Janna POV
Kanina pa'ko hindi mapakali. Kasi naman, sa sobrang kilig ko dalawa tuloy ang tinanggap kong date. Ano ba naman 'yan!
Sino ng sisiputin ko? 'Pag si Adrian ang pinili ko, kawawa naman si Ace tapos naalala ko pa 'yung mga pagbabanta niya sa mga lalaking lalapit sa'kin. Kapag naman kay Ace ang pinili ko, tapos ang future ko. Future husband kong si Adrian, kawawa ang puso ko 'pag nagkataon.
Ay nako! Pa'no ba 'to. I need help.
Hindi pa nga alam ni Adrian na may fiance ako. Kahit pa 'yung iba kong kaibigan o kahit 'yung mismong bestfriend kong si Chelsea hindi pa din alam. Kelan ko ba sasabihin?
"Janna."
Slow motion ako lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. "H-Hi.." Alanganin pa'kong ngumiti kay Adrian.
"Para kang nakakita ng multo." Bahagya siyang tumawa bago tumabi sa'kin.
"Ah, kase ano.."
"Dumaan lang ako para ipaalala sa'yo 'yung date natin mamaya. See you later. Alis muna ako. May practice ang Tigers eh." Sabi niya saka muling tumayo.
Nag-smirked pa siya bago umalis.
Dug, dug..
Dug, dug..
Langyang Adrian, pinapakabog ng todo todo ang puso ko. Waaa!
Shemay. Nagiging magugulatin talaga ako ngayon.
"Hello?"
[Janna.]
OMG. "A-Ace.."
[Just want to remind you about our date. See you later my fiance.]
I'm doomed. Mababaliw na'ko kakaisip kung sino sa kanila ang sisiputin ko.
Wala sa sariling tumayo ako saka lumabas ng room. Dumiretso ako sa hallway patungong grand exit ng University. Kailangan ko ng umuwi.
Tulala akong sumakay sa taxi na dumaan sa harap ng SWU.
"Saan po tayo Ma'am."
Binigay ko 'yung adress ng mansyon namin. Tulala pa din ako. Wala akong kayang tanggihan sa dalawa. Hindi ko din sila kayang pagsabayin dahil parehas lang ng oras. Grabe talaga. Bakit nila ako pinahihirapan ng ganito?
"Dito na po tayo Ma'am."
Hindi ko namalayang nakarating na pala agad dito sa mansyon. Inabot ko ang one thousand bill saka bumaba na. Hindi ko na kinuha ang sukli.
Nang makapasok ako ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Ibinaba ko ang shoulder bag ko saka itinumba ang sarili ko sa kama.
"AHHHHHH!" Tili ko. Diko na talaga alam ang gagawin ko!
"Bukas!" Sigaw ko.
"Okay lang po ba kayo Ma'am? Bakit po kayo sumigaw? May masakit po ba sa inyo? May sakit po ba kayo?" Sunud-sunod na tanong ng katulong.
Ting!
Tama! Alam ko na.
--
Ace POV
Ipinarada ko ang kotse ko sa labas ng SWU. Hihintayin ko ang fiance ko.
Sa mga 'di pa nakakakilala sa'kin, ako nga pala si Ace Xander Jung. Nag-iisang anak at tagapagmana ng Jung Group of Companies.
Lumaki ako sa Korea pero pagtuntong ko ng high school, dito na ako nanirahan sa Pilipinas. Sa East West University ako nag-aral. Dun ko nakilala ang mga kaibigan ko.
Ang may-ari ng SWU na ito ay isa rin sa kaibigan ko.
Mahilig ako sa away. Mahilig akong manggulo pero may mga oras na mabait naman ako. Lagi akong naka-itim dahil iyon ang simbolo ng grupong kinabibilangan ko.
Oo, kung anuman ang iniisip mo, malamang tama ka. Ang grupong kinabibilangan ko ay ang Xbang--grupo ng mga gangster na may motto na, 'Respect Few. Fear None'
Pili lang ang nirerespeto namin at wala kaming kinatatakutan. Ako ang kanang kamay ng lider naming si Xking.
Kinatatakutan kami sa EWU pero hindi kami mayayabang. Harsh lang talaga kami at bastos.
Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa dashboard. "Hello?"
[A-Ace nasa mansyon na'ko. M-May sakit kasi ako, baka 'di ako makalabas kasama ka.]
Fvck. "Okay. Pupunta ako dyan." Sabi ko saka pinutol na ang tawag.
Ano bang ginawa ng babaeng 'yun at nagkasakit siya? Tch.
Si Janna Ruiz--ang kauna-unahang babaeng nagpakabig ng dibdib ko. Unang kita ko palang siya no'n sa kompanya nila, hindi ko na maitangging nagkaroon agad ako ng pagtingin sa kanya. She's beautiful. Isa pa, napakabait niya at palangiti. Para syang anghel na bumaba mula sa langit.
Kaya nga ng malaman kong magiging fiance ko siya, hindi na'ko tumanggi sa kagustuhan ni Papa. Pero malamang, kung ibang babae 'yun, hindi ako papayag sa arranged marriage.
Iingatan ko ang fiance ko. Ayokong ipakita sa kanya ang dark side ko dahil ayokong matakot sya sa'kin. Pero wala naman akong balak ilihim sa kanya ang tungkol sa pagiging gangster ko.
Gusto kong maging honest sa kaniya. Dahil gusto ko siya. Isa pa, gusto kong magtiwala siya sa'kin ng buong-buo.
Pinaandar ko na ang kotse ko. May bibilhin muna ako bago pumunta sa mansyon nila Janna.
I hope she'll be fine.
--
Adrian POV
Katatapos lang ng practice namin ng Tigers. Kakapalit ko lang din ng damit. Naglalakad na'ko papunta sa parking lot kung saan naroon ang kotse ko.
Pasakay na'ko ng kotse ko nang biglang mag-ring ang phone ko na nasa bulsa ng pantalon ko.
"Hello?" Hindi ko na natingnan ang screen kung sino ang tumatawag.
[H-Hello..Adrian, di ako makaka-alis ng mansyon. S-Sumama kasi ang pakiramdam ko..]
Sh*t. May sakit si Janna? "Ok--"
*toot toot*
Naputol ang tawag. Kailangan kong puntahan si Janna. Nag-aalala ako. Bakit kase nagkasakit siya? Tch.
--
Janna POV
Waaaa! Nakapagsinungaling ako sa dalawang tao sa loob ng isang araw. Ang sama ko!
Kasi naman kesa pumili ako ng isa sa kanila, e'di wag nalang para fair. YAA! Nagpanggap ako na may sakit kahit wala naman talaga. Para akong ewan dito sa kwarto ko.
Ano kayang naging reaksyon nung dalawa?
*tok tok*
"Bukas!" Sigaw ko.
Yung katulong namin pumasok. "Ma'am nasa baba po si Mr. Jung."
Pumunta pala si Ace? Hindi ko na kase narinig 'yung sagot nya sa phone kanina kasi pagkasabi ko na may sakit ako, tinanggal ko na din sa tapat ng tainga ko 'yung phone ko.
"A-Ah, sige papasukin mo dito sa kwarto ko. Pagkatapos ay maghanda ka na din 'Ya ng meryenda." Sabi ko.
Tumango naman ang katulong at lumabas na. Dali-dali akong nahiga. Nagkumot ako at umakto na parang may sakit. 'Yung mukhang malamya parang ganon.
"Hey. Are you okay? What happen?" Sunud-sunod na tanong ni Ace nang makapasok sya dito sa kwarto ko.
Ako naman, eto pupungay-pungay ang mata para magmukhang masama talaga ang pakiramdam. "I'm fine." Sagot ko. Okay lang naman talaga ako kase wala talaga akong sakit.
"Tch. If you can't take care of yourself, I'll be the one who will take care of you. Okay? From now on, hatid-sundo na kita."
OMG. "P-Pero.." Syempre nakakahiya din. May pasok din siya. Ayokong maabala siya.
"Walang pero-pero. Here nagdala ako ng fruits. Anong masakit sa'yo?"
WAA! Bakit masyado syang maasikaso? "Ulo lang masakit sa'kin. Mawawala din 'to."
Katulong na naman 'yan.
"Oh, ako na ang titingin kung sino." Sabi ni Ace saka tumayo. He opens the door at napansin ko ang pagdilim ng awra nya. Hala? Bakit kaya?
"Ace!?"
"Adrian!?"
S-Si Adrian ang kumatok? At..at...WAAA! Bakit magkakilala sila?