Janna POV
I'm on my way to my condo para kumustahin do'n si Yumiko. Baka 'di na naman nya kinain yung iniwan kong pagkain.
Hindi ko pa rin alam kung ano ba yung pinag-awayan nila ni Lance pero sigurado akong mabigat yun dahil nga ganyan, galit na galit si Lance kay Yumiko eh.
Ilang minuto lang ay nakarating din ako. Sumakay ako ng elevator. Nga pala, katabing unit ko yung kay Adrian. Ito yung condo na dati ko pa binili. Matagal na. Nung una palang namin naka-close si Chelsea. Nung niregaluhan sya ni Adrian ng unit dito, bumili din ako.
So hanggang ngayon, andito pa din sina James at Adrian sa building na'to. Yung unit lang nina Kyle at Chelsea ang nabakante kasi dun na nakatira sa Shin-Woo Masion.
Pinindot ko na yung passcode ng pinto ng unit ko. "Yumi.." Tawag ko.
Check ko sya sa kwarto. Siguradong andun yun. Do'n naman sya lagi nagmumukmok.
Pagbukas ko ng pinto..
Napatakbo ako kay Yumiko. Nakahiga sya sa sahig. Walang malay at..
Ang daming dugo sa bandang paanan nya. Bakit? Waaa. "Yumi! Yumi!"
Hindi ko sya kayang buhatin. Tumakbo ako pababa at lumabas ng unit ko. "Adrian!" Sigaw ko sa unit ni Adrian tapos lipat kay James. "James! Tulong!" Sigaw ko.
Nanginginig at naiiyak na'ko. Anong nangyari kay Yumi? Wala akong idea.
"Oh Janna bakit?" Si James lumabas ng unit nya.
"S-Si, si Yumi.." Nanginginig ako dahilan para 'di ko matuloy sasabihin ko. Mukhang gets naman ni James kaya tumakbo sya papasok ng unit ko. Sumunod ako. Kasalanan ko. Dapat diko sya hinayaang mag-isa dito sa condo ko.
"YUMI!? FVCK!" Sigaw ni James saka binuhat si Yumi. "Janna ihanda mo kotse. Ikaw magdrive. Bubuhatin ko si Yumiko pababa." Tarantang sabi ni James. Kahit ako natataranta pero nilakasan ko loob ko. Nanghihina tuhod ko.
Mabilis kaming nakarating dito sa park.
"Ako na magda-drive." Inagaw ni James sakin susi saka sumakay nako sa likod kasama si Yumi.
Pinaharurot ni James yung kotse. Hinawakan ko yung kamay ni Yumi, sa may pulso. Sh*t. Thank God may pulso pa sya. Natatakot ako. Ano ba talagang nangyari sa kanya. Ba't ang daming dugo. Wala naman syang sugat eh.
Maya maya ay nasa ospital na kami. Nanginginig pa din ako hanggang sa isinakay na si Yumi sa stretcher at isinugod sa emergency room. Nakasunod lang kami ni James.
"Anong nangyari?" Tanong ni James. Nakaupo kami dito sa labas ng emergency room.
Naiiyak na'ko sa takot. "H-hindi ko alam James. Pag-uwi ko ng condo, nakita ko nalang syang ganon sa kwarto. Ba..bakit ang dami nyang dugo.."
"Buntis si Yumi."
"What?"
"Yun yung confidential na problema nila ni Lance. Nag-away sila dahil iniisip ni Lance na si Enrique ang ama ng dinadala ni Yumi."
SH*T. "Inisip ni Lance yun!? Hindi nya isinaalang-alang ang kalagayan ni Yumiko? Halos magpakamatay na si Yumi dahil sa kanya James! Wala syang ginawa kundi umiyak at magkulong sa kwarto! James.." Naiyak na'ko ng tuluyan. Ngayong alam ko ng buntis pala si Yumi, natatakot ako sa maaaring mangyari. Hindi lang kay Yumiko kundi lalo na sa dinadala nya.
"Kakauwi ko lang sa condo ko kanina nung sumigaw ka. Tang*na. Dapat pinuntahan ko agad si Yumi."
"W-Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi naman natin alam na mangyayari 'to. Kahit ako, kung alam ko lang na buntis siya, hindi ko siya iiwang mag-isa dun sa unit ko. Sh*t!" Naiyak nako lalo.
Nabalot ng katahimikan sa buong corridor. Tahimik akong umiiyak habang hinihintay ang doctor. Si James tahimik lang din. Mukhang wala syang balak tawagan ang kahit sino para ipaalam ang nangyari kay Yumi.
Sabay kaming napatayo ni James nang lumabas ang doctor sa emergency room.
"Doc kumusta ang pasyente." Tanong agad ni James. Kitang-kita sa kanya ang pag-aalala.
"Ikinalulungkot kong sabihin pero kritikal ang lagay ng pasyente. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya. Mabuti nga at naisugo nyo sya dahil kung ilang minuto pa ang lumipas, maaaring mas kritikal pa ang mangyari sa kanya.."
"S-Sa baby nya po. Buntis sya doc." Sabi ni James na nanginginig na.
"Mas ikinalulungkot kong sabihin pero, nawala na ang bata sa sinapupunan nya. Nakunan sya dahil sa sobrang depresyon, gutom at pagod. Mamaya ay ililipat na sa kwarto ang pasyente. Paumanhin." Sabi ng doctor. Tinapik nya sa balikat si James bago umalis.
Pareho kami ni James na natulala sa nalaman. Nakunan si Yumiko? Kritikal ang lagay ni Yumiko?
Naiyak lalo ako. Damn it! Kaibigan ko si Yumiko. Naging malapit na sya sa'kin kaya apektado ako. Ako ang nakasaksi ng sakit na dinanas nya dahil kay Lance, sa condo ko.. Sa condo ko dun ko nasaksihan kung paano ipagtabuyan ni Lance si Yumiko.
Damn him. Alam kong wala akong karapatan pero bigla akong nakaramdam ng malaking galit kay Lance. Sya ang may kasalanan nito. Sya lang! Sh*t.
"I need to call him." Sabi ni James na tumutulo pa ang luha. Alam kong higit sa lahat, isa sya sa pinaka-apektado dahil malapit sya kay Yumiko.
"Pero.."
"Kahit gusto ko syang patayin sa suntok ngayon, kailangan nya 'tong malaman. Kailangan nyang malaman ang katarantaduhang ginawa nya." Galit na sabi ni James saka nag-dial ng number sa phone nya.
"Sabihin mo kay Lance, kung may halaga pa sa kanya si Yumiko, pumunta sya dito sa ospital. Itetext ko sayo ang adress."
Narinig kong sabi ni James sa kabilang linya. Isa siguro sa tigers yung kausap nya.
--
Ilang minuto lang ang lumipas, nailipat na sa kwarto si Yumi. Ang daming aparatong nakakabit sa kanya. Naaawa ako sa lagay nya.
Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Yumi 'pag nalaman nyang wala na ang baby nya. Naaawa ako..
"Sshh.." Kanina pa'ko inaalo ni James pero wala 'di ko kaya. Si Chelsea, di talaga namin sya sinabihan sa nangyari dahil buntis sya, baka makasama pa sa kanya.
Nakarinig ako ng malakas na pagkalabog.
"YUMIKO!?"
Si Lance hangos na hangos na pumasok dito sa kwarto. Kasunod ang tigers kasaa si Adrian. Wala sa sariling tumayo ako at humarang sa dadaanan nya papalapit sa kama kung saan nakahiga si Yumi.
Isang malutong na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Lahat sila tahimik. Nanlilisik ang mata kong nakatingin kay Lance. "Anong karapatan mong saktan ng ganito si Yumi? Ha?" Umiiyak na sigaw ko. Alam ko si James, nagpipigil nalang.
Lumapit sakin si Adrian. Hinawakan nya ako dahil sinusuntok suntok ko na si Lance sa dibdib nya. "Wala kang kwenta Lance! Hindi ka deserving para kay Yumi. Damn you Lance Abellano! Napakabait ni Yumi para maranasan nya 'to! Alam ko na lahat Lance! Alam ko na ang pinag-awayan nyo! Damn you. Ang tanga-tanga mo para isipin na hindi ikaw ang ama ng pinagbubuntis nya! Ang tanga-tanga mo!"
"Janna tama na yan.." Pigil ni Adrian.
"Ano Lance? Sabihin mo nga, kung talagang mahal mo si Yumiko maniniwala ka sa kanya! Pero ano? Anong pinairal mo!? Kailangan pa bang may sanggol na madamay dito bago ka matauhan ha? Wala na Lance! Wala na ang baby nyo ni Yumiko! Wala na! Nakunan sya at si Yumiko? Kritikal ang lagay nya. Yun ay dahil sayo!" Sigaw ko. Nakita kong nanlaki ang mata ni Lance. Expected ko ng magugulat sya sa malalaman nya. Pero wala nakong paki. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya kay Yumi.
"Janna.."
"Sabihin mong nagbibiro ka lang.." Sa wakas ay nagsalita si Lance. Wala na'kong lakas para magsalita. Iyak na'ko ng iyak.
Huminga ako ng malalim saka muling nagsalita. "Sa tingin mo magagawa ko pang magbiro? Damn you Lance! Bakit ba kayong mga lalaki napaka-insensitive nyo!? Hindi nyo iniisip ang nararamdaman ng mga babae! Wala kayong kwenta!"
This time niyakap na'ko ni Adrian. Hinayaan ko nalang kahit sa totoo, galit din ako sa kanya dahil sa pagiging insenstive nya.
Lahat kami nagulat ng sa isang iglap, nasa sahig na si Lance. Sinuntok sya ni James. Hinawakan agad nina Luke at Jerome si James. "Gago ka Lance! Kahit kapatid kita, hindi ko ito-tolerate ang ginawa mo! Dahil sa ginawa mo? Dahil sa hindi mo pagtitiwala kay Yumiko nangyari ito! Alam mo ba bakit sya nakunan? Dahil sa depression, gutom at pagod! Pagod na kakaiyak sayo! Gago ka! At ngayon? Kritikal ang lagay nya! At dahil din yun sayo! Kelan ka ba magbabago ha Bro? Kelan!? Palagi mo nalang sinasaktan si Yumiko! Fvck you! Kaya hindi na'ko magtataka kung sa paggising ni Yumi, hindi ka na nya hanapin pa at kailanganin." Makahulugang sabi ni James saka lumabas ng kwarto. Sinundan sya ng ilan sa tigers.
"B-Babe.. Fvck! Sh*t! Tang-ina!" Sigaw ni Lance habang umiiyak. Nasa gilid sya ng kama ni Yumiko. Sinuntok pa nya ang pader. "Damn it! Fvck!"
"Ihahatid na kita Janna. Magpahinga ka muna. Ang tigers na ang bahala munang magbantay dito. At sigurado din naman akong hindi aalis si Lance dito."
"I can manage." Sagot ko saka tuluyan ng umalis ng ospital na yun. Nandito nako sa kotse ko.
Naaalala ko nung yakap ako ni Adrian kanina. Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko. Mahal ko talaga sya pero tulad ni Lance, napaka-insensitive nya para hindi 'to maramdaman.
Sa tingin ko nga, kelangan kong magpahinga. Masyadong maraming nangyari. Bukod sa inis na inis ako kay Adrian dahil kay Shaina, galit na galit naman ako kay Lance dahil sa ginawa nya.
Tulad ng sabi ni James, hindi na din ako magtataka kung sa oras na malaman ni Yumi na nakunan sya, kamumuhian nya si Lance.
Sa pagmamahal ko kay Adrian? Sa tingin ko, kailangan ko muna 'tong unti'unting kalimutan. Nakakapagod ding magmahal ng mga lalaking insensitive.
Hay.