CHAPTER 5 [Alexa] "Hoy, Alexa! Super bingi? Hindi na ako marinig?" napataas ang kilay ko sa sarkastikong wika ng kaklase kong si Beatrice habang nakapamaywang pa sa harapan ko. Mukhang lutang na naman ako kanina pa. Napansin na naman tuloy ako ng walang mukhang babaeng ito. Ooops! My bad. Sa kapal kasi ng foundation niya, parang burado na tuloy lahat ng facial features niya. Okay tama na nga ang pagsasalaysay ko sa hindi kaaya-aya niyang itsura. I looked at her from head to toe. Mukha talagang danggit. "Shut up if you don't want me to kick your ass," mahinahong sagot ko. Ayaw na ayaw ko pa naman ang sinisigawan ako at may nagpapaka-superior sa akin. Kung may dapat na mag-command sa amin, ako iyon, hindi siya, o kahit sino man. Bwisit. Ang aga aga sinisira ang araw ko. Napaatras siya

