KABANATA 3
[Third Person]
"Papasok na ako ng klase," ani Alexa habang binubutones ang pang-itaas niyang blouse na kulang na lang ay sirain kanina ni Zayne.
"Dito ka na lang," malambing na wika nito habang pinagmamasdan ang kabuuan ng dalaga. Hinawakan siya nito sa braso dahilan para mapatigil siya sa kanyang ginagawa at ibaling dito ang kanyang atensyon.
"Zayne, 'wag ka ngang parang bata d'yan. Alam kong may klase ka rin kaya 'wag mo akong artehan ng ganyan," ani Alexa.
Lumiban lamang ng klase niya si Zayne upang masamahan si Alexa. Hindi niya ito magawang hayaan na lang na mag-isa lalo na at hindi maganda ang pakiramdam nito kanina.
"Hahatid na kita," pagpilit pa rin nito.
"Wag na at baka makapandukot lang ako ng mata ng mga chismosa at malisyosong estudyante sa labas," kinuha ni Alexa ang bag niya at inayos ang laman nito bago tumungo sa pintuan. "Thank you, Zayne,"
Napabuntong hininga na lang si Zayne at lumapit sa kanya. "You take care, baby. Tawagan mo lang ulit ako kapag may problema," tumango si Alexa pero agad siyang pinigilan nito bago makaalis.
"Bakit?" nakakunot noong tanong niya.
Seryosong ibinutones ni Zayne ang isang button sa kaniyang damit na mukhang nakaligtaan niya kanina. Inipit nito ang takas niyang buhok sa likod ng kaniyang tainga. Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa magkabilang balikat saka itinalikod. "Ayan pasok ka na,"
Hindi na sumagot at lumingon pa si Alexa. Derecho siyang naglakad at kumaway kahit nakatalikod. Nakangiti lang si Zayne na pinapanood itong palayo.
Tuluyang umayos ang pakiramdam ni Alexa kaya naman hindi na siya nahirapan sa mga natira pa niyang subjects bago ang dismissal. Hindi na rin siya sinita ng president ng klase nila kung bakit wala siya sa dalawang subjects kanina dahil nasabihan na ang mga ito ni Zayne.
"Bye, Alexa!"
"Ingat, Alexa!"
"See you tomorrow, Alexa!"
Isa isang paalam ng mga kaklase niya nang mag-uwian na. Tumango lang siya sa mga ito. Kahit naman wala siyang matatawag na malalapit na kaibigan sa loob ng kanilang klase ay pinapansin naman siya ng iilan sa mga ito. At kung gugustuhin niya ay hindi malabong magkaroon siya ng mga kaibigan. Iyon nga lang, hindi niya ginusto. Ayos na sa kanya na at least ay hindi sila parang hangin sa isa't isa. Kung baga sa isang relasyon, ayaw niya ng commitment. Ganun siya sa pakikipagkaibigan.
*Buzz buzz*
One message received
From: Zayne Panget
May gig kami tonight sa Kingston. 'Wag ka ng pumunta at magpahinga ka. Nasa labas na ng gate si Mang Ben para ihatid ka pauwi. Stop frowning your brows, baby.
Napanguso si Alexa at hinawakan ang nakakunot niyang noo, pero bakas ang pagkurba ng kanyang mga labi sa text ni Zayne. Agad siyang nag-type ng reply.
To: Zayne Panget
Kapal mo. 'Wag kang mag-alala wala akong balak na panoorin ka. Ingat pag-uwi.
Pagka-send ng message niya ay dumirecho na siya sa main gate kung saan naroroon nga sa tabi at nakapark si Mang Ben.
Hindi na siya nito pinagbuksan ng pinto dahil sinenyasan niya itong 'wag na. Ayaw naman niyang may makahalata na iisa ang driver ng sinasakyan nila ni Zayne, tho hindi naman siya madalas magpa-drive. Para na lang din ito sa ikatatahimik niya.
Alam na ni Mang Ben kung saan siya nakatira dahil sa ito ang kasama minsan ni Zayne tuwing pumupunta ito sa bahay ni Alexa. Hindi ito kalayuan sa SDMU kaya agad siyang nakauwi.
"Sige po, Mang Ben, salamat sa paghatid." paalam niya habang pababa.
"Sandali, Hijah," may kinuha ito sa backseat na isang brown na paper bag at iniabot sa kanya. "Pinapabigay ni Zayne," nakangiting sabi nito.
Nagtatakang sinilip naman ito ni Alexa at napailing sa laman nito. "Ah sige po, salamat ulit,"
Umalis si Mang Ben at nakasimangot naman siyang pumasok ng bahay.
"May saltik talaga iyong lalaking 'yon," bulong niya sa sarili habang inilalabas mula sa paper bag ang pagkaing pinadala ni Zayne. May kasama rin itong pain reliever at energy drink.
Kinain niya at ito at sa katunayan ay naubos pa nga niya. Pagkatapos niyang makapagligpit ay tumungo na siya sa kanyang silid at inilabas lahat ng assignments na kailangan niyang tapusin para sa lunes kahit na weekend naman bukas.
Nag-inat inat siya nang matapos niya lahat. Sakto pa nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Zayne na nagtatanong kung kumain na ba siya. Umupo naman siya sa gilid ng kanyang kama bago mag-reply ng, "Oo".
Ilang saglit lang nang mag-vibrate muli ang cellphone niya.
From: Zayne Panget
- Good. Ako rin kumain na. (^_^)
Napairap si Alexa sa text. Hindi niya mapigilang makornihan sa mga emoticons kada dulo ng text ni Zayne. Parang na-iimahe kasi niya ang mukha nito sa bawat emoticons nito.
To: Zayne Panget
- Hindi ko tinatanong. (-_-)
From: Zayne Panget
Open your laptop, baby. May isesend akong link sa'yo. (~.^)
To: Zayne Panget
Ayoko nga.
From: Zayne Panget
Dali na.
Padabog siyang tumayo at kinuha ang laptop niya. Pagbukas na pagbukas pa lang niya ay nag pop-out ang email ni Zayne na may naka-attach na link. Agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ito. Wala pang dalawang ring nang sumagot ito.
"Hoy, Zayne! Gago ka ba?? Wala akong balak manood ng p**n kaya tantanan mo ako dito sa mga link link mo na ito!" sigaw niya sa kabilang linya at narinig niya ang malakas na paghalakhak ni Zayne mula roon.
(Relax, baby. That's not a p**n. Besides why would I bother to let you watch p**n if we could do better than that?) malambing ang boses na pagkakasabi nito.
"Sira! E, ano ba kasi 'to??"
(Just click it, baby.)
Nakasimangot niyang sinunod ang sinabi nito. At mas lalo siyang napasimangot sa mukhang tumambad sa kanya mula sa malaking screen ng laptop niya. Pinatay niya ang cellphone at humarap sa screen.
"Ano'ng kagaguhan ito?" nakataas ang kilay na tanong niya sa kaharap na si Zayne.
(That's what they call livestream, baby.)
"Alam ko, 'wag mo akong gawing tanga. Ano'ng gagawin ko sa pagmumukha mong ito??"
(We have a gig, right? Since you cannot come here, I prepared a livestreaming for you, so you can still watch me perform,) sagot nito habang inaayos ang posisyon ng camera nito.
Inis na natawa si Alexa, "Hindi naman kita gustong panoorin kaya wag ka ng mag-effort. Feeling mo naman artista ka at fangirl mo ako? Kapaaaaal! May pa-livestream- livestream ka pang nalalaman," napasimangot tuloy si Zayne at ginulo ang ayos na ayos nitong buhok.
(Aish! Mamaya ka na magreklamo at mag-uumpisa na kami. Panoorin mo lang ako, ha? 'Wag kang aalis, ha?)
"Errr... Oo na basta tumigil ka d'yan sa pagpapa-cute mo sa camera."
(Yes!!) napahalik pa si Zayne sa lens sa tuwa. (Pero hindi naman ako nagpapacute. Natural 'yan.)
"Kadirdir ka laway mo oh! Tignan mo ang labo na! Kawawa naman ang mga mata ko,"
Natatawang kinuha ni Zayne ang panyo at pinunasan ang lens kahit wala namang dumi. (Sige akyat na ako!)
Inayos ni Alexa ang upo niya sa kanyang kama. Sumandal siya sa headboard at ipinatong ang laptop sa maliit na lamesa sa harapan niya. Namatay ang ilaw ng buong Kingston Clubhouse, hudyat na mag-uumpisa na sila. Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan ay sumentro ang spotlight kay Zayne, ang lead vocalist ng banda nilang Silent Breeze. Sikat na banda ito ng Kingston Club at ng SDMU na binubuo ng tatlong lalaki kabilang si Zayne.
Then I look into your eyes,
I see an angel in disguise
Sent from God above
for me to love
to hold and idolise
Pinagmasdan ni Alexa ang nakapikit na si Zayne habang kumakanta. Unang bigkas pa lamang nito ng lyrics ay napakapit na siya sa unan na hawak sa hindi niya kamalayan. Hindi niya maitatangging nakakadala ang boses nito.
And as I hold your body near
I'll see this month through to a year
and then forever on
'Til life is gone
I'll keep your loving near
Labis siyang kinikilabutan sa boses ni Zayne. Hindi naman ito ang unang beses niyang marinig itong kumanta pero iisa lang ang reaksyon ng katawan niya rito. Parang tagus tagusan hanggang sa kaloob looban niya ang malumanay at malamig na boses nito.
And now I've finally found my way
To lead me down this lonely road
All I have to do
Is follow you
To lighten up my load
Unti unting nagmulat ng mata si Zayne at saktong sakto ito sa mga mata ni Alexa. Para bang sa titig niyang iyon ay nasa harapan lang niya siya nito. Tila hinihigop siya ng mga mata nitong nangungusap at may nais ipahiwatig sa kanya.
You treat me like a rose
You give me room to grow
You shone the light of love on me
And gave me air so I can breathe
You open doors that close
In a world where anything goes
You give me strength so I stand tall
Within this bed of earth
Just like a rose
Habang kasalukuyan siyang nadadala sa pagkanta ni Zayne, umawang ang kaniyang bibig nang biglang ngumiti ito sa kanya kasabay ng malakas na hiyawan ng mga manonood sa club. Pakiramdam niya ay muntikan ng malaglag ang puso niya sa ngiting iyon subalit iwinaksi niya ito sa isipan at kunwari'y normal na ipinagpatuloy ang panonood.
And when I feel like hope is gone
You give me strength to carry on
Each time I look at you
There's something new
To keep our loving strong
Samantala, habang kumakanta si Zayne ay iisa lang ang babaeng nasa isipan nito. Walang iba kundi si Alexa. Habang nakapikit ay pinapakiramdaman nitong mabuti ang presensya ng dalaga.
I hear you whisper in my ear
All of the words I long to hear
Of how you'll always be
Here next to me
To wipe away my tears
Sumasabay ang galaw ni Zayne sa pagsaliw ng kanyang musika. At sa bawat bigkas nito ng lirikoy sa camera lang na nasa harapan ang kanyang atensyon. Iyong tipong wala man si Alexa physically, nais niya pa ring iparamdam dito ang kanyang awitin.
You give me strength so I stand tall
Within this bed of earth
Just like a rose...
Naghiyawan at nagtilian ang mga babae nang matapos ang mga ito at kumaway si Zayne. Subalit ang hindi nila alam ay sa camera ito nakatingin at si Alexa ang kinakawayan nito. Gayunpaman, walang pagsidlan ang kaligayahan ng mga manonood.
Tumungo ang buong banda sa backstage kaya biglang nawalan ng view iyong camera pero rinig pa rin ni Alexa ang pag-uusap ng mga ito dahil nakasabit lang sa damit na suot ni Zayne ang maliit na microphone na kumokonekta sa kanilang dalawa.
"Oy, Zayne! Shot tayo dun tara!" rinig ni Alexa na sabi ni Jaxon, isa sa mga ka-banda ni Zayne.
"Sige pare kayo na lang!" sagot nito habang nag-aayos ng gamit.
"Nanaman? Dumadalas na iyang pagtanggi mo sa amin. Bakit ba parang lagi kang atat umuwi?" tanong naman ng isa pa. Si Ace.
"May kailangan lang talaga akong asikasuhin eh. Importante lang," sagot muli ni Zayne.
"As in sobrang importante?" hindi niya napansin ang paglapit ni Madison. Ang nag-iisang pinakamalapit na babae sa banda ng mga ito. Ang babaeng kusang loob na tumatayo bilang kanilang manager.
"Sobra," may pagka exaggerated na sagot ni Zayne kaya halos titigan itong ng mamasa ng mga kasamahan.
Agad na umalis si Zayne at tumungo sa kinaroroonan ng camera na nilagay niya kanina. Tinanggal niya ang connection nito at saka dinial ang numero ni Alexa nang makalabas na siya sa club.
(Baby, how's my performance?) malambing nitong tanong habang naglalakad patungong parking.
"It's fine. I'm used to hearing your voice anyway," palusot niya kahit ang totoo ay halos lumambot lahat ng pwedeng lumambot sa puso niya.
(Thanks, baby.) nakangising ani Zayne.
"Yuck! Bakit ka na ti-thank you??" nakangiwing ani Alexa.
(Alam ko namang ganyan ka lang mag-expess ng papuri sa akin!)
"Mukha mo!"
(Gwapo! Here I come, baby.) humahalakhak na sagot nito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan nito.
***