17

1318 Words
Adrian POV Badtrip na badtrip dahil sa tang*nang Ace na 'yun. Masyadong ma-papel porke fiance siya. At bakit ba siya naging fiance ni Janna? Siya pa? Siya pang gangster na wala yatang patutunguhan ang buhay. Tch. Kilala ko si Ace Xander Jung dahil aware ako sa grupo ng gangster na XBang. Dahil kay Kyle kaya ko sila nakilala. Si Kyle, hindi siya miyembro nun. Tinuturing lang siyang mataas dahil sa utang na loob ng leader nila kay Kyle. Kaya ang tawag nila kay Kyle ay XSupremo. Pero hindi ibig sabihin nun, member na din si Kyle. Hindi siya member. Tapos. Si Lance, naging member siya ng XBang nong mga panahong hindi pa niya nakikilala si Yumiko. Matagal na 'yun. Highschool palang kami, hilig na talaga makipag-away si Lance kaya nga 'di na na nakakapagtaka kung bakit ganun ang ugali niya ngayon. Ugaling gangster. Buti nga tumiwalag na siya. Nalaman kasi ng Papa niya kaya itinigil na niya. Pero sa pagkakaalam ko, close pa rin niya ang mga 'yun. Damn it. Sa dinami-daming karibal, si Ace pa. Tch. Hindi siya fair lumaban. Baka mamaya tirahin akong patalikod. Tch. Alam ba ni Janna na gangster 'yung gagong Ace na 'yun? Nakarating na ako dito sa SWU. Sa court. Andito tigers eh. Nagpa-practice. Sa halip na nadalaw ko ng maayos si Janna dahil may sakit siya, nagalit pa tuloy sa'kin. Samin pala. Kanina ko lang nakitang ganon kagalit si Janna maliban dun sa nung inaway niya si Lance dahil sa nangyari kay Yumiko. Langya kasing gagong Ace na 'yun hinamon ako ng suntukan. Papatalo ba ako? "Badtrip brad?" Salubong sa'kin ni Oliver. "Medyo." Sagot ko saka naupo muna sa isa sa bleacher. "Sino namang naka-away mo brad?" Tanong ni Kit. "Isa sa myembro ng XBang." Mga itsura nila. Naglalakihan ang mga mata. Sabagay. Kilala kasi ang XBang na kinatatakutan ng lahat dahil pumapatay talaga sila ng tao. Wala silang puso at lalong wala silang awa. "Sa dami ng makakaaway mo, bakit isa pa sa XBang?" Tanong ni Luke. "Damn it! Fiance siya ni Janna! Fvck." Mga mata nila, naglalakihan na naman. "Fvck brad. Kung ako sa'yo, leave Janna alone. Hayaan mo na siya." Sabi ni Ken. "Gago ka ba? Hindi ako weak para isuko si Janna dahil lang sa lintik na gangster na 'yun." Sabi ko. Ano 'yun? Dahil lang gangster ang karibal ko, titigil na ako? Fvck never! "Pero brad baka naman mapahamak ka. Para namang 'di mo kilala ang XBang. Baka kung anong gawin s'yo ng mga 'yun." Tiningnan ko ng masama si Ken. "Sa tingin mo natatakot ako sa kanila? Tch. Gangster sila, oo. Kaya nilang pumatay, oo. Kinatatakutan sila, oo. Pero AKO! Di ako natatakot sa kanila. Kahit pa makipagpatayan ako sa kanila, wala akong pakialam. Seryoso ako kay Janna. Mahal ko siya kaya paglalaban ko siya. Hindi ako weak para basta basta nalang siyang isuko. Tch." "Sige brad. Matapang ka naman eh." Sabi ni Kit. "Buti sana kung one on one lang kayo. Pa'no kung magsumbong 'yun sa mga ka-grupo niya? Edi patay na. Hindi mo sila kakayanin Adrian." Sabi ni Oliver. "Ang tunay na lalaki, lumalaban mag-isa. Hindi 'yung maghahanap ng kakampi." "Nakanang! Ikaw na Adrian." Sabi ni Luke. "Shut the fvck up." Pagsusungit ko. Totoo naman. Lalaki sa lalaki ang dapat na laban. Hindi 'yung ano? Magsusumbong sya? Hahakot siya ng kakampi nya? Kaduwagan na 'yun. Gago lang siya 'pag tinira niya ako kasama ang ka-grupo niya. "Sabagay kaya na 'yan ni Adrian. Pero kung kailangan mo naman ng tulong. Andyan ang mala-demonyong mga ugali na sina Kyle at Lance. Masahol pa sa gangster magalit ang mga 'yun eh. Hahaha." Biro ni Ken. Wala silang kaalam-alam na konektado si Kyle sa XBang. Si Oliver lang yata ang nakakaalam. Tch. "Magpractice na kay---" "Mr. Buenavista may naghahanap po sa inyo sa labas ng SWU gate." Sabi nung guard. "Oh brad baka mga gangster na 'yan. Samahan na kita." Sabi ni Luke. Tumayo ako. "Bahala ka." Sabi ko saka lumabas na. Kasunod ko si Luke. Paglabas namin ng SWU gate, nakita ko agad si Ace na nakatayo at nakasandal sa kotse niya. "Problema mo?" Tanong ko agad. Si Luke katabi ko lang. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na wag mong sasabihin kay Janna na gangster ako. Ako ang magsasabi sa kaniya." Walang emosyong sabi niya. Tch. Takot pala 'to eh. "Wala akong pakialam sa ganyan. Isa pa, hindi ako sumbungero." "Pinapaalalahanan lang kita. Tch. Wag lang masyadong maangas. Ayoko pa naman sa lahat ng tao, ina-angasan ako." Gago pala 'to eh. Ayaw niyang inaangasan siya. Gusto nya siya ang mang-a-angas? Fvck. "Wag kang masyadong mayabang brad." Sabi ni Luke kay Ace. "Sino ka naman? Wala akong pakialam sa'yo kaya wag kang makisali sa usapan ng may usapan. Naghahanap ka ba ng sakit ng katawan?" Seryosong sabi ni Ace. "Hindi naman po papalag." Sagot ni Luke. "Una na'ko Adrian. May practice pa kami." Tang*nang Luke yun. Tumakbo na papasok sa SWU. Duwag talaga. Tch. "Yun lang ang pinunta ko dito Buenavista." Sabi nya saka sumakay na ng kotse. Nakatingin lang ako hanggang sa paandarin na niya ang makina ng kotse niya. "One more thing Buenavista. Wag na wag ka ng lalapit pa kay Janna. She's mine." Sabi niya saka pinaharurot ang kotse. Gagong 'yun. Binalaan pa'ko. Pa-she's mine, she's mine pang nalalaman. Tch. Fvck you with feelings Ace Xander Jung. -- Ace POV Fvck that man. Kating-kati na ang kamay ko na bugbugin siya. Gago ba siya para magma-angas sa'kin? Nakarating na ako sa secret hide-out ng XBang. Sa malaking mansyon ni XKing. Si XKing ang leader namin. Madalas kaming nag-stay dito. Lalo na't dito kami nag-uusap-usap. Minsan kapag may titirahin na kami, sa lumang building namin dinadala. Dun namin binubugbog hanggang malagutan ng hininga. "Yow! Mukhang mainit ang dugo mo Ace." Salubong sakin ni Zaine. "Tch." Nilampasan ko lang siya. Dumiretso ako sa living room kung saan naroon sila. Nanonood ng mga movie na thrill at p*****n. Libangan na namin 'yan. Si Xking busy sa pakikipaglaro sa alaga niyang tarantula. Nakasandal lang sya sa couch at nilalaro ang tarantula sa kamay niya. Damn it. Isang kagat lang sa'yo niyan, maaari kang malason at mamatay. Ganyan katapang si XKing. "Problem?" Tanong ni XKing nang maupo ako sa couch. Inabutan pa ako ng beer ni Shawn. "Fvck that Buenavista." Sabi ko. "Buenavista?" "Adrian Buenavista. Bestfriend ni XSupremo." Sagot ko. Nandito kasi ang katotohanang 'di ko pwedeng patayin si Buenavista kahit gusto ko. Pasalamat siya kaibigan siya ni XSupremo. "Alam mo ang limitation mo Jung." Sabi ni XKing. Ang sinasabi niya ay 'yung tungkol kay Buenavista. Limitation, means 'yung mga 'di namin pwedeng tirahin. Tang*na lang. "Oo alam ko XKing. Saka patas akong lalaban sa kaniya." Sabi ko. "Ano bang napag-awayan nyo?" Tanong ni Seth. "My fiance. Fvck. He's inlove with my fiance." "HAHAHAHAHA!" Tang*nang mga gago. Tinawanan pa ako. Donampot ko ang caliber 45 na nasa mesa at ikinasa 'yun. Tahimik sila. "Easy brad." Sabi ni Shawn. "In love ka na ba sa fiance mo Ace?" Tanong ni Xking. Tumango ako. "I'm inlove with her. Kaya nga kating-kati ang kamay kong patayin ang mga lalaking umaaligid sa kaniya. Including Buenavista." "Tara inom tayo! Pakalasing tayo! Inlove na si Ace!" Gagong Zaine 'to ah. "Kapag kayo na-inlove, malalaman nyo din gago!" Sigaw ko. "Masyado kang high blood bro." Sabi ni Kieffer at inabutan pa ako ng beer. Naubos ko na yung bigay ni Shawn eh. "Tch. Manahimik kasi kayo. Tingnan ko lang 'pag kayo ang tinamaan ni kupido." Sabi ko. "Fvck men! Sinong kupido yan! Ang bakla mo Ace. Wag ganyan. Tch! Para kang 'di gangster." Sabi ni Shawn. "Tch." Sumandal nalang ako sa couch at minasahe ang sentido ko. Wala eh. In love ako kay Janna Ruiz. Gagawin ko lahat, ma-inlove lang din siya sa'kin. Tutal kahit naman anong mangyari, sa'kin at sa'kin siya babagsak dahil fiance ko siya. Wala ng pag-asa ang iba. Lalo na si Buenavista.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD