CHAPTER 11

1610 Words
"WHERE the hell are you Sandy?" Tanong ni Brea sa kausap niya sa kabilang linya na kaibigan niyang si Alesandra. Kasalukuyan siyang nasa guest room na ipinagagamit ni Liam sa kanya habang naroon sila sa private resort nito. After their wedding ay nagkaroon nang kaunitng eksensa sa pagitan ni Zale at Izaiah. Bigla kasing nagsuntukan ang dalawa. Hindi naman siya chismosa kaya hindi na siya nagtanong pa kung ano ang dahilan ng pag aaway ng dalawa. Ang buong akala nila ay tuluyan nang magwo-walkout si Zale matapos nitong suntukin si Izaiah pero laking gulat nila nang bumalik ito at bigla na lang hilahin si Kaia paalis. Nagtangka pa ngang sumunod si Izaiah sa dalawa marahil ay para pigilian si Zale pero pinigilan na ito nina Kean at Liam. Alam siguro ng dalawa na magkakagulo lang lalo kung susunod pa si Izaiah. Sila Liam na ang kumausap kay Izaiah upang kumalma ito at hayaan na lang ang dalawa na umalis. Habang nakamasid siya sa mga ito ay biglang nag-vibrate ang cellphone na hawak niya at kaagad siyang pumasok sa bahay ni Liam at nagtungo sa guest room nang makita na si Alesandra ang tumatawag sa kanya. Actually hindi number nito ang gamit nito. Pero dahil minsan nang ginamit ni Alesandra ang number na iyon upang tawagan siya kaya nasiguro niyang ang kaibigan niya nga iyon. "Stop worrying Brea. I'm safe here, kahit naman kidnapper tong kasama ko ay alam kong hindi ako ipapahamak nito. Though malapit na ang makapatay ng tao na nag ngangalang Bryzon Collins pag hindi pa ako nito ibinalik sa Pilipinas." Sambit naman nito sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. "Nasaan ka ba kasi? Tell me, ako na ang susundo sayo." Sabi niya rito. "My dear friend, sa tingin mo ba magtatagal ako dito sa lugar na to na wala akong ibang makita kung hindi dagat kung alam ko kung nasaan ako? Bumili pa talaga ang ugok na Bryzon na iyon ng private island para lang maging kidnapper at gawin akong hostage." Naaasar pang sabi nito. She just rolled her eyes. "Just tell me, when you will coming back. I will put Bryzon behind bars when you comeback here for k********g you." Sabi niya rito at naupo na sa kama. "Don't worry, you will be the one to know when I come back. Anyway hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako tumawag sayo. I heard something." Makahulugang sabi nito. Napakunot muli ang noo niya. "What something?" Tanong niya rito. "You married Liam." Sagot nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito. "How did you know that?" Nagtatakang tanong niya rito. "Nakakalimutan mo na bang magkaibigan si Bryzon at Liam? I heard them while their having a facetime. Are you really out of your mind Breana? Bakit mo naman naisipang magpakasal sa taong nanakita sayo?" Sabi nito sa kanya. "Pati pala diyan sa kung saang lupalop ng mundo ay nakaabot ang pagpapakasal ko." Sabi na lang niya. "My god Breana Alarcon! Sa ating magkakaibigan ikaw ang pinaka matalino. Pero bakit nakaisip ka ng ganyang katangahan?" Hindi ito sumisigaw pero halata sa boses nito ang frustration. "I just need his help. after naman ng problema ko ay magpa-file na din ako ng annulment para mapawalang bisa ang kasal namin." Maikling sagot niya rito. "Kung makapagsalita ka ay parang napakadali lang ng annulment sa Pilipinas. You know that better than I do na aabutin ng ilang taon ang pag papa unnul. Paano kung ma-in love ka na naman kay Liam? Makakaya mo bang masaktan muli? Ewan ko na talaga sayo Brea." Sabi na lang nito sa kanya. "Wala na akong magagawa. Nangyari na ang dapat mangyari and there is nothing I can do about it. Don't worry, I will not fall in love with Liam, not again." Sabi na lang niya rito. Totoo naman iyon. Kahit isipin niyang hindi talaga magandang ideya na nagpakasal siya kay Liam ay wala na siyang magagawa doon dahil na ksala na sila. Kahit bali-baliktarin pa ang mundo ay asawa na siya ni Liam. Napabuntong hininga na lang siya. "Well, good luck na lang sayo friend. Baka kainin mo iyang sinabi mo." Sabi nito sa kanya. "Sige na baka magising na yung kidnapper kong baliw, ciao!" Kaagad nawala ito sa linya. Napatingin na lang siya sa hawak na cellphone. Makakaya niya nga kayang hindi ma in love muli kay Liam? Kahit naman kasi galit skiya rito ay hindi mai-tatanggi na attracted pa rin siya sa lalaking iyon. Sino bang hindi? Totoong napaka gwapo naman talaga nito. Kaya nga marami itong nauuto na mga babae. Paano kung mahulog na naman siya rito? Ipinilig niya ang ulo niya. Hindi niya dapat isipin iyon dahil magkaiba naman ang bahay nila. They will barely see each other. Magkikita lang naman sila pagkailangan at higit sa lahat ay mapapawalang bisa din naman ang kasal nila kaya hindi dapat siya mangamba. Maya-maya ay nag vibrate muli ang cellphone na hawak niya. Kaagad niya tingingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. At nakita niyang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya ang tumatawag sa kanya. "Hello Matthia." Sabi niya ng sagutin ang tawag nito. "Congratulations! How's married life?" Sabi nito sa kabilang linya. She rolled her eyes again. Bakit ba kasi nasabi niya pa rito na kasal niya ngayong araw kagabi nang tawagan niya ito upang humingi ng pabor? "Stop it Matthia, your not funny. So, do you find anything?" Tanong niya rito. "No, mukhang maimplwensya ang gustong magpapatay sayo. I can't trace anything. Malinis silang trumabaho. Kahit ang plate number na gamit nila na sinabi mo ay hindi ko matukoy kung kanino. You better be careful. Hindi maganda ang kutob ko sa gustong mupatay sayo." Paalala nito sa kanya. "I think I need to go back." Sabi niya. Kailangan niyang bumalik sa Maynila upang mas matutukan ang pag iimbistiga sa nangyari kagabi. She don't want that to happened again. Lalo na kung kasama niya si Liam. Mamaya ay madamay pa ito sa gulo niya. "Yes, you really have to, dahil habang hindi natin kilala kung sino ang gustong pumatay sayo ay kailangan mong mag ingat." Sabi pa nito. Bumuntong hininga siyang muli. "Thank for your help, Matt. I owe you one." Pagpapasalamat niya rito. "No problem, malaki ang utang na loob ko sayo. This is the least I can do for you. Anyway I will still find some clue. I will also check the CCTV kung nakuhanan ang nangyari sa inyo kagabi. You enjoy your honeymoon, bye." Hindi na niya naitama ang sinabi nito. Kaya na patingin na lang siya sa cellphone na hawak. ----- "I have to go back to Manila tonight." Sabi ni Brea kay Liam habang nagdi-dinner sila. "Can I borrow your car?" Matapos niyang makipag usap kay Matt kanina ay agad naman siyang bumaba. Ngunit hindi na niya naabutan ang mga kaibigan ni Liam dahil nag siuwian na din pala ang mga ito habang nasa guest roon siya at may kausap. Kaya heto sila ngayon inuubos ang mga ipina deliver na pagkain ni Liam. Ang akala yata nito ay piesta ang kasal nila. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Why?" "I have something to do. Marami akong naiwan na trabaho." Sabi na lang niya. Ayaw niyang iapaalam dito ang totoong pakay niya kung bakit gusto niyang bumalik sa Maynila sa lalong madaling panahon. "It's Saturday tomorrow, Brea. Government office is close every weekends." Sabi nito sa kanya saka muling sumubo ng pagkain. "Well, hindi lang naman sa office ako pwedeng magtrabaho, Liam." Naiinis na sabi niya rito. "Still you're not going tonight. It's too dangerous for you. Mamaya ay-" "Alam mong kaya ko ang sarili ko." Hindi na nito naituloy ang sinasabi nito nang sumabat siya. She really hates it when someone is telling her what to do. "I'm just worried Brea. I don't want anything bad happen to you." Sabi pa nito sa kanya. "You don't have any rights to worry about me and I told you I can take of my self." Naiinis na sabi niya. Bakit ba parang feeling close ito? "Nakalimutan mo na yata na asawa na kita, Brea? We just get married today." Simpleng sabi nito na para bang pinapaalala nito ang naganap sa kanila. "Kasal lang tayo sa papel, Liam. Don't make a big deal out of it." Sabi niya rito. Masyado itong nagpapadala sa pagpapaksal nila. Sa halip na sumagot ay walang sabi-sabi itong lumbas ng kusina kahit hindi pa ito tapos kumain. Siya naman ay naiwan na mag isa. 'Anong problema non?' Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa pinto ng kusina. Nagpasya siyang ipagpatuloy na lang ang pagkain upang makapaghanda nang umalis mamaya. Pero nakakailang subo palang siya nang biglang bumalik si Liam at umupong muli sa tapat niya. Nakakunot noong tinitigan niya ito. Ano bang problema nito? Mag wo-walk out tapos babalik din naman. Makalas din talaga ang sapak ng lalaking ito. "You go, if you want but don't use my car." Sabi nito habang ipinagpatuloy ang pagkain. "Ano ang gagamitin ko pa balik sa Maynila?" Tanong niya rito. "Kasal lang tayo sa papel hindi ba? So, you are not allowed to use any of my cars. Conjugal properties it not applicable to us. If you really want to go to Manila, you can walk if you can. Malayo rito ang sakayan papunta sa terminal pa Maynila. Aabutin ka lang naman ng labing limang oras sa paglalakad. You can do it. You can take care of yourself, right?" Sabi nito na wari ba ay nang aasar pa. Nakita niya may sinusupil itong ngiti sa mga labi nito. "You're impossible!" Inis na sabi niya saka naglakad palabas ng kusina. Paano na siya makakabalik sa Maynila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD