umupo itong muli sa sofa ay pumikit. "If you really want to leave ay tatawag na lang ako ng mag e-escort sayo pabalik ng Maynila." Sabi nito habang nakapikit pa din.
Bumuntong hininga siya. "Saan ang kwarto ko?" Sa halip ay tanong niya rito habang nililibot ang tingin sa nuong kabahayan o kung bahay ba talagang maituturing iyon dahil sa laki niyon ay pwede iyong maging mansion. Di hamak na mas malaki ito kaysa sa bahay nila sa Maynila.
"You're going to stay?" Gulat na tanong ni Liam sa kanya.
"I thought we're getting married?" Balik na tanong niya rito.
"Do you still want to marry me?" Tanong nitong muli sa kanya saka biglang tumayo sa kinauupuan.
Hinarap niya ito. "Gusto ko lang magkalinawan tayo okay? I want to get married to you because of my father. Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan kahit kailan." Paglilinaw niya rito.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Mukhang bipolar talaga ang lalaking ito. "Tomorrow we will get married immediately." Hinawakan siya nito sa kamay na ikinagulat niya. "Let's go, I will take you to your room." Sabi nito saka hinila siya papaakyat sa hagdan. Habang ang puso niya ay nagwawala dahil sa pagkakahawak nito sa kamay niya.
'Stay calm heart. Don't fall for him again.' Paalala niya sa sarili.
-----
"GOODNIGHT Brea." Sabi ni Liam kay Brea nang tuluyang makapasok nang makapasok ang dalaga sa guestroom na pag-i-stay-an nito habang naroon sila sa private resort niya sa Batangas.
Tumango lang sa kanya ang dalaga at tuluyan na nitong isinara ang pinto ng kwarto. Siya naman ay agad nagtungo ng study room upang alamin kung kaninong plate number nakapangalan ang sa sakyang gamit ng mga gustong pumatay kay Brea. Hindi niya papalagpasin ang nangyaring iyon sa kanila.
Nang makarating sa study room ay agad niyang binuksan ang computer niya. gusto niyang ma trace ang plate number ng kotse na humabol sa kanila kanina. Ngunit ilang beses niyang trin-ry na hanapin iyon ay hindi niya mahanap dahil may code na hinihingi sa kanya. Hindi na siya magtataka roon dahil para sa government document ang gusto niyang i-access kaya hindi na siya nagpumilit na i-access iyon dahil magkakaroon lang siya ng matinding problema sa halip ay tinawagan na lang niya ang taong maaaring makatulong sa kanya. Kuniha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at agad niyang din-ial ang number ng kaibigam niyang si Xander. Ilang ring lang ay agad namang sumagot si Xander sa tawag niya.
"Hello Xander." Sabi niya nang sagutin ni Xander ang tawag niya.
"Bakit na patawag ka ng dis oras ng gabi?" Tanong nito sa kanya.
"I'm sorry if I disturb you, are you busy?" Tanong niya rito.
"Not really man. So what can I do for my good friend?" Tanong nitong muli sa kanya.
"Can you help me to trace the plate number that I will tell you? Hindi ko kasi ma-access ang files ng LTO." Tanong niya rito habang pinaglalaruan ang mouse na hawak niya.
"Why is there something I need to know?" Tanong nito sa kanya.
"May gustong pumatay kay Brea. Kailangan kong malaman kung sino iyon." Sagot niya rito. Saka sinabi niya rito ang plate number ng kotseng gamit ng gustong pumatay ka Brea.
"Okay just a minute man." Sabi nito saka nanahimik ito. Marahil ay binuksan nito ang computer nito dahil nakarinig siya ng mabilis na pagtipa sa keyboard ng computer.
Sa kanilang magkakaibigan ay ito ang mahihingian nila ng tulong sa mga ganitong bagay. Dahil kahit hindi matatawaran ang hacking skills niya ay hindi niya maaring i-access ang gobyerno. Dati kasi itong CIA agent at nagmamay ari ng isa sa pinaka malaking intelligence company sa buong mundo. Kaya siguradong may access ito sa LTO.
"Hello man, are you still there?" Tanong nito sa kanya.
"Yes man, I'm still here." Sagot niya rito.
"I tried to look on that plate number you have mention pero kahit ang LTO ay walang trace sa plate number na yon. I think that was just front para hindi sila masita sa traffic. Mukhang bigatin ang gustong pumatay kay Brea, Liam. I guess you need to be more careful. May naiisip ba si Brea na maaring gumawa nito sa kanya?" Tanong nito.
Bumuntong hininga siya. "Wala siyang sinabi sa akin. I think ayaw niya lang akong masangkot sa problemang ito." Sagot niya rito. Mukhang mahihirapan silang malaman kung sino ang salarin sa pagtatangka sa buhay ni Brea.
"Okay, I will investigate further. When I have a lead I will call you. For the mean time, you have to ensure her safety since we don't have any lead at this moment." Sabi nito sa kanya.
"Thank you man, maaasahan ka talaga." Sabi niya naman dito.
"Anything for you man. By the way, Tuloy ba ang kasal niyo bukas?" Tanong nito sa kanya.
"Yes, kasama ko na siya dito sa Batangas. I need all of you here tomorrow at exactly 10 am." Sabi niya rito.
"Paano mo naisama si Brea dyan?" Tanong nitong muli sa kanya.
"I used my charm ano pa ba?" Pagmamayabang niya rito.
"I don't think na umubra ang charm mo sa kanya. Anyway kita na lang tayo bukas, man. Goodnight, don't be too much excited on your wedding baka biglang umatras ang birde mo." Sabi nito habang natatawa.
"Goodnight man." Sabi niya rito saka pinatay na ang tawag. Napailing na lang siya dahil totoo ang sinasabi nito. kahit muntik na manganib ang buhay nilang dalawa ni Brea ay excited pa din siya sa mangyayari bukas.
Ilang araw na niyang inaaasikaso ang lahat ng mga dapat gawin para sa kasal nilang dalawa ni Brea. Wala naman talaga siyang balak na magpa-engagement party gaya nang gusto ng mommy niya dahil alam naman niyang gusto na din ni Brea na agad silang makasal upang matakasan na nito ang arrange marriage sa kapatid ni Xander.
Nang malaman niya na ipapakasal si Brea sa hindi nito kilala ay agad niyang inalam kung sino ang herodes na papakasalan nito at nalaman niya iyon nang tumawag sa kanya si Xander upang ibalita na si Lenard pala na nakakabatang kapatid nito ang napipisil ng daddy ni Brea na ipakasal sa dalaga. Gusto niyang mag wala nang mga oras na iyon dahil alam niyang prominenteng pamilya ang family ni Xander at higit sa lahat ay maatas ang katungkulan ng kapatid nitong si Lenard sa kapulisan kaya hindi malabong magustuhan din ito ni Brea kung sakaling nagkita ang dalawa.
Kaya kahit ayaw niya ang salitang kasal ay magpapakasal siya kay Brea. Iyon lang ang naiisip niyang paraan upang hindi ito mapunta sa iba.
Lumabas na siya sa study room dahil maaga siyang gigising upang maghanda sa kasal nila ni Brea. Nang mapadaan sa guest room kung saan natutulog si Brea ay binuksan niya ang pinto niyon. Nakita niyang mahimbing ang tulog ng dalaga. Napaka amo talaga ng mukha nito. Hindi mo aakalaing isa itong astig na babae. Kahit naman noong college sila ay ganon na ito at iyon ang nagustuhan niya rito. hindi ito basta basta nagpapatalo kahit kanino. Madalas nga siyang mabugbog nito dahil blackbelter ito sa Taek kwon do at Karate at ngayon ay isa na rin itong sharp shooter. Dapat ay hindi niya mapainit ang ulo nito., mahirap na.
Lumapit siya rito at hinawi ang hibla ng buhok nito na tumabing sa mukha nito at hinalikan niya ito sa noo. "See you tomorrow, my lovely bride." Bulong niya rito. Kinumutan niya ito at tuluyan na siyang lumabas sa guestroom na iyon.