Janna POV
"Ace!?"
"Adrian!?"
Bakit sila magkakilala? Napalunok tuloy ako. Hala, hala. Wala pa talagang alam si Adrian about kay Ace--na fiance ko siya.
"Janna, are you okay?" Tanong agad ni Ace. Napansin niya sigurong kakaiba na ang timpla ng mukha ko.
Naman! Parang 'di ko na mapanindigan ang pag-acting ko dahil mas nangingibabaw ang kaba ko ngayon.
"A-Ah, I'm okay. Hm, m-magkakilala kayo?" Tanong ko.
Napansin kong seryoso ang tingin ni Adrian. Malamang nagtataka siya kung bakit narito si Ace.
"Yeah. Matagal na kaming magkakilala. Si Kyle Shin-Woo ang dahilan kaya kilala ko si Adrian."
Ganito ba talaga ka-liit ang mundo? "Adrian, brad. Bakit ka nga pala na'ndito? Magka-anu-ano kayo?"
Dug, dug..
Dug, dug..
Anong sasabihin ko? Magka-anu-ano kami ni Adrian? Waaaa!
"Nanliligaw ako kay Janna. Ikaw Ace, kelan pa kayo nagkakilala ni Janna? Magka-anu-ano kayo?" Sabi ni Adrian.
Muntik ng malaglag ang panga ko. Waaa! Si Ace, nag-iba yung expression ng mukha. Sumeryoso siya. Yaaa! Paano na'to.
"Really? So nanliligaw ka pala kay Janna. She's my fiance. Ayoko sana brad na yung fiance ko, may nanliligaw pang iba."
Oh my god. Iba na yung aura. As in nakaka-amoy ako ng away. "A-Ah, Adrian si Ace nga pala fiance ko. Last week pa. Ace, si Adrian matagal ko na syang kaibigan. Close friend." Singit ko.
"Fiance ka pala? Ge brad. Pero wala namang masama kung ligawan ko si Janna dahil nagpapaligaw naman siya sa'kin. As long as hindi ako pinagtatabuyan ni Janna, hindi ako titigil. Kahit pa, fiance ka niya."
"Kaibigan ka ni Kyle Shin-Woo kaya hanggang sa mga oras na'to, wala ka pang bangas sa mukha mo. Wag mong hintayong 'di ko mapigilan ang sarili kong masuntok ka. Mahirap bang intindihin na fiance ko na siya? Bakit ka pa manliligaw? What is mine, is mine."
Hindi nila ako pinapansin. Ano ba 'yan. Si Ace nakakatakot. Si Adrian, halatang nagtitimpi na lang din.
"Ace, Adrian.." Tawag ko sa kanila pero 'di sila tumingin.
"Alam ba ni Janna ang buong pagkatao mo kaya mukhang kaya mo akong suntukin sa harap niya?"
Pagkatao? Ni Ace? Anong meron? Di ko sila ma-gets.
"Not yet. Pero malalaman na din niya. Ano bang pakialam mo?"
"Matanggap ka pa kaya ni Janna kapag nalaman niya ang buong pagkatao mo? Baka hindi mo alam, si Janna ang klase ng tao na napakabait. Ayaw niyang nakakasakit siya. Kakaibang babae siya. At alam na alam kong hindi siya bagay sa isag tulad mo, Ace Xander Jung."
Lalong nag-iba yung aura. Si Ace..anong meron sa kaniya? Anong pagkatao ang sinasabi ni Adrian?
"Oh talaga? Sino ka para sabihing hindi ako bagay kay Janna? Ikaw brad. Wag mong sabihing bagay ka kay Janna? I don't think so. Ang pagkakaalam ko, madly in love ka sa asawa ni Kyle Shin-Woo."
Si Chelsea yung binabanggit niya. Madly in love? Alam ko naman 'yun. Hanggang ngayon ba may nararamdaman pa din si Adrian kay Chelsea?
"You made me laugh brad. Kinasal na sila at hindi ako tanga para magpaka-martyr pa sa babaeng alam kong iba ang mahal. Isa pa, matagal na 'yun. Si Janna, nararamdaman kong mahal niya ako, kaya nga nililigawan ko siya. Dahil mahal ko din siya."
Dug, dug..
Dug, dug..
Si Ace, hala. Yung itsura niya malapit ng manuntok. Hindi man nila ako pinapansin. Anong gagawin ko?
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo Buenavista. Ang mahalaga, sa akin si Janna. Fiance ko siya kaya ako lang ang may karapatan sa kanya. Kilala mo ako. Ayoko sa lahat, may kahati."
"Hindi ako nakikihati dahil buong-buo kong gusto si Janna. Akin siya. Fiance kalang. Ngayon kalang nakilala ni Janna kaya wag kang mag-assume na may nararamdaman sya sa'yo."
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo Buenavista. Ano bang gusto mo ha? Sabihin mo lang kung naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan."
Sakit ng katawan? Bubugbugin ba siya ni Ace? Waaaa! What to do? Paano ko ba sila patitigilin?
"Sa tingin mo ba natatakot ako sayo Jung? Tch. Wag kang masyadong magmayabang."
Tama na'to. Kelangan ko na silang pigilan. Hindi maganda ang ganito.
"Ace, Adrian..p-pwede bang umalis na kayong dalawa? H-Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko." Pag-acting ko. Hindi na'ko halos makahinga sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko ang sikip sikip ng mundo kapag kasama ko sila pareho.
Sabay silang lumapit sakin. Ano ba 'yan. Lalo pang sumikip ang mundo.
"Are you okay?"
"Are you okay?"
Sabay pa silang dalawa. Wala nako magawa this time. Kailangan ko silang tarayan. "L-Leave me alone please. I want to take a rest."
"Babantayan kita."
"Ako na bahalaga mag-alaga sa'yo."
"I want to be alone. Please." Sabi ko.
Alam kong 'di sila titigil hangga't di ako nagtataray. Hindi ko na din kasi alam kung paano sila patitigilin. Ayokong hintayin pa na magsuntukan sila dito sa harap ko.
"Okay. Aalis na ako. I'll call you later. Take a rest." Sabi ni Ace saka nauna ng lumabas.
"Aalis na'ko. Magpahinga kang mabuti." Sabi naman ni Adrian saka lumabas na.
Nakahinga ako ng maluwag. Biglang sumakit ang ulo ko sa dalawang 'yun. Ano ng gagawin ko? Fiance ko si Ace. Mahal ko si Adrian.
Ayaw ni Ace ng may kahati. Ayaw ni Adrian kay Ace.
May hindi pa ako alam sa pagkatao ni Ace. May hindi pa ako alam sa totoong nararamdaman ni Adrian sa'kin.
What the hell! Ang sakit sa ulo. Bakit nila 'ko pinahihirapan?
"Maam Janna! Maam Janna!"
Napabalikwas ako. Bumangon ako saka binuksan ang pinto.
"Nag-susuntukan po sa may garage yung dalawang bisita nyo!"
"ANO!?"
Tumakbo ako pababa sa garage at naabutan ko nga silang nagsusuntukan.
"Stop it! Adrian, Ace!"
Hindi nila ako naririnig sa sobrang galit sa itsura nila. Si Ace may dugo na sa labi pati si Adrian.
No choice. Tumakbo ako sa gitna nila at umawat. "SINABI NG TAMA NA! Ano bang problema nyong dalawa ha? Kailangan nyo pang magsuntukan dito mismo! Akala nyo ba natutuwa ako sa ginagawa nyo!? The hell! Kung gusto nyong magsuntukan, umalis kayo dito. Wag kayong magpakita sakin!"
Hindi ko na mapigilan ang temper ko. Mabait ako pero once na magalit ako, wala akong sinasanto.
"Janna."
"Janna."
"Umalis na kayo!" Sigaw ko. Galit ako. Alam ko may mali ako. Pero wala silang karapatang umakto ng ganito sa loob ng pamamahay ko.
"So--"
"Umalis na kayo!" Sigaw ko ulit.
Tumalima naman silang dalawa. Pareho silang nagsakayan sa kanya-kanyang kotse nilang nakaparada dito sa garage.
Minsan lang ako magalit at diko akalaing sa dalawang tao pa.
Kay Ace, nauna na si Adrian. Naliligaw na siya bago ko pa siya naging fiance.
Kay Adrian, fiance ko si Ace. Hindi dapat sya ganon.
Sa sarili ko? What will I do? Hay. It's hard. Ayoko ng ganitong sitwasyon. 'Pag ako nainis, wala akong pipiliin sa kanilang dalawa! Aish.