"MAGPAKASAYA ka na prosecutor Alarcon dahil pag ako nakalaya, I'll come back to you and I'm sure you'll like what I'm going to do to you. Iiyak ka at magmamakaawa sa buhay mo."
Napaangat ang tingin ni Brea sa nagsalita na si Delfin San Agustin. Katatapos lang ng trial ngayon at nahatulan ito ng habang buhay na pagkabilanggo.
"Do you think I'm afraid of you?" Nilapitan niya ito habang hawak ito ng mga pulis. "I'm receiving hundreds of death threats every single day Mr. San Agustin. One death threat will not scare me. You should try harder. Pero sa ngayon mabubulok ka muna sa bilangguan." She said mockingly.
"Pasensya ma'am. Tara na, ang dami mo pang sinasabi." Sabi ng pulis at hinila na ang kriminal palabas ng court room.
Ibinalik niya ang pansin sa pag aayos mga ebidensya at papeles sa table na ginamit niya nang kakatapos lamang na hearing. Kailangan niyang bumalik din agad sa office niya dahil marami pa siyang kasong kailangang imbestigahan. Kaya hindi siya pwedeng mag pa-easy easy lang.
Ilang taon na siyang prosecutor at ang mga ganoon threat ay wala na sa kanya. Minsan na ding nanganib ang buhay niya dahil sa pagtangkang pagpatay sa kanya. Pero heto pa rin siya at nakikipaglaban sa mga kriminal. Iyon naman ang dahilan kung bakit siya nag aral ng law. Para ipakulong ang mga masasamang loob. Ayaw niyang maging katulad ng daddy niya na basta willing magbayad ay ide-defend may man kasalanan o inosente.
Napalingon siya ng pumasok sa court room ang assistant niyang si Darren. "Prosecutor Alarcon, you have a visitor in your office." Sabi nito.
"I'll be there in a minute." Ani niya rito. Tumango naman ito at lumabas ng court room.
Alam na niya kung sino ang nasa opisina niya. Iyon ay ang kuya niyang si Ethan. Tinawagan siya nito bago magsimula ang hearing ng kasong hawak niya. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito sa kanya. Minsan lang kasi sila magkausap dahil pareho silang busy sa trabaho.
Matapos niyang ayusin ang mga ebidensya ay binitbit niya iyon at nagtungo na sa opisina niya.
"Kuya." Bati niya sa kapatid nang makapasok sa opisina niya.
"How are you, my little sister?" Nakangiting tanong nito sa kanya. Sinalubong niya ito ng yakap. She missed her big brother. Nagsarili na kasi ito ng tinitirahan simula ng pamahalaan nito ang law firm nila.
Samantalang siya ay ayaw payagang bumili ng bahay o kahit condo man lang. Kaya hanggang ngayon ay naninirahan pa rin siya sa poder ng daddy niya. Which is not good to her because her father is a lawyer while she is a prosecutor.
Inilapag niya ang hawak sa table niya.
"Heto still receiving death threats." Biro niya rito.
Sumeryoso naman ito at mababakas sa mukha nito ang pag aalala. "You Should not joking about it. That's a serious matter Brea." Sabi nito.
"I'm fine kuya. I'm still alive and kick 'in. Don't worry too much." Sabi niya saka umupo sa swivel chair niya. "Ano ba ang ipinunta mo rito kuya?" Tanong niya rito. Alam naman niyang may hidden agenda ang kuya niya kaya siya pinuntahan nito sa trabaho. Hindi naman ito mangangamusta lang.
"Dad told me what happened last week." Bumuntong hininga ito. "You should really need to quit this job. Hindi na safe sayo ang ganitong trabaho. Kailangan ng law firm ng mga bagong abogado. Doon ka na lang magtrabaho." Sabi nito.
Sinasabi na nga ba niya. Laging iyon ang dahilan kung bakit ito nangangamusta. Lagi kasi itong inuutusan ng daddy niyang kumbinsihin siya na mag quit sa pagiging prosecutor dahil masyado raw delikado. Katulad noong nakaraang linggo. May biglang tumambang sa kanyang naka motorsiklo. Pero dahil may alam siya sa pakikipag laban ay mabilis niya nabugbog ang tumambang sa kanya kaya hayon at nabubulok na ito bilangguan.
"Kuya I'm alive and what happen last week is part of my job. I mean, that's normal. Kaya nga palagi akong may dalang baril sa compartment ng sasakyan ko. I know how to fight, how to shoot. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko." Pangangatwiran niya.
High school palang siya ay blackbelter na siya sa Taek Kwon Do at Karate. Sharp shooter din siya. Kaya confident siya na hindi siya mapapahamak. Kaya niyang magpatumba ng limang katao with just one swift move. Kaya hindi niya alam kung bakit alalang alala ang pamilya niya sa kanya.
"Naging maswerte ka lang dahil nag iisa ang naka engkwentro mo. Paano kung isang van ang tumambang sayo? Ano na ang gagawin mo?" Tanong muli ng kuya niya.
"Kung oras ko na, oras ko na. Wala na tayong magagawa don." Sabi na lang niya.
Biglang tumunog ang cellphone nito na kaagad naman nitong sinagot.
"Hello, Rob? Alright.. I'll be there." Sabi nito sa kabilang linya. Matapos ang tawag ay binalingan siya nito. "You should think about it Brea. Hindi araw araw ay suswertihin ka." Tumayo na ito at hinalikan siya sa pisngi. "I'll get going. Mag iingat ka palagi." Sabi nito saka lumabas na ng opisina niya.
Napabuntong hininga na lang siya. Kailangan kaya siya titigilan ng pamilya niya sa pagkumbinsi sa kanya na mag quit sa trabaho niya? Anim na taon na ng mga ito ginagawa iyon at hindi pa rin sila nagsasawa. Ang akala niya pag skilled na siya ay titigilan na siya ng mga ito. Pero hindi pa rin pala. Minsan napapagod na din siyang mangatwiran sa mga ito. Kaya gustong gusto niyang humiwalay ng tirahan sa daddy niya. Para wala na itong balita sa mga nangyayari sa kanya.
She sighed again. Mukhang habang buhay na siyang mangangatwiran sa mga ito.
Sa halip na isipin iyon ay itinuon na lang niya ang sarili sa pag aaral sa panibangong kasong hahawakan niya. Mas mabuting iyon na lang ang gawin niya.
-----
"ANO na naman ba ang problema mo?" Tanong ng kaibigang ni Brea na si Alesandra nang magkita sila sa isang bar malapit sa pinagta-trabahuhan nito.
Ininum niya ang juice na in-order niya. Alagad siya ng batas kaya alam niyang hindi siya maaaring uminom ng alak dahil magda-drive pa siya pauwi.
"Si Daddy at kuya." Iyon lang ang sinabi niya. Alam naman niyang gets na iyon ni Sandy. Iyon ang tawag nila ni Cynthia kay Alesandra. Masyado kasing mahaba ang pangalan nito.
"My god! Kailan ba matatapos ang problema mo sa kuya at papa mo? Simula yata ng mag trabaho ka ay problema mo na sila. Wala bang bago?" Sabi nito.
Hindi niya masisi ito kung naririndi na ito sa sentemyento niya dahil tuwing mag aaya siya na magpunta sa bar ay iyon lagi ang problema niya.
"Alam mo hayaan mo na lang sila. Pag sinabihan ka pasok sa kabilang tainga labas sa kabila? Ganon lang din ang ginagawa ko pag mainit ang ulo ng boss kong may saltik." Sabi nitong muli.
Hinarap niya ito. "May alam ka bang malilipatan?" Tanong niya rito.
Kumunot naman ang noo nito. "Sinong lilipat? ikaw?" Tumango naman siya. "Naku Breana ah, huwag mong gagawin yan. Alam mong hindi iyan papayagan ng daddy mo."
"I want to be independent. Ayoko nang tumira sa bahay kung lagi lang akong sinesermunan at pinipilit na mag resign ng daddy ko." Katwiran niya rito.
"Well, come to think of it Brea. Hindi mo naman sila masisi. They are just worried about you. Alam mo naman ang nangyari sa mommy mo hindi ba? You should know how they feel." Sabi nito sa kanya.
Hindi siya sumagot dito sa halip ay hinalukay niya lang ang juice niya gamit ang straw. Alam naman niyang concern lang sa kanya ang daddy at kuya niya. Pero kailangan niyang ipaintindi sa mga ito na kaya niya ang sarili niya. Hindi niya iiwan ang trabaho niya para lang sa safety niya. Hindi siya duwag. She wants to put criminals behind bars. At iyon ang gagawin niya by hook or by crook.
Naputol ang pag mumuni muni niya ng biglang impit na napatili si Alesandra sa tabi niya.
"Oh my god! Kean is here!" Sabi nito na napapa-palo pa sa kanya. Nawawala talaga ito sa sarili nito pag nakikita si Kean.
Tiningnan niya ang kinaroroonan ng binata at hindi iyon nag iisa. Kasama ni Kean ang mga kaibigan nitong sina Renzale, Alexander, Bryzon, Izaiah at ang taong ayaw niyang makita pa, si Liam.
Bigla siyang nawalan ng ganang mag unwind kaya tumayo siya. "Aalis na ako." Sabi niya rito at aakmang aalis na nang pigilan siya nito at hilahin paupo ulit.
"At ano? Iiwan mo ako rito. Tigilan mo ako, Breana. Dito ka lang huwag kang bitter. Matagal na ang nangyari sa inyo ni Liam. Tiyak na naka move on na siya ikaw na lang ang hindi pa." Sabi nito sa kanya habang hindi pa rin siya binibitawan.
"Matagal na akong naka move on. Wala na akong pakialam sa kanya." Defensive na sabi niya.
"Kung ganon ay sasamahan mo ako sa pakikibaka ko para sa pag ibig ni Kean." Sabi pa nito habang nag niningning ang mga mata.
"Nasisiraan ka na ng ulo. Ni hindi nga alam ni Kean na may gusto ka sa kanya. Mag iisang dekada na ang pagkagusto mo sa kanya. Hindi ka pa ba nagsasawa?" Naiinis na sabi niya. Gusto na talaga niyang umuwi. Maisip palang na nasa iisang lugar sila ni Liam ay na bu-bwisit na siya.
"Kung totoo kang nagmamahal ay hindi ka magsasawa. Tandaan mo yan." Sabi nito na para bang love expert ito. Napailing na lang siya. Bigla tuloy niyang na-miss si Cynthia. Kailangan niya ng matinong kaibigan ngayon.
"Malala ka na Sandy." Sabi na lang niya rito at itinuon ang pansin sa juice niya.
"Ano ba sa tingin mo ang pwede kong alibi para makapunta roon?" Tanong ni Alesandra sa kanya.
"Huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo." Sabi niya rito.
"Hindi ito kalokohan okay? Para to sa future namin ni Kean." Madramang sabi pa nito.
"Nandoon si Bryzon, Sandy. Alam kong gagawa ka lang ng eksena don." Sabi niya. Alam niyang hindi matatagal ni Sandy na makasama sa iisang lugar si Bryzon.
"Of course not. Sinabi ko sa sarili ko na dapat hindi ako mainis kay Bryzon pagkasama niya si Kean. Pang padagdag ganda points yon." Sabi pa nito sa kanya.
Napabuntong hininga na lang siya. "Bahala ka nga sa buhay mo."
"Cheer for me." Sabi nito saka nagtungo sa table nila Kean. Napailing na lang siya. Bakit kaya niya naging kaibigan si Alesandra?
Nag order pa siya ulit ng isang pang juice para may sense naman ang pagtambay niya roon. Habang busy siya sa pagsimsim ng iniinum na juice ay nakarinig siya ng komusyon sa di kalayuan. Kaya hindi niya napigilang mapalingon roon at nagulat na lang siya na ang kumusyon na iyon pala ay galing sa kinaroroonan nila Kean.
"Sinasabi ko na nga ba!" Agad siyang napatayo at tinungo ang kinaroroonan ng kaibigan niya.
Nang makarating siya roon ay naabutan niyang hawak hawak na ni Alesandra sa kwelyo si Bryzon. Nakita niyang prenteng nakaupo lang ang mga kaibigan ni Bryzon na para bang normal lang sa kanila na gawin iyon ni Sandy kay Bryzon.
'Akala ko ba ay mag titimpi ang babaing to?' Tanong na lang niya sa isip.
Agad niyang nilapitan ang dalawa. "Hey, Sandy stop it." Saway niya sa kaibigan at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa kwelyo ng damit ni Bryzon.
"Hindi Brea, bibigyan ko lang to ng isa." Sabi ni Sandy na parang gigil na gigil pa.
Lumapit siya kay Sandy. "Kean is watching you. Do you want to turn him of?" Bulong niya rito.
Doon ito natauhan kaya binitawan na nito ang kawawang si Bryzon at pagkatapos ay nag walk out.
"Are you alright?" Tanong niya kay Bryzon habang inaayos ng kwelyo nito.
"He's okay, you don't have to touch him."
Hindi na niya kailangan pang lumingon upang makilala kung sino ang nagsalita. Dahil kahit ang tunog ng paghinga nito ay kilalang kilala niya.
"I'm not talking to you Liam." Binalingan niyang muli Bryzon. "Pasensya kana sa kaibigan ko. Nakainum na kasi iyon kaya mainit ang ulo." Sabi niya rito. Pilit niyang kinakalma ang sarili dahil alam niyang nakatingin sa kanya si Liam ng mga oras na iyon.
"Kahit hindi naman nakainum yon ay ganon iyon. Napaka amasona talaga." Palatak ni Bryzon.
"Sorry mauuna na ako at baka biglang magmaneho pa iyon, Goodbye." Pagpapaalam niya rito.
Kinailangan na din niyang umalis dahil hindi siya komportable pag nasa malapit si Liam.
Nang makalabas siya ng bar ay agad niyang hinanap si Sandy pero hindi niya nakita. Kaya tinawagan niya ito.
Isang ring lang ay sumagot na agad ito. "Hello Sandy, where are you?" Tanong niya rito ng sagutin nito ang tawag niya.
"Going home." Sabi nito.
"W-what? Alam mong hindi ka pwedeng magmaneho hindi ba? You're drunk." Minsan talaga gusto na niyang magpalit ng kaibigan eh.
"I'm not drunk, okay? wala nga sa isang baso ang nainum ko. Hayaan muna ako. Kailangan kong mapag isa." Madramang sabi nito sa kabilang linya.
"Ang arte mo. Sige na at uuwi na din ako. May hearing pa ako bukas. Call me when you got home." Sabi niya saka pinatay ang tawag. Akmang sasakyan na siya ng sasakyan niya ng may magsalita sa likod niya.
"Don't tell me magda-drive ka kahit nakadalawang baso ka ng alak?"
Agad siyang napalingon sa nagsalita. Nakita niyang nakasandal si Liam sa isang sa mga kotse na naroon. Sinundan ba siya nito sa parking area?
"What do you want Liam?" Naiinis na tanong niya rito.
"You know how dangerous to drive when your drunk. I saw you, naka dalawang baso ka ng alak kanina." Sabi nito sa kanya.
Napakunot ang noo niya. Paano nito nalaman na naka dalawang baso siya ng juice? Tinitingnan ba siya nito kanina ng hindi niya alam?