3

1594 Words
Janna POV Natapos na kaming kumain. Grabe. Di ako maka-react. Na-OP ako sa kanilang dalawa. Ang dami nilang pinagku-kwentuhan tapos ako taga-tango lang at taga-tawa. Psh. Sarap batukan si Adrian eh. Yayain ba'ko ng DATE tapos dalawa kami? Baliw. Psh. Nakakainis. Excited pa man din ako kanina. Aish. "Restroom lang ako sandali." Paalam ni Adrian saka tumayo na at pumunta sa restroom. Napatingin ako kay Shaina na ngayon ay nag-iba ang tingin sa'kin. Nakataas na ang isang kilay. Problema ng babaeng 'to? Diba dapat ako ang magtaas ng isa kong kilay dahil date dapat namin 'to ni Adrian. Pero ano? Andito sya, panira. Aish. "Friends lang ba talaga kayo ni Adrian?" Mataray na tanong nya sa'kin. Teka nga, kanina ang bait bait tapos ngayon tatarayan ako? Baka 'di nya ala$, kaya ko ding magtaray. Psh. "Yeah." Sagot ko. "Oh really? Kung titingnan kasi kita, pakiramdam ko may romantic feelings ka for Adrian." Sabi nya. "It's up to you kung anong iisipin mo." Sagot ko. "Oh I see. Isa lang masasabi ko, I don't think na babagay ka kay Adrian. Masyado syang gwapo para sayo." Anong sabi nya? Pigilan nyo 'ko. Sasabunutan ko na 'tong babae na'to. "Oh? Really? Okay. If that's what you think. Tingin ko din kung ikaw? Mas lalong hindi bagay sa kanya." Tumawa pa'ko pagkasabi nyan. Akala nya diko sya papatulan? Pagkatapos nya akong insultuhin? Sino sya para sabihing hindi ako nababagay kay Adrian? "What!?" "Kung titingnan ko rin kasi, parang may romantic feelings ka rin toward Adrian." Mataray na sabi ko. Akala nya 'di ko napapansin? Childhood friend, pwe! Halata namang may gusto sya kay Adrian. Impostora! Sasagot pa sana sya pero dumating na si Adrian. "Mukhang seryoso pinag-uusapan nyo ah. Okay yan. Mukhang nagkakasundo kayo." Nakangiting sabi ni Adrian. Magkakasundo! Seriously? Hindi nalang ako nagsalita. Sira na ang ataw ko dahil sa Shaina na yan. Psh. Akala mo kung sinong anghel 'pag kaharap si Adrian, may pagka-demonyita din naman. "So let's go girls? Pasyal tayo?" Yaya ni Adrian. Pekyu ka Adrian. Sarap mo ipakain sa langgam. Nakakainis ka. Ano ka two timer? Makikipag-date sa dalawang babae? Unbelievable. Kahit pa sabihing kaibigan nya lang yan, naiinis pa din ako. Lalo na ngayon na mainit ang dugo ko sa babaeng yan. "Ah, Adrian kayo nalang. May pupuntahan pa kasi ako." Sabi ko. Syempre nagsisinungaling lang ako. Ayoko ngang sumama sa kanila. Aish. Baka diko na mapigilan ang sarili ko at masabunutan ko pa si Shaina. Parang gusto ko tuloy magmura eh. Yung isisigaw ko na mura ganito, PU-SHA-INA! Gets nyo? Yan ang new version ng pagmumura 'pag itong babae na'to ang mumurahin. Hay. "Sure ka Janna? Sayang naman.." Sabi ni Adrian. Sayang? Eh na-o-OP lang din naman ako sa kanila eh. "Oo. By the way, thank you sa lunch. Enjoy kayo sa pagpasyal." Sabi ko tapos tumingin ako sa mahaderang babae at ngumiti ako ng pagkaganda-ganda. "Nice meeting you Shaina." Go to hell.. "O sige Janna. Hindi na kita mahahatid.." Sai ni Adrian. "It's fine with me. Pwede naman akong mag-taxi." Sabi ko. Pagkatapos akong sunduin sa bahay, uuwi syang ibang babae ang kasama? What the hell. Aish. Hirap talagang magmahal ng patago. Kainis! "So, let's go? Sabay-sabay na tayong lumabas." Sabi ni Adrian. Naglakad na kami palabas ng restaurant at nang makarating dito sa labas ay nagsalit na ulit ako. "Paano, una na'ko." Sabi ko. Tumingin pako kay Shaina na nakasimangot. Hmp! Hampasin kaya kita ng bag ko. Psh. Nakakapagtaray ako ng wala sa oras eh. "Ingat ka Janna. I'll call you later." Sabi ni Adrian. "Take care." Plastik na sabi ni Shaina. Ngumiti ako sa kanila. "Okay. Bye." Umalis na'ko sa harap nila pagkasabi nyon. Wala na! Sira na talaga ang araw ko! Arrrgh! PU-SHA-INA!! -- Dahil wala naman talaga akong gagawin, dumiretso nalang ako sa Shin-Woo Mansion. Dadalawin ko ang bestfriend ko, si Chelsea Torres na soon-to-be Mrs. Shin-Woo. Dito na kasi sya nakatira sa mansyon ng fiance nya. And guess what? She's pregnant. Kaya ang saya ko for my bedtfriend. "Miss Janna sandali lang po, tatawagin ko lang po si Miss Chelsea." Sabi nung katulong. Naupo nako dito sa salas. Ilang beses palang ako nakakapunta dito eh. "BESSSSTTTT!!!" Nakakagulat naman ang sigaw ni Chelsea. Baliw talaga yan. "Aish. Wag ka ngang sumigaw. Baka nakakalimutan mo buntis ka best." Paalala ko. Maka-sigaw eh. Yumakap agad sya sa'kin paglapit nya dito sa salas. "I miss you best." Sabi nya. "I miss you too. So kumusta ang pagbubuntis?" Tanong ko. Sabay kaming umupo sa couch. "Okay naman. Nagsusuka pag umaga. Naglilihi syempre." Pilosopo pa din. "I know. Natural na maglihi ka, buntis ka eh. Aish. How's the preparation for your wedding?" Tanong ko. Malapit na kasi silang ikasal. Parang ang alam ko one month nalang ikakasal na sila ni Kyle Shin-Woo. Ang anak ng may-ari ng pinapasukan naming school, ang SWU. One more thing, matalik na kaibigan ni Adrian ang mapapangasawa ni Chelsea. "Okay naman. Oo nga pala, tamang-tama. Ipagpapaalam ko lang sana sa'yo na ikaw ang gagawin kong maid of honor. Alam mo na, bestfriend kita at ikaw ang pinakamalapit sa'kin." Sabagay wala nga palang family si Chelsea. Pero teka. "Bakit hindi si Mandy? Diba half-sister mo sya?" May half-sister kasi sya. Ang galing nga ng destiny kasi yung half-sister nya dati nyang karibal kay Kyle. "Eh brides maid nalang sya kasi mas close kita eh." Sabi nya. "Sige na nga." Sagot ko. "Yehey! Bale partner mo si Adrian ha? Okay. Bagay na bagay kay--" "Wait." Putol ko sa sinabi nya. Si Adrian ang partner ko? Hindi. Ayoko. Naiinis ako sa lalaking yun. "Best okay na sa'kin ang bride's maid. Si Mandy nalang ang maid of honor." Sabi ko. Hindi ako bitter. Ayoko lang talaga dahil inis ako kay Adrian. Ayoko nga sya maka-partner. "Pero bakit.." Ayoko namang sabihing dahil kay Adrian. Ayokong i-kwento kay best yung nangyari. Buntis sya at ayokong may iisipin sya. "Wala. Sa tingin ko lang, mas dapat na si Mandy yung maid of honor." "Edi ang magiging partner mo na ay si James?" Tanong nya. Okay na yun. Kesa naman sa Adrian na yun. "Okay lang yun best. Sa kasal lang naman yun." Palusot ko. "Okay. If you say so. Ayoko namang pilitin ka kung ayaw mo. Hm, musta na kayo ni Adrian?" Tanong nya. Sa dami ng pwedeng itanong, yun pa. Psh. "Okay lang. He-he." Sabi ko. "Hindi pa ba kayo magpapakasal?" "Best naman. Ni hindi nga kami tapos kasal pa?" Ano ba 'tong si Best. "Ah, akala ko kayo na. Kasi lage kayong magkasama." Sabi nya. "Ano kaba. Friendly hang-out lang yun. Pareho kasi kaming single." Natatawa kong sabi. Pero ngayon mukhang 'di na kami masyado magha-hang-out ni Adrian dahil sa Shaina na yun. Psh. Kainis talaga. "Baby ko." Napatunghay ako sa may hagdan. Andun si Kyle, pababa at palapit sa'min dito sa salas. Sya yung fiance ni Chelsea. "Gummy bear. Dinalaw ako ni Janna." Sabi ni Chelsea. Ang cute ng tawagan nila 'no? Gummy bear at baby ko. Pag ako nagka-boyfriend, gusto ko naman, marshmallows at nips. Haha. Ang kornin. Just kidding. "Buti andito ka Janna. Saktong-sakto. Pupunta ako sa tambayan. Nagwawala na naman si Lance." Sabi ni Kyle. Si Lance yung friend nila na fiance ng friend namin ni Chelsea na si Yumiko. Diba nga war yung mga yun. "Pupunta ka dun gummy bear?" Tanong ni Chelsea. "Baby ko kakasabi ko lang na pupunta nga ako. Tch. Common sense mo na naman." Hahaha. Nakakatawa talaga 'tong dalawa promise. Kung alam nyo lang yung pinagdaanan nila, grabe yung lovestory nila. Dinaig pa si romeo at juliet. LOL. "Psh. Oo na. Ingat gummy bear." Paalam ni Chelsea kay Kyle. Humalik si Kyle sa pisngi ni Chelsea saka tumingin sakin. "Pakisamahan muna ang asawa ko ha? Pasaway yan eh. Ge." Sabi nya saka umalis na. "Hindi naman kaya ako pasaway. Aish." Reklamo ni Chelsea na naka-pout pa. Haha. Para pa rin silang bata kahit ikakasal na. Pero sabagay bata pa naman talaga kami. College students palang kaya kami. Dumating yung katulong na may dalang tray na may juice at cake. Ipinatong yun sa center table. "Best kain ka. Wag ka na mahiya, panis na yan." "...pero syempre joke lang. Ha-ha!" Baliw talaga minsan yang si Chelsea. Aish. "Psh." "Nga pala best, musta si Yumiko?" Ano pa ba? "Nasa condo ko pa rin nagkukulong. Niyayaya ko lumabas pero ayaw sumama. Mas gusto nya daw mag-isa. Kaya nga kagabi, umuwi ako ng mansyon. Gusto ko din naman sya bigyan ng privacy." Sabi ko. Iniwanan ko naman sya dun ng foods. "Kawawa naman si Yumiko. Hindi pa natin ma-figured-out kung ano ba talaga yung problema nila ni Lance. Masyadong bato ang puso ni Lance para hindi pakinggan si Yumi." Malungkot na sabi ni Chelsea. "Oo nga eh. Parang 'di na sila nawalan ng problema. Pero aalamin ko pa din kung ano talagang pinag-awayan nila. Mamaya pag-uwi ko sa condo, kakausapin ko ng masinsinan si Yumiko sa ayaw at gusto nya. May karapatan tayong malaman dahil kaibigan nya tayo. Mas maganda yung may napagsasabihan sya kesa sarilinin lang nya." Paliwanag ko. "Oo nga. Hay buhay. I know maaayos din nila yun. Mahal na mahal nila ang isa't isa eh." Sabi ni Chelsea ayt naglagay na ng slice ng cake sa platito. Hay. How I wish not to have that kind of relationship. Yung ganong laging may away at problema? Baka diko yun kayanin. Mahirap yun. Si Chelsea, nakaya nyang harapin lahat ng pagsubok sa kanila ni Kyle. Si Yumiko naman, pilit na nagpapakatatag. Ako kaya? Ano kayang kaya kong gawin para sa pag ibig? We never know..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD