Chapter 4

1216 Words
CHAPTER 4 [Alexa] Saktong pagtawag kanina ni Zayne ay kakatapos ko lang din mag shower. Pumasok ako agad ng banyo pagkatapos niyang magperform at nakapagbihis ako kahit kausap ko siya sa phone. Umupo ako sa gilid ng kama ko at ibinagsak ang likod ko roon. Pinagmasdan ko ang kulay puti kong kisame at pumasok na naman sa utak ko si Zayne. Ano ba'ng dapat kong gawin sa lalaking iyon? Ilang beses ko na siyang pinagtabuyan at pinrangka ng harap harapan na walang patutunguhan ang kung ano ma'ng meron kaming dalawa, dahil bukod sa wala akong balak na saktan siya, ayoko muna. Hindi pa ako handa. Pero sa kabilang banda, siguro ay kasalanan ko rin naman kung bakit dikit pa rin siya ng dikit sa akin. Alam kasi niyang kahit gaano ko siya ipagtabuyan, sa akin at sa akin pa rin ang bagsak niya. Na alam niyang bukas pa rin ang pinto ko para sa kanya. Ang tanga ko naman kasi. Kagaya ngayon, ilang ulit ko na siyang pinalayo, pero heto ako at tinatanggap pa rin siya. Ang gulo ko! Marahil pareho kaming nasanay dahil sa paulit ulit na lang itong nangyayari. Alam niyang tatanggapin ko siya at alam kong babalik siya sa akin. Gets niyo ba ako? Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, napukaw ako sa marahang katok sa aking pintuan. Sino pa ba ang ibang taong aasahan kong pupunta ng ganitong oras sa bahay ko? Just Zayne. Tinitigan ko lang ang pintuan. Kung 'wag ko kaya siyang pagbuksan at sabihin ko na lang bukas na nakatulog ako bigla? Hmmm pwede. Pinabayaan ko siya sa pagkatok. Siguro naman mapapagod din siya. Ngunit ilang sandali pa ay mukhang nagkamali ako. Hindi siya tumigil sa pagkatok at anak ng pitong kabayo! Napatayo ako dahil sisirain na yata niya ang pintuan ng bahay ko! Wala akong perang pamalit kapag nasira kaya napatayo ako kaagad at tinakbo ito saka binuksan. "Sisirain mo ba ang pinto--" hindi pa ako tapos sa sasabihin ko at hindi pa rin siya nakakapasok ay hinigit na niya ako palapit sa kanya at niyakap. "Ano ba'ng ginagawa mo, Alexa?! Muntik na akong atakihin dito sa pag-aalala! Tatawag na sana ako ng pulis--" "Sira ka ba?! Bakit mo gagawin 'yon?!" "Para i-report na kinidnap ang babaeng mahal ko at pagbabantaan silang kapag hindi ka nahanap ay susunugin ko lahat ng police stations nila sa buong Pilipinas." galit na sabi niya pero natawa ako. Tinulak ko siya at mabilis na dumapo ang kamao ko sa balikat niya. "Lakas ng tama mo, dre!" sigaw ko. Ngumisi lang siya at nauna pang pumasok ng bahay ko. Ang bilis lang mag change of mood. Abnormal. "Lakas talaga tama ko sa'yo buti alam mo," sagot niya habang naglalakad. Sumunod ako sa kanya. "Alam mo ba kung ano'ng oras na? Bakit pumunta ka pa dito?" sita ko, pero walang hiya hiya siyang humilata sa sofa ko. Tinaasan ko siya ng kilay at naghintay ng sagot niya. "Tinatanong pa ba naman iyan, Alexa?" Iyon na nga eh. Kahit hindi ko itanong, alam na alam kong ako ang pakay niya. At iyon ang kinababahala ko. I badly want him to stop it or else I might not be able to control myself anymore. "Go home, Zayne," "Kadarating ko lang pauuwiin mo agad ako?" nakangusong sabi niya. "Inaantok na ako. Makikita mo naman ako sa Monday sa school," "Monday?!" napaayos siya ng upo at magkasalubong ang kilay na humarap sa akin. "Friday pa lang ngayon, Alexa. Kung sa Monday pa kita makikita, 2 days kang mawawala sa paningin ko?? Hindi ako papayag. Kung papauwiin mo ako ngayon, kailangan magkita tayo bukas ng 5AM." pagmamaktol niyang sagot. Nahilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. "You're not a kid anymore, Zayne! Bakit ba kasi hindi mo ako maintindihan? I want you to stay away from me. I want you out of my life, Zayne Karl Ventura!" mabilis kong pinagsisihan ang mga sinabi ko pagkatapos. Damn! Biglang lumamlam iyong mukha niya and I felt so f*****g guilty! "Bakit ba hindi mo rin ako maintindihan? Alexa naman, hanggang kelan mo ba ako ipagtatabuyan?" tumayo siya at sumeryoso bigla ang mukha niya. "Hanggang sa mapag-isipan mong hindi ako ang tamang babae para sa'yo at magkusa kang lumayo sa akin." pinakita ko sa kanyang seryoso rin ako sa sinasabi ko. Parang ginagawa niya lang kasing biro ang lahat. Lalong lumungkot iyong mukha niya. Gosh, Alexa! Wag mong ipakitang apektado ka! "Paano kung sabihin kong hinding hindi ko maiisip iyon at hinding hindi ako magkukusang lumayo sa'yo? Tatantanan mo na ba ako d'yan sa kakataboy mo?" Why so persistent Zayne Ventura?? "Intindihin mo naman iyong desisyon ko, Zayne." pagod na wika ko. "f**k! Make me understand it! Stop giving me those shitty unreasonable reasons of yours. 'Wag namang ganito na basta mo na lang ako itataboy nang walang maayos na dahilan." puno ng tensyon ang itsura niya at pakiramdam ko ay gatilyo ako na isang kalabit pa ay sasabog siya. Napabuntong hininga ako. Saglit akong nanahimik bago napagdesisyonang sabihin sa kanya kahit alam kong masasaktan ko siya. Mas mabuti na rin siguro ito. "I love someone else," pag-amin ko nang nakayuko. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong natigilan siya at napaawang ang bibig niya. Ang mga mata niyang kanina ay nag-aalab, ngayon ay tila pinasan lahat ng kalungkutan sa mundo. "You kidding me, right? You're just telling me that para lumayo ako," hindi makapaniwalang tanong niya. "Sana nga nagloloko lang ako. Sana nga hindi na lang totoo ang lahat," hindi ko alam kung narinig ba niya ang sagot ko dahil parang maging ako ay hindi ko narinig ang sarili ko. Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko. Tinalikuran ko siya nang hindi ko na napigilan ang tuloy tuloy na pagbagsak nila. "Do you really love him?" "M-Mahal na mahal ko siya at alam kong hindi niya gustong saktan ako," Pag-angat kong muli ng tingin ay nasa harapan ko na siya. Hindi ko siya maaninag ng maayos dahil sa napakakapal na luhang nasa mga mata ko. Itinikom ko ang bibig ko para mapigilan ang paghikbi. Ayokong humagulgol sa harapan niya, pero nagulat na lang ako nang yakapin niya ako at inalo. "I didn't expect na tama ang hula ko. Tahan na, Alexa," hinigpitan pa niya ang yakap sa akin at hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko. "Kahit mahal mo pa lahat ng lalaki dito sa mundo hindi pa rin kita lulubayan. Pepestehin ko ang bawat araw mo hanggang sa ikaw mismo ang magmakaawang 'wag akong umalis sa tabi mo. Let me help you get over him," "Masasaktan ka lang, Zayne. We can be friends--" mabilis niyang inilapat ang mga labi niya sa labi ko. Naramdaman ko ang pamilyar na init ng mga ito. Napamulat ako nang humiwalay siya at tumingin sa mga mata ko ng derecho. Mapupungay ang mga titig niya. "I can't be just friends with you, Alexa. Just thinking about it makes me insane! Mahal na mahal kita at isang araw pa lang kitang hindi makita nababaliw na ako sa lungkot. Only you can make me feel this way." "Lumaki at nasanay akong makatanggap ng pagmamahal mula sa ibang tao simula nang mamatay sa aksidente ang mga magulang ko. Pero nang dumating ka, iba. Hinigitan ng kakarampot mong atensyon ang pagmamahal ng maraming tao sa akin." "At kahit madalas naiinis lang kita, masaya pa rin akong kasama ka. You truly are a poison in my whole system, Alexa." "A sweet poison of mine." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD