CHAPTER 2

2151 Words
"YOU know how dangerous to drive when your drunk. I saw you, naka dalawang baso ka ng alak kanina." Sabi ni Liam kay Brea. Napakunot ang noo niya. Paano nito nalaman na naka dalawang baso siya ng juice? Tinitingnan ba siya nito kanina ng hindi niya alam? Lumapit si Liam sa kanya. "I will take you home. Kaysa makulong ka pa or worse ay maaksidente ka pa. Mas mabuti na ang nag iingat." Sabi nito saka aakmang kukunin ang susi ng sasakyan niya. Pero agad naman niya iyong naiwas sa lalaki. "Mas gugustuhin ko pang makulong at mawalan ng lisensya sa pagiging prosecutor kaysa magpahatid sayo." Sabi niya saka binuksan ang pinto ng sasakyan niya. Bago siya sumakay ay bumaling ulit siya kay Liam. "And for your information, hindi alak ang ininum ko. It's just an orange juice. Titingin ka na nga lang mali pa. Umalis ka diyan sa daraanan ko at baka sagasaan pa kita diyan." Sabi niya saka tuluyang sumakay sa kotse niya. Ilang saglit pa ang lumipas at hindi umalis sa kinatatayuan nito si Liam kaya binusinahan niya ito hanggang sa marindi ito. Pagkatapos ay pinaharurot niya ang sasakyan niya. Ewan niya ba, pero mukhang kahit kailan ay hindi na maaalis pa ang galit niya sa lalaki. Kahit 6 years na ang nakalilipas simula ng lokohin siya nito ay malinaw pa rin sa alaala niya iyon. habang nagda-drive siya ay may nakita siya sa side mirror ng kotse niya na sumusunod na itim na sasakyan sa kanya. Napakunot ang noo niya. Pero dahil hindi naman siya tamang hinala ay sinigurado niyang sinusundan talaga siya nito kaya bigla siyang nag U turn at kitang kita niya na mabilis na sumunod sa kanya ang itim na kotse. Halos nasa likod na ng sasakyan niya ito. Mabilis niyang inapakan ang accelerator ng sasakyan niya at dumaan sa isang makipot na daan na siya lang ang nakakaalam. Nang makalagpas doon ay muli siyang nag U turn. Mabuti na lang at wala nang gaanong sasakyan ng mga oras na iyon kaya mabilis siyang naka U turn upang matakasan ang sumusunod sa kanya. Nang masigurong nailigaw na niya ang sumusunod sa kanya ay tinawagan niya ang kanyang assistant na si Darren. "Hello Darren, where are you?" Tanong niya rito ng sagutin nito ang tawag niya. "Nandito pa ako sa office prosecutor." Sagot nito sa kanya. Napaka hard working talaga nito. "Can you call the LTO and ask if kaninong plate number ang sasabihin ko sayo." Sinabi niya rito ang plate number ng sumusunod sa kanya. Mabuti na lang at kahit na busy siya sa pagmamaneho ay nakita pa rin niya ang plate number ng sasakyang iyon. "Call me immediately once nalaman mo na." Sabi niya rito pagkatapos ay tinapos na niya ang tawag. Saka nagpatuloy siya sa pagda-drive pero hindi pa rin siya nagpabaya. Dahil mamaya ay makahabol ang kung sino mang sumusunod sa kanya, mahirap na. Malaki ang hinala niya na isa sa mga kaaway niya ang sumusunod sa kanya. Hindi naman yun bago sa kanya. Kaya ganoon na lang siya ka eksperto na lituhin ito. Sa six years niya sa serbisyo bilang prosecutor ay mild na lang ang nangyari sa kanya ngayong gabi. Madalas ay pinapaputukan siya habang nagda-drive siya. Minsan naman ay bigla na lang siyang tinatambangan. Gaya ng nangyari sa kanya noong nakaraang linggo. Maya maya ay nag ring na ang cellphone niya kaya agad niyang sinagot iyon ng makita niyang ang assistant niya ang tumatawag. "Hello Darren." "Hello prosecutor. Alam ko na kung saan connected ang plate number na sumusunod sayo. It's from an agency offers executive protection. Mukhang may nagpapabantay sayo prosecutor." Sabi nito. "Okay thank you for your information Darren." Sabi niya saka pinatay muli ang tawag. Isa lang naman ang taong maaaring umupa ng tao na po proteksyon sa kanya. Kaya nang makarating siya sa bahay nila ay agad niyang hinanap ang daddy niya. "Manang Lita, where's dad?" Tanong niyang sa mayordoma sa bahay nito. "Nasa taas hija, nasa study room niya yata." Sagot nito sa kanya. "Thank you ho." Pagkasabi non ay agad siyang nagtungo sa second floor ng bahay nila. Kumatok muna siya nang tatlong beses sa pinto ng study room ng daddy niya saka tuluyang pumasok doon. Naabutan niyang nagbabasa ang daddy niya. Napatingin ito sa kanya. "What are you doing here Breana?" Tanong ng daddy niya saka muling itinuon ang pansin sa binabasa. "Bakit mo ako pinasusundan at pinababantay? I'm not a kid anymore dad. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo ni kuya na kaya ko ang sarili ko." Naiinis na sabi niya rito. "You'll never know how long you'll be lucky. Baka one of these days ay isang batalyon ang tumambang sayo. Gusto lang namin na siguruhing ligtas ka." Sabi nito sa kanya. "I can take care of myself. I have guns in compartment. Hindi ko kailangan ng tulong ng kung sino man para protektahan ako." Frustrated na sabi niya rito. "Kung ayaw mo ng ginagawa ko, then you should resign. We always have a job waiting for you in our law firm. Doon ka na lang magtrabaho. For sure hindi manganganib ang buhay mo kung magiging lawyer ka na lang." Suggestion nito. Kinuyom niya ang kamay upang pigilan ang galit na nararamadaman niya. "I will not resign. Ito ang gusto kong trabaho. Hindi niyo ako mapipigilan sa gusto ko." "Ilang beses nang nanganib ang buhay mo dahil diyan sa trabaho mo. Hindi ako makakapayag na may mangyari sa iyo." Sabi nito habang titig na titig sa kanya. Alam niya iyon pero hindi niya kayang iwan ang trabaho niya ng ganon ganon na lang. "I can't quit dad." Sabi niya rito. "Then you have two choices, it's either you will keep your bodyguards with you, or you will get married." Sabi nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito. "W-what? I will not get married! Ni wala pa nga akong boyfriend dad." Naiinis sabi niya. Hindi siya maaaring magpakasal. "I already arrange that for you. Mayroon na akong napipisil para maging asawa mo." Sabi nito saka may inilapag itong isang picture ng lalaking na hindi pamilyar sa kanya. "That's Col. Lenard Ross. He's handsome and good in his field. His father, Leandro and I agreed that you two look great together. Kaya magtatakda na kami ng araw ng kasal niyo." Parang gustong sumakit ng ulo ni Brea ng mga oras na iyon. Ano bang pinagsasabi ng daddy niya? ---- INISANG lagok lang ni Brea ang bloody marry na in-order niya. "One bloody mary again Ry." Sabi niya bartender ng Spinter Bar. "Mukhang nagpapaka lasing ka miss prosecutor ah. Do you have a problem?" Sabi ni Ry nang ibigay nito ang pang anim na bloody marry niya. "May iniisip lang ako." Sabi niya saka muling inisang lagok ang alak sa harap niya. Tama si Ry sa sinabi nito sa kanya. Gusto niyang magpakalasing ngayong gabi. Gusto niyang kalimutan na ipapakasal siya ng daddy niya sa isang tao na hindi niya kilala. Paano naatim iyon ng daddy niya? Noong nakaraang linggo nang mag usap sila ay nabanggit na nito ang pagpapakasal ngunit hindi niya akalaing seryoso pala ito na ipakasal siya sa lalaking nag ngangalang Lenard. Hindi din pa nga niya na mi-meet ang lalaking iyon! For goodness sake! Ano ba ang pumasok sa isip ng daddy niya at naisip nito iyon? Ano na ang magiging buhay niya sa lalaking hindi naman niya kilala? Nang humingi naman siya ng tulong sa kuya Ethan niya ay sinabi lang nito na iyon na ang tamang panahon para lumagay siya sa tahimik. Ilang araw niyang tinakasan ang mga ito sa pag aakala na lilipas din iyon at titigilan din siya ng mga ito ngunit hindi nangyari at ang mas malala pa ay three months from now ay ikakasal na siya! Gusto na niyang magwala sa inis. Kahit habang nasa hearing siya kanina ay iyon ang nasa isip niya. Hindi siya maaaring magpakasal. Hindi pwede, pero paano niya tatakasan ang planong iyon ng daddy niya? Frustrated na hinilamos niya ang kamay niya sa mukha. "Problem?" Napatingin siya sa nagsalita sa gilid niya. Si Liam pala iyon. Kailan pa ito nasa tabi niya? Bakit hindi niya man lang namalayan na dumating pala ito? Hindi niya ito pinansin sa halip ay binalingan niya lang si Ry. "Ry one more please." Sabi niya sala inabot ang baso ng alak na ginamit niya. "That's your tenth glass. Hinay-hinay Ms. prosecutor." Paalala sa kanya ni Ry nang ibigay nito ang baso na may lamang alak sa kanya. Saglit na tinitigan niya ang baso. 'Pang sampu ko na pala to, kaya pala medyo nahihilo na ako.' Sabi niya sa isip. Pero nagulat siya ng may umagaw ng baso sa kamay niya. Agad niyang nilingon ang salarin. "Give it back to me." Pagalit na sabi niya kay Liam at pilit na kinukuha ang baso dito ngunit hindi iyon binibigay ng lalaki. "Masyado ka ng maraming nainom. Tigilan mo na to." Sabi nito. Sinamaan niya ito ng tingin. "Wala kang pakialam kung gusto kong maglasing buong magdamag. Ako ang magbabayad nito hindi ikaw, so back off." Sabi niya rito at walang sabi sabing inagaw ang baso sa lalaki. And this time ay nagtagumpay siya. Kaya dali dali niyang inisang lagok iyon dahil baka maagaw pa ulit iyon ni Liam. Narinig niyang bumuntong hininga ito sa tabi niya. "Where are your friends? Bakit ba hinahayaan ka nilang magpakalasing dito?" Parang naiinis na sabi nito. Galit na nilingon niya ito. "My friend Sandy is nowhere to be found, thanks to your friend Bryzon and Cynthia is out of the country dahil may competition siya sa ibang bansa so if you mind? Umalis kana. Leave me alone. Hindi kita kailangan dito." Sabi niya rito at buong lakas niyang tinulak ang lalaki pero dahil sa kalasingan ay hindi naman ito natinag sa tulak niya. "You need a company-" Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito. "Just go away Liam. Hindi kita kailangan dito." Sabi niya habang nakayukong nakapikit upang maibsan ang hilo na nararamdaman niya. Mukhang tinatablan na talaga siya ng alak. Narinig niyang muling bumuntong hininga ito. "Alright, ikaw na ang bahala. Enjoy your night." Sabi nito at umalis na sa wakas. Nakahinga siya ng maluwag ng umalis si Liam sa tabi niya. Binalingan niyang muli si Ry. "Ry one more bloody marry, please." Sabi niya rito habang nakapangalumbaba. Dahil hindi na niya kaya pang umupo ng tuwid. "I guess, you need to stop drinking. Mukhang marami ka nang nainum." Pigil sa kanya ni Ry. Tiningnan niya ito. Pero hindi niya ma focus ang tingin dito dahil nahihilo na siya. "Jush one more, Ry." Itinaas niya ang kaliwang kamay niya. "Promishe, that would be my last. Taposh uuwi na ako." "Alright, basta ito na ang last mo. Hindi na kita bibigyan pa kahit lumuhod ka pa sa harap ko." Sabi nito sa kanya saka inabutan siya ng baso na may lamang alak. Nginitian niya ito nang pagkatamis tamis. "Shank you Ry." Kinuha niya ang baso at ininum ang laman. Kinapa niya ang bag upang mag labas ng perang pambayad. Pagkatapos ay ipinikit niya muna ang mata upang mawala ang pagkahilo saka siya tumayo. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ng may mabunggo siya. Tumingala siya upang makita kung sino ang nabunggo niya ngunit dahil sa hilo ay blurr na ang paningin niya. "You drink to much." Sabi ng pamilyar na boses. "Shorry, my vad." Sabi niya rito at aakmang lalagpasan ito ngunit nawalan siya ng balanse. Pero sa halip na sa sahig siya bumagsak ay sa mga bisig nang kung sino ang bagsak niya. Hindi na niya kaya pang idilat ang mga mata niya sa kalasingan. Ang tanging naaalala na lang niya ay parang may bumuhat sa kanya at tuluyan na siyang nakatulog sa kalasingan. Nagising si Brea kinabukasan dahil sa sakit ng ulo. Ipinatong niya ang kamay sa ulo at hinilot hilot niya iyon. Ang hirap talaga pag marami kang nainum. Siguradong hangover ang mararamdaman mo kinabukasan. Habang nakapikit pa rin ay kinapa niya ang cellphone niya sa night stand sa tabi ng kama niya sa kaliwa. Ngunit napakunot ang noo niya nang hindi makapa ang night stand. Hindi niya natatandaan na ipinalipat niya sa mga kasambahay nila ang night stand niya? Bigla siyang napadilat at ganoon na lang ang gulat niya nang mapagtantong wala siya sa kwarto niya! Nasaang lupalop kaya siya? Sinipat niya ang suot na damit at parang gusto niyang magwala dahil panlalaki ang suot niyang damit. Isang oversize t-shirt at jogging pants ang suot niya! Agad siyang napatayo upang lumabas ng kwartong iyon. Ngunit papalabas na siya ng kwarto nang biglang bumukas ang bathroom ng kwarto kung nasaan siya at parang lalong sumakit ang ulo niya sa nakita dahil ang iniluwa ng banyo ay walang iba kung hindi si Liam na nakatapis lang ng tuwalya ang katawan at mukhang bagong ligo pa! 'This is not happening to me.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD