13

1041 Words
Janna POV "Anak, Janna. Meet your soon to be husband." Seriously? Kelan pa ako nagkaroon ng fiance? Omg. "Hi Janna. It was nice meeting you again." The well-knowned owner of the well-knowned toy factory. Sikat sila sa ibang bansa dahil sa kakaibang kalidad ng mga laruang ginagawa sa factories nila. Ilang chains of factories na ang meron sila. Hindi lang yun, sila rin ang may-ari ng sikat na sikat na Toy stores sa malls even in abroad -- si Mr. Jung. Ilang beses ko na siyang nakikita sa company. Ang anak niya. Nakasama ko na siya sa isang conference meeting nung tine-training ako ni Papa. Nakilala ko na rin siya pero twice palang. Mabait naman sya at gwapo. Sa pagkakaalam ko, singer siya sa sarili niyang bar. Nakipag-shake-hands ako. "Janna Ruiz." Sabi ko. "Ace Xander Jung." He's smiling at me. "Maupo na tayo. Iho, iha let's have our dinner." Sabi ni Papa. Si Raven napansin ko iba ang tingin kay Ace. Ewan ko kung bakit. Pero teka nga, sabi nga pala ni Papa soon to be husband ko si Ace? Hanla. Pano nangyari yun!? -- Natapos na ang dinner. Nandito kami sa salas ni Ace at Raven. Si Mr. Jung ka-kwentuhan pa ni Papa dun sa library sa taas. Kanina sa dinner, sinabi na nga nila. It's official. Ipagkakasundo pala kami ni Ace. Ako naman, nagulat ako pero yung mga ganitong sitwasyon, pinaghandaan ko na. In a world of business kasi hindi talaga mawawala ang arranged marriage. Okay naman si Ace eh. Yun nga lang, si Adrian pa rin ang gusto ko. Parang diko naman yata kayang gustuhin si Ace gayong si Adrian talaga ang gusto at mahal ko. "Anong ginagawa mo sa buhay?" Seryosong tanong ni Raven kay Ace. Kanina ko pa napansin yung kakaibang tingin niya kay Ace eh. "May sarili na'kong bar. Singer din ako at the same time pinapatakbo ang toy factory namin since nag-iisang anak lang ako." Mabilis na sagot ni Ace. "Oh talaga? Baka magaling pakong kumanta sayo ha?" Seriously Raven? Baliw talaga. Tumawa lang si Ace. "Anytime pwede kang pumunta sa bar ko. You can sing along with me there." Nakangiting sabi ni Ace. "Ha-ha. Ge lang. Baka kasi pag kumanta ako sa bar mo, hanap-hanapin na nila. Alam mo na. I'm a busy person. Di ako nagsa-sideline sa mga ganyan." What a poker face of mine dahil sa pinagsasasabi ni Raven. Lakas ng hangin sa katawan ng kapatid kong yan. Psh. "I see. Kapag 'di ka busy. Anytime naman pwede." Sabi ni Ace. Palitan lang ang tingin ko kina Raven at Ace. Si Ace kasi itsura, paniwalang-paniwala kay Raven. Hindi niya alam, nagyayabang lang si Raven. Ang panget panget ng boses nyan pag kumakanta eh. "Ge lang brad. May girlfriend ka na?" Tanong ulit ni Raven. "I have flings but I never committed into a serious relationship." Honest na sagot ni Ace. "Fling? Ngayong magiging fiance ka ng kapatid ko, baka ituring mo lang syang isa sa fling mo. Baka maFLING-ot kita. Haha." Joke ba yun Raven? Fling-ot? Pingot? Pffffft. Push pa Raven. "What is flingot?" Isa pa 'tong si Ace. Di niya na-gets? Slow. "Haha. Langya brad. Ang slow mo. Wag mo na alamin o kaya search mo sa google. O sya una na'ko sa taas. Wag kang masyadong pa-gwapo sa kapatid ko. Wag kang loloko-loko." Banta ni Raven saka umalis na. Sumenyas lang sya sakin. Kahit kelan talaga. Psh. "Ang lakas ng sense of humor ng kapatid mo." Nakangiting sabi ni Ace. Lakas daw ng sense of humor. Psh. "Hehe oo nga eh." Sabi ko nalang kahit ang totoo niyan, ang korni korni ni Raven. "By the way, saan ka nag-aaral? It's our first time na makakapag-usap tayo ng about sa isa't isa. Unlike sa company na puro batian lang tayo." Ngumiti ako bago sumagot. "Sa Shin-Woo University. How about you?" "Sa Shin-Woo ka pala. Pag-aari ng Shin-Woo family. Sa Eastwest University ako pumapasok." Sabi niya. Eastwest? Pamilyar sakin. Parang dun nag-aaral yung nanggulo kay Chelsea non. Si Kien ba yun? Basta yung myembro ng Lions. Mahigpit na kalaban kase ng Tigers. "Ah, I see." Tumatango-tangong sabi ko. "Anong course mo?" "Business management. Ano pa ba? Alam mo naman ang mundo na ginagalawan natin. All about business." He's right. "Pareho lang tayo. Business management din course ko." "If you want, mag-transfer ka nalang sa EAU para magkasama tayo sa isang university. Para mas magkakilanlan rin tayo." Aish. Para namang pwede. Bukod sa nasa SWU lahat ng friends ko at close sakin, andun din si Adrian. "Okay nako sa SWU." "Sige pero pwede naman siguro kitang dalaw-dalawin sa SWU right?" Paano pala yun. Paano ko sasabihin sa lahat lalo na kay Adrian na may fiance nako? "Hahaha. Oo nga. Magkakaroon pa ng engagement syempre." Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Papa. Kakababa lang nila ni Mr. Jung. Napatayo kami ni Ace. "Oh pano, nakapag-kwentuhan ba kayo? Knowing each other? Don't worry mga anak, mahaba pa ang oras. Marami pang araw para makapag-kwentuhan kayo. Anytime pwede kayong lumabas, mag-date!" Sabi ni Mr. Jung. Ngumiti lang ako at nag-vow. "Oh paano, aalis na kami." Paalam ni Mr. Jung. "Janna, can I have your phone number?" Tanong ni Ace na inaabot sakin ang phone niya. Kinuha ko yun at itinype ang number ko. "Okay na." "Thanks. See you some other time. I will call you." Nakangiting sabi nya. Tumango ako. "Sure." Umalis na ang mag-ama. Tumingin sakin si Papa. "You two looked good together. Mukhang magkasundo na kayo." "He's good naman 'Pa. But it's better kung hindi ako na-arranged marriage." Sabi ko. Handa man ako sa ganito, ayaw ko pa rin. Mas gusto ko pa din na ako yung masusunod sa lovelife ko. Pero wala naman akong magawa. Paano kaya 'to? Hm, MAS pa'no kaya si Adrian? Paano na ang kinabukasan ko? Waaaaaaa. I want Adrian. "Sorry iha kung nabigla kita. Pero 'diba nakapag-usap na tayo ng tungkol dito? Alam mo namang dadating ang panahon na baka ma-arranged marriage ka." Sabi ni Papa. Tumango ako. "Yeah I know. I understand." "Thank you iha." He said and hugs me. "Oh, paano. Aakyat nako." Paalam ni Papa. Tumango lang ako. I sighed. Si Ace okay naman talaga siya. Pero kasi..si Adrian ang tinitibok ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD