Kabanata 9 [Alexa] Habang nagmamaneho siya, inisa-isa ko ang mga pagkaing gusto kong kainin ngayon. In just a snap para kasing nagsulputan ang iba't ibang foods na gusto kong tikman, pero kagaya nga ng sinabi ko kanina, ayoko ng instant kaya heto at napagdesisyunan naming dumaan muna sa mall para mag-grocery. Kulang kulang na raw kasi ang mga gamit niya sa kusina at wala nang masyadong laman ang ref niya. "Gusto ko ng spaghetti, lasagna, carbonara, meatballs, chicken piccata, at chicken francese," sabi ko nang nakatingala pa. s**t. Na-i-imagine ko pa lang sila ay parang gusto ko na silang sunggaban. Kumain naman ako kanina, pero bakit parang gutom na gutom pa rin ako. "Bakit puro Italian foods yata ang gusto mo?" inisa-isa ko ulit sa isip ko iyong mga sinabi ko at oo nga puro Italian f

