Kabanata 10 [Alexa] Kinapa ko ang cellphone ko sa bed side dahil hindi ako makatulog. Tiningnan ko kung ano'ng oras na ba. 4AM. Fuck. Nakasimangot akong tumayo at tumungo sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng maiinom. Umupo ako sa sala at hindi maiwasang mapatulala. Pilit kong tinatanggal sa isipan ko ang lahat ng nangyari kahapon pero bwisit talaga dahil parang iyon lang ang tanging laman ng utak ko simula pa nang ihatid niya ako. Iyong mukha niya, iyong mga titig niya, iyong mga salita niya, paulit ulit akong ginagambala! Napasabunot ako sa buhok ko at ginulo ito. "Ahhhh!!" pumikit ulit ako, baka sakaling dalawin ako ng antok. Wala ring kwenta. Padabog kong kinuha ulit ang cell phone ko, baka sakali uli na may nakaligtaan akong text message mula sa kanya. Knowing Zayne, he won

