CHAPTER 10

1715 Words
NAGISING si Brea nang marinig niya ang tunog ng cellphone niya. Kaya kahit nakapikit ay kinapa niya ang cellphone sa night stand katabi ng kama na hinihigaan niya. Iminulat niya ang isang mata upang tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya nang mga oras na iyon at agad siyang napaupo nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. "Hello dad." Sabi niya rito nang sagutin ang tawag ng daddy niya. "Where the hell are you, Breana Alarcon!? I've been looking for these past few days." Galit na sabi ng daddy niya sa kabilang linya. "Your kuya told me that you are staying at Morris hotel but your not here!" "Easy dad, I'm with my boyfriend." Sabi niya na muntik nang magpaduwal sa kanya. Kailan niya pa naging boyfriend si Liam? Sabagay ilang oras na lang din naman ay mas malala pa sa pagiging mag boyfriend ang relasyon nilang dalawa. "What are you saying? Kailan ka pa nagka boyfriend?" Nahihimigan niya ang boses nito ng pagtataka. Sino ba ang hindi magtataka. last week ay wala siyang boyfriend at ngayon, sa isang iglap ay may kasintahan na siya. "Dad, hindi ka naman updated sa mga nangyayari sa akin. Of course I have a boyfriend. Ipapakilala kita sa kanya pag nakabalik ako ng Maynila." Sabi niya rito. Ilang araw na din kasi siyang hindi nauwi sa kanila. Simula nang magkasagutan sila ng daddy niya. "Where the hell are you Breana? Bakit wala ka sa Maynila?" Muling tanong nito sa kanya. "You don't have to know dad. I'm safe, don't worry. See you next week." Sabi niya saka pinatay ang tawag. Alam niya kasing mas uusisain siya nito kung pahahabain niya pa ang pag uusap nilang dalawa. tiningnan niya ang oras sa cellphone niya at nakita niyang 7am na pala. Kaya imbes na bumalik sa pagtulog ay nagpasya siyang mag ayos ng sarili. Uminat muna siya bago tuluyang bumangon sa kama. Saka pumasok siya sa banyo upang maghilamos at mag toothbrush. Kahit biglaan ang pagpunta niya sa lugar na iyon ay nagulat siya ng makitang nakaready ang lahat nang kailangna niyang gamitin sa pag-stay niya sa private resort ni Liam. Nagdududa tuloy siya. Talaga bang biglaan ang pagpunta nila doon o plinano na ni Liam ang lahat bago pa sila pumunta sa private resort nito? Nang matapos mag ayos ay lumabas na siya ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakita niyang naglilinis doon ang isnag kasambahay ni Liam. Nilingon siya nito at binati saka ipinagpatuloy ang paglilinis. "Nasaan ho si Liam?" Magalang na tanong niya rito. Gusto niya kasing makausap si Liam upang malaman kung ano ba ang magigbing plano nila. Ang sinabi lang kasi nito sa kanya kagabi ay magpapaksal na sila ngayong araw pero hindi naman nito sinabi ang iba pang detalye. "Umalis po ng maaga si sir William, ma'am. May pupuntahan daw siya. Hinabilin ka po niya sa akin. Sabi rin po niya kung sakaling magutom ka man ay nagluto daw siya ng paborito mong almusal. Ipaghahain ko na po ba kayo ng almusal ma'am?" Tanong nito sa kanya. "Hindi na, mamaya na lang ho. Aantayin ko na lang ho muna si Liam sa labas. Salamat ho." Sabi niya rito saka lumabas ng bahay. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin. Sa totoo lang ay hindi siya makapaniwala na may ganoong property si Liam. Ang alam kasi niya ay hindi ito mahilig sa lugar na tahimik. Kaya nagtataka siya kung bakit may private resort ito. Naglakad lakad siya upang libutin ang lugar na iyon. Para siyang nasa isang paraiso dahil sa ganda ng lugar na iyon. Napakapayapa din roon. Malayong malayo sa Maynila. Sakto ang lugar na iyon sa mga taong nagse-senti. Lagi kaya doon si Liam? Ilan na kaya ang babaeng dinala nito sa lugar na iyon? Ipinilig niya ang ulo sa naisip. Bakit ba siya naco-curious sa bagay na iyon? Ano naman ang pakialam niya kung ilang babae na ang dinala ng playboy na iyon sa resort na ito? Inabala na lang niya ang sariling maglibot sa lugar na iyon. Hindi iyong kung ano-ano ang naiisip niya. Umupo siya sa buhanginan nang mapagod siyang maglakad. Humahampas ang alon sa kanyang mga paa habang nagmumuni-muni ay iniisip niya kung saan kaya nagpunta si Liam at wala pa din ito hanggang ngayon? Pero ilang sandali lang ay may biglang nangalabit sa kanya. Agad naman siyang napalingon upang malaman kung sino ang iyon. "Liam." Sabi niya nang makilala kung sino iyon. "Good morning, kanina ka pa ba gising?" Tanong nito habang nakangiti ito sa kanya. Napaka gwapo talaga nito kahit saang anggulo mo tingnan. Ilang sandali niya itong tinitigan hanggang sa siya na lang ang nahiya sa ginagawa niya. 'Pull yourself together Brea!' Sabi niya sa isip. "Saan ka nagpunta?" Sa halip ay tanong niya rito. Umupo ito sa tabi niya kaya napaurong siya. Hangga't sa maaari ayaw niyang madikit rito. "I took care of the venue where our wedding will be held." Sabi nito sa kanya habang nakatingin sa karagatan. Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. Ngayon lang kasi nag sink in sa utak niya na ilang oras na lang ay ikakasal na siya. Hindi niya alam pero kakaiba ang nararamdaman niya. Feeling niya ay malaki ang magiging pagbabago ng buhay niya after ng kasal na ito. Sana lang ay tama ang naging desisyon niya na magpakasal. Ilang sandaling hari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa si Liam na ang bumasag doon. Tumayo ito at tinitigan siya. Maya-maya ay inilahad nito ang kamay sa harap niya. "Let's get ready for our wedding. Soon to be Mrs. William Evans." Nakangiting sabi nito sabay kindat sa kanya. Hindi niya alam pero napaka sarap pakinggan ng sinabi nito. Kung sana ay totoo lang ang lahat. Inabot niya ang kamay nito ngunit hindi niya ginantihan ang ngiti nito sa halip ay tinitigan niya lang ito. "Let's go." Sabi niya maya-maya. Wala siyang panahon para kiligin ngayon. Tumayo siya at sumunod rito. ----- KINAKABAHAN si Brea habang nag aantay na tumugtog ang wedding march. Sa oras na tumugtog ang wedding march ay wala na talagang antrasan. Isa pang malalim na hininga ang pinakawalan niya. "Relax Brea, everything will be alright." Pagpapakalma niya sa kanyang sarili. Daig niya pa ang nasa isang paglilitis. Ilang kriminal na ba ang naipakulong niya? At ilang beses na rin nanganib ang buhay niya pero ito palang ang pangalawang pagkakataon na kinabahan siya ng ganito at sa parehong dahilan at tao lamang. Halos isang oras lang ang naging paghahanda nila ni Liam. Nagulat pa nga siya dahil may ibinigay itong isang napakagandang puting bistida na binili daw nito sa Milan nang minsan itong magpunta roon. Ang ipnagtataka niya ay paano nito nalaman ang eksaktong sukat ng katawan niya? hindi na niya ito natanong pa dahil dumating na ang mga kaibigan nitong sina Kean, Xander at Izaiah. Wala si Bryzon sa kasal nila. Mukhang pinaninindigan nito ang pagiging kidnapper dahil hanggang ngayon ay kasama pa din nito ang kaibigan niyang si Alesandra. Si Renzale naman ay dumating kasama ang isang magandang babae. Hindi niya ito kilala pero sa tingin niya ay may something ang dalawa. Pero dahil hindi naman siya chismosa ay hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Maya-maya ay tumugtog na ang wedding march. Hudyat na kailangan na niyang maglalakad patungo sa kinaroroonan ni Liam. Muli siyang bumuntong hininga. Saka nagsimula ng maglakad sa kinaroroonan ni Liam. 'This is it, Brea' Sabi niya sa sarili bago tuluyang maglalakad patungo kay Liam. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bulaklak na hawak niya dahil feeling niya ay nasa totong kasal siya. Naroon kasi ang mga kaibigan ni Liam na nagsilbing groom's men at totoong pari pa ang magkakasal sa kanilang dalawa. Ang buong akala niya ay sa isang judge ito lumapit upang magkasal sa kanila ngunit laking gulat niya ng isang pari ang dumating. Mukhang mas malaking kasalanan ang ginawa niya dahil hindi lang siya nagkasala sa daddy niya ay pati na rin kay lord. Nang makarating niya sa kinaroroonan ni Liam ay agad naman nitong hinawakan ang kamay. Marahil upang pakalmahin siya. Nagsimula na ang ceremony. Wala naman siyang narinig sa mga sinabi ng pari dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya. Maya maya ay binalingan nito si Liam. "William, do you take Breana to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?" Tanong ng Pari kay Liam. Makahulugang tinitigan naman siya ni Liam bago magsalita. "I do." Nilingon naman siya ng pari. "Breana, do you take William to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life? Muling huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili bago sumagot sa tanong ng pari. "I do." Sabi niya. Muling nagsalita ang pari. "And now by the power vested in me, it is my honor and delight to declare you married. Go forth and live each day to the fullest. You may seal this declaration with a kiss." Binalingan nito si Liam. "You may now kiss the bride." Ilang saglit siyang tinitigan ni Liam bago unti unting bumaba ang mukha nito at ginawaran siya ng masuyong halik saglit lang ang halik na iyon at sapat na iyon upang lalong magwala ang buong sistema niya. Matapos ang halik na pinagsaluhan nila ay para siyang naestatwa sa kinatatauyan niya. Nakatitig lang siya sa gwapong mukha nito na wari ba ay sila lang dalawa ang tao sa lugar na iyon. Ni sa hinagap niya ay hindi niya naisip na magpapaksal siya sa taong sinumpa niya ng matagal na panahon na ngayon ay ganap na niyang asawa. Ano na kaya ang mangyayari sa kanya? Sa kanilang dalawa? "You don't have to look at me like that. I might think, that you think I'm the most handsome man in you eyes." Sabi nito sa kanya kaya nagising siya sa katotohan. "Anyway you can look at me anytime you want because I'm all yours, baby." Bulong pa nito sa knaya na ikinatayo ng balahibo niya. Ano ba ang ibig sabihin nito? At bakit ang sexy ng pagkakasabi nito sa salitang 'baby'?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD