Janna POV
"Raven bilisan mo nga. Mala-late na'ko sa klase ko." Sabi ko kay Raven.
Anong oras na hindi pa tapos. Grabe ang bagal. Nagsa-sapatos pa siya dito sa salas.
"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas." Sabi ng katulong.
Tumingin ako kay Raven.
"Wag kang lumabas. Baka kidnapper yan."
"Seriously Raven? Ang aga-aga may kidnapper? At ano ako, bata? kidn*pped for ransom ganon?" Inirapan ko siya saka lumabas muna.
OMG. "A-Ace?" Nandilat ang mata ko nang makita ko si Ace na gwapong gwapo na nakasandal sa kotse niya.
"Hi Janna. Ihahatid na kita sa SWU." Sabi nya.
Waaaa! What to do? Bakit ba ang gwapo ni Ace ngayon? Naka-shades pa siya.
"A-Ah.."
"Ano 'yun?"
Si Raven as always. Panira lagi 'yan eh. "Sinundo ako ni Ace. Siya na maghahatid sa'kin. Hindi na ako sasabay sa'yo Raven. Bye!" Sabi ko saka lumabas na ng gate.
"Aish! Sinundo lang ng naka-shades sumama na! Shades, shades. Ano ka bulag na mamamamalimos? Tch!"
"Wag mo nalang pansinin yung sinabi niya. He-he." Nakakahiya talaga 'tong si Raven kahit kelan.
"It's okay." He smiled at me saka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.
Sumakay na'ko. Napansin ko yung kabuuan ng loob ng kotse ni Ace. All black. Mahilig siya sa black masyado?
"Wala kang pasok?" Tanong ko.
"Anytime pwede akong pumasok. Hawak ko ang oras ko."
Oh, I see. Like a boss huh? "Mahilig ka sa black?" Naku-curious talaga ako. Haha. Kasi kahit siya all black attire niya.
"Hindi naman sa favorite. It's just a, hm..symbol? Like that."
"Symbol for what?" Matanong ako promise.
"Symbol for being a ga---"
Krrrrrinnnnggg!
"Excuse me." Sabi niya. Tumunog kasi yung phone nya.
"Hm. Seven ng gabi. Sa hide-out, yeah. Ge."
Hideout? Ano yun? Parang bigla akong kinabahan. Ano ba talaga si Ace?
"Saan na nga tayo? Anong pinag-uusapan natin?" Tanong niya.
"A-Ah, ano. Nga pala, anong mga hilig mong gawin?" Tanong ko. Kelangan ko malaman 'yun. Kasi may hide-out something eh.
"Makipag-away?"
Makipag-away? Hala. Basagulero pala 'tong si Ace. Pero kung mahilig siya makipag-away, bakit wala man lang bangas ang mukha niya? Ang kinis kinis nga eh.
"Yeah. Mahilig akong makipag-away. Nature ko na 'yun. Pero don't worry. I'm harmless. Wag kang matatakot sakin."
Harmless? "Hindi naman ako natatakot sayo. Mas iniisip ko pa nga kung bakit wala ka man lang bangas o kahit katiting na peklat kung mahilig kang makipag-away."
"Dahil hindi ko hinahayaan ang sinuman na madampian ang mukha ko. The one who tries will be dead."
D-Dead? OMG. Mamamatay tao ba 'tong si Ace? Wala naman sa itsura niya.
"You look horrible. Wag mo'kong katakutan. Okay? Isa lang ang mapapangako ko sayo Janna Ruiz, I will protect you. I won't let anyone to touch my fiance. Or else, they will meet satan."
Hala. Kinakabahan na'ko dito kay Ace. Totoo lang, yung way na pagsasalita niya, hindi mayabang ang dating. Parang may isang salita. Ganon? Basta.
"Here we go."
Napatingin ako sa labas. Nasa SWU na pala kami. "A-Ah, thank you sa paghahatid Ace. Take care." Nakangiting sabi ko. Bubuksan ko na sana 'yung pinto nang bigla akong hawakan ni Ace.
"Take care my fiance."
H-He..
He kissed me? WAAAAA! He kissed me on my lips. Bakit?
Hindi nako nakapagsalita, sa halip ay mabilis na'kong bumaba ng kotse niya. Di na nga ako nakapag-senyas man lang. Waaaaa! Ang init ng pakiramdam ko. Feeling ko ang pula ng buong mukha ko. Bakit bigla nalang niya akong hinalikan?
Waaaaa! Pero ang lambot ng labi niya ha.
Shemay! Bakit ko siya pinupuri. Dapat, magalit ako sa kanya! Aish!
"Janna...?"
Lumingon ako. Si Adrian.
Paano ko pala sasabihing may fiance na'ko?
"Adrian!"
Si Shaina. Bakit andito yan sa loob ng SWU? "Hi Janna."
Plastic. "Hi." Sinagot ko siya. Syempre plastic din ako sa kanya.
"Adrian sabi mo itu-tour mo'ko dito sa SWU. Let's go na?" Sabi ni Shaina. Naka-pout pa. Bata-bataan, mukha na namang oldies. Psh!
"Sige. Una na'ko." Paalam ko sa kanila. Mukhang busy sila eh.
"Wait Janna." Tawag ni Adrian kaya lumingon ako agad.
"S-Sino 'yung naghatid sayo?"
Nakita ba niya? "A-Ah si spongebob? Oo si spongebob! He-he. Bye."
Sa dinami-dami ng pwede kong sabihin, bakit si spongebob pa? Waaaa! Nakakahiya. Napatakbo tuloy ako ng wala sa oras. Hinihingal pa'ko. Naman!
Krrrrinnnnggg..
Sinagot ko na agad ang tawag na iyon nang hindi tinitingnan ang phone screen ko.
"Hello?"
[My fiance.]
"A-Ace?"
[Yeah. Date tayo mamaya. Anong oras ang out mo?]
Date? He's asking me on a date? "Four." Sagot ko.
[Okay then. I'll fetch you at four. Take care my fiance.]
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko 'pag kausap ko si Ace. Ang lakas kasi ng dating niya.
Naglakad na'ko papuntang room. At doon ko naabutan si Adrian. Akala ko ba itu-tour niya si Shaina? Ba't andito yan sa room namin?
"Janna."
Tumingin lang ako kay Adrian. "Huh?"
"Read my text message." Sabi nya.
May text pala siya? Tiningnan ko agad ang phone ko. May message nga. Binuksan ko.
From: Adrian
Date tayo mamaya pag-out natin. Gusto kong bumawi.
-end-
Oh. Niyayaya niya akong makipag-date? Mamayang pag-out?
I tap the reply button.
To: Adrian
Sure. No problem.
SENT!
Bigla akong kinilig. Kahit nakakainis 'yang Shaina na yan dahil sa pagdikit-dikit niya kay Adrian, kinikilig pa din ako sa ina-akto ni Adrian.
Sumandal ako sa arm chair ko at nagmuni-muni muna.
OMG. May date din nga pala kami ni Ace mamaya! Asdfghjkl. HALA! Anong gagawin ko?
Sinong sisiputin ko? Sinong ire-reject ko? What the hell.