KABANATA 2
[Alexa]
Sa dami yata ng nainom ko kagabi kaya hanggang ngayon may hangover ako. Bakit ba parang nakikita kong nagiging dalawa 'tong si Ms. Fanta Stick? Ang laki laki na nga niya sa personal, dumodoble pa sa paningin ko! Ugh! Okay naman ako kanina bago pumasok tapos ngayon ay biglang nagkaganito ang pakiramdam ko.
Napahawak ako sa ulo ko.
"Alexa, ayos ka lang ba?" tanong ng katabi kong kaklase.
"Mukha ba 'kong ayos, Zach?" pagmamaldita kong sagot.
"Gusto mo dalhin na kita sa clinic? Ako na ang bahalang mag-excuse sa'yo kay Ma'am," aniya.
"Wag na at baka magka-utang na loob pa 'ko sa 'yo," sabi ko sabay dukdok ng mukha ko sa lamesa.
"Sungit mo talaga. But then I insist, tara?" pagpipilit niya.
"Kung gusto mong lumabas ng klase 'wag mo na 'kong idamay. Gagamitin mo pa 'kong palusot mo," sabi ko. Alam ko naman na ayaw niya ang klase naming 'to at mahilig siyang gumawa ng excuses para lang makalabas. Style niya bulok.
"Ikaw na nga tinutulungan ibang klase ka talaga," ibinalik niya ang kanyang tingin sa harap at pakiramdam ko ay mas dumoble ang sama ng pakiramdam ko.
Palihim 'kong kinuha ang cellphone ko at nag-text.
To: Zayne
-I feel sick.
Pagkasend ko ng text message sa kanya ay ibinalik ko ang atensyon ko sa pagle-lecture ni Mrs. Stick. Habang nagsasalita siya sa harapan at kunwari'y nakikinig ako sa pinagsasabi niya. Naagaw ang atensyon namin nang lalaking kumatok. Haay buti naman. Akala ko hihimatayin na 'ko bago siya dumating.
"Good morning, Ma'am. May I excuse Miss Alexandria Henares? I just need her cooperation at the student council," magalang na paalam niya. You're such a good liar, Zayne. Napangisi ako.
"Sure, Mr. Ventura," walang alinlangan na sagot ni Ma'am.
Dinampot ko agad ang bag ko at pinilit na makapagkad hanggang sa marating ko ang pinto kung saan nakatayo si Zayne. Nagpaalam siya ulit kay Mrs. Stick bago isarado ang pintuan. Siya nga pala ang Vice President ng student council kaya 'di na siya inusisa.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin na masama pala ang pakiramdam mo? Hindi na sana pa kita pinapasok," nakakunot noong sabi niya habang inaalalayan akong maglakad.
"Ayos naman kasi ako kanina tapos bigla na lang...ganito,"
Ewan ko pero parang biglang nag-iba iyong mood ko pagdating ni Zayne. Kaya ayokong nagkakasakit ako eh. Parang nagiging mahinang bata ako kapag kaharap ko na siya.
"Sisihin mo 'yang katigasan ng ulo mo. Alam mong may pasok kinabukasan pero uminom ka pa rin," patuloy na panenermon niya. Hindi ko na lang pinakiggan ang mga pinagsasabi niya. Kung baga pumasok sa kaliwang tenga, exit sa kanan.
I just found myself hugging him. "I wanna sleep,"
"Tara na sa band room," aniya.
Pinasan niya 'ko dahil wala na 'kong lakas pa na maglakad. Mabuti na lamang at oras na ng klase kaya walang tao sa dinadaanan namin dahil kung hindi ay katakot takot na chismis ito. Seeing their perfect guy with the messed girl? Oh cmon. Baka mahimatay sila one by one.
Nakarating kami sa band room ng maayos. Vocalist nga pala si Zayne ng sikat na banda ng SDMU at minsan ay tumutugtog sila sa mga events kaya sikat ang mokong na 'to.
Dahan dahan niya akong inilapag sa sofa. Kumuha siya ng unan at inilagay niya sa may lap niya at doon ako pinahiga. Marahan niyang hinahaplos haplos ang buhok ko kaya mas gumaan ang pakiramdam ko. Tumagilid ako at isinubsob ang mukha ko sa tiyan niya. Kinuha ko rin ang kamay niya at niyakap. Sa kabila ng paulit ulit kong pagtulak sa kanya palayo, nasanay pa rin ako sa ganito dahil sinanay niya ako. He never fails to treat me like a princess everyday.
"Zayne?
"Hmm?"
"Wala ka ba talagang balak na iwan ako?"
"Wala," mabilis niyang sagot kaya lihim na gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"I don't believe you," sabi ko.
"I won't leave you, baby. Hindi ko gagawin ang isang bagay na ikamamatay ko," his voice was so serious. Pakiramdam ko ay may nag-fi-fiesta sa loob ng tiyan ko dahil sa sinabi niya, pero hindi ko 'yon pinahalata.
"Sinasabi mo lang 'yan dahil may nararamdaman ka para sa'kin. Pero sa oras na maglaho 'yang pagmamahal na sinasabi mo dyan sa puso mo, aalis ka rin. Makakalimutan mo na minsang tumibok 'yan para sa isang katulad ko," prangkang tugon ko which is totoo naman.
"Stop comparing me with other guys, will you? Alam ko sa sarili ko kung hanggang saan ang pagmamahal ko sa isang tao. At ang pagmamahal ko sa 'yo? Pang habang buhay, Alexa."
Humigpit ang pagkakayakap ko sa kamay niya, "Sana nga,"
Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako na okay na ang pakiramdam ko at ganun pa rin ang posisyon ko katulad kanina. Napatingin ako kay Zayne.
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong agad niya habang hinahaplos ang buhok ko. Tinignan ko ang oras sa nakasabit na relo. Dalawang oras din pala akong nakatulog. At mukhang dalawang oras din akong pinakatitigan ng lalaking to.
"Okay na ko," nakangiti kong sagot at umupo. Kulang lang pala ako sa tulog.
"Bibili lang ako ng lunch d'yan ka lang ha," tumayo siya at kinuha ang susi ng kanyang kotse sa ibabaw ng table.
"Ice cream ko ha," bilin ko at tumatawa siyang lumabas.
Naglibot libot muna ako dito sa loob habang hinihintay si Zayne. Infairness, kumpleto sila sa gamit pang-banda. Ang astig nitong practice room nila tapos sa kabila ay may mini recording studio. Mukhang mga mamahalin din ang mga gamit dahil malalaki at branded ang mga ito. Pumasok ako sa isang kwarto na bahagyang nakaawang ang pinto.
"Woah," napanganga ako sa nakita ko. Iba't ibang klase ng mga gitara. May acoustic guitars, electric, at classical guitars. At ang mas ikinamangha ko pa ay nang makita ko ang pangalang nakasulat sa bawat gilid ng mga ito.
Zayne Karl
Ibang klase talaga ang mokong na 'yon. First time ko kasing pumasok sa kwartong 'to. Madalas kapag wala ang mga bandmates niya at nagpupunta kami rito ay hanggang doon lang kami sa sofa. Hindi naman ako naglilibot libot kaya ito ang unang beses kong makapasok dito.
Nagtingin tingin pa 'ko sa paligid at dumapo naman ang mga mata ko sa mga locker nilang de-password. Nakita ko ang kay Zayne. Parang may nagtutulak sa'kin na buksan ko 'to, pero hindi ko naman alam ang password. Naiiling kong sinubukan ang password na naisip kong possible niyang gamitin. The date of my birthday.
Umilaw ito at bumukas. Haaay. Konti na lang Zayne malapit na akong maniwala na seryoso ka sa mga pinagsasabi mo. Napakunot noo ako sa laman nito. Bukod sa mga extrang damit niya, may picture kaming dalawa, class schedule ko, mga activities ko, at 'wag niyo ng alamin iyong iba dahil baka akalain niyong isang nakakatakot na stalker ko si Zayne. Nag-iwan ako ng isang folded paper bago ko ito isinarado at bumalik sa sofa.
Naglagay ako ng earphone saka pumikit habang nakaupo at hinihintay si Zayne. Naka-shuffle ang music player ko nang mag-play ang kantang akala ko wala ng epekto sa'kin. Pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko ito inihinto o inilipat. Hinayaan ko itong magpatuloy sa pag-play.
I was taken by the song that I didn't noticed tears streaming down my face until I felt a hand wiping my cheeks.
"Oh s**t," napaayos ako ng upo at agad na pinunasan ang mukha ko. "Kanina ka pa ba?" tarantang tanong ko. Ugh.
"Hindi naman. Kakadating ko lang," sagot niya at humalik sa noo ko.
"Wag mo na lang pansinin yung nakita mo," sabi ko nang tumalikod siya sakin para ihanda iyong binili niya.
Hindi niya 'ko sinagot at inabot lang sa'kin iyong pagkain. Tahimik lang siya habang kumakain at hindi man lang tumitingin sa direksyon ko. Kung tutuusin dapat magpasalamat ako dahil 'di siya nang-uusisa pero bakit parang iba?
"Busog na 'ko," sabi ko.
"Hindi mo pa nakakalahati. Kumain ka pa o baka gusto mo ng iba? Bibili ako," tumayo siya pero nahawakan ko siya agad sa braso.
"No need. Hindi na 'ko gutom,"
Nanahimik lang ulit siya at hindi na nagpumilit pa. Niligpit niya ang pinagkainan ko at hindi na rin siya kumain. Umupo siya at binuksan ang TV. Dinedeadma ba niya 'ko?
"Why were you crying?" tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa TV. Yun. Sabi ko na nga ba iyon ang pinuputok ng butsi nito. Pwede ka naman magsabi sa'kin kung may problema ka o kung nalulungkot ka. I hate seeing you cry, baby," this time ay seryoso na siyang nakatingin sakin,
"Uuuuuy, 'wag ka ng seryoso d'yan. Nagpa-practice lang akong umiyak kung may future ba 'kong maging artista. Malay mo pang drama actress pala ako? Tigilan mo na ang pag-iisip ng kung ano,"
"'Lika nga dito," hinila niya 'ko palapit sa kanya. "Palusot ka pa. Halikan kita dyan eh,"
"Sus! Ikaw pa ang palusot d'yan. Edi halikan mo---hmmm...."
Kinapa niya ang kinaroroonan ng remote ng TV at pinatay ito. "Istorbo,"
***