Chapter 5

1297 Words
DIVINE'S POV WARNING: Some scenes in this content are not suitable for minors. Proceed at your own risk. "You're late." Ano 'to sinalo na niya lahat? Bal*w, mukhang pera, tapos ngayon trespassing? Baka mamaya pumap*tay 'to ng tao. "Come here." He leaned back further on the couch and slightly spread his legs. Hindi pa rin ako umaalis sa kinakatayuan ko at tinignan siya ng masama. "Anong ginagawa mo rito-" "I said come here." He said with his husky voice. Hindi pa rin ako lumapit sa kanya at mas lalo siyang tinignan ng masama. "Pwede bang umalis ka na-" Natigilan ako at napapikit habang ang dalawa kong kamay ay nakatakip sa tenga ko nang nag paputok siya. Gulat akong nakatingin sa kanya habang nasa akin na 'yong tutok ng b*ril niya. Paglingon ko sa kaliwa ko basag na 'yong picture frame. Halo-halo 'yong emosyon ko galit, inis, at takot. Mas lalo akong nakaramdam ng takot nang kinasa niya 'yong b*ril niya. Paano niya nagagawang manutok ng b*ril habang nakasandal sa couch na parang wala lang? "Should I repeat my word?" He said and he raised his eyebrows. Napalunok akong pinulot 'yong susi sa lapag at sinira ang pinto. Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan lumapit sa kan'ya. Nakahinga ako ng maluwag nang ibaba niya 'yong b*ril sa mini table. "Good girl." Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya habang hinihimas ang ulo ko. Ano raw good girl? Sira*lo pala 'tong hinay*pak na 'to. Hindi pa naman ako masyado nakakalapit sa kan'ya bigla niyang hinawak ang bewang ko at hinatak palapit sa kanya hanggang sa nakaupo na ako sa lap niya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at bahagya siyang tinulak. "A-ano ba!" Pero bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang kamay ko at pinalupot sa leeg niya. Humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman kong umaangat 'yong dalawa niyang kamay sa likod ko at siniksik niya 'yong ulo niya sa leeg ko. Halos hindi na ako nakagalaw sa ginawa niya. Bakit parang nanghina ako bigla? "Bitawan mo nga ako!" Pinipilit ko siyang itulak para makaalis ako sa lap niya kaso mas lalo niya lang hinigpitan 'yong pagkakayakap niya sa akin. "Stay." Mahina niyang sabi at ramdam na ramdam ko 'yong hininga siya sa leeg ko! Natigilan ako sa panghahampas sa kan'ya nang maramdaman ko 'yong pagbaon ng ngipin niya sa leeg ko. Hindi ko na natiiis hinatak ko 'yong buhok niya palayo sa leeg ko at tumayo. "M-manyak ka!" Sigaw ko sa kanya at tinignan siya ng masama. Mahigpit ko pa rin hawak-hawak 'yong buhok niya. Tinaasan ko siya ng kilay nang titigan niya lang ako habang 'yong mga mata niya pumupungay na. Wag niyang sabihin na inaantok na siya hindi pwedeng dito siya matutulog. Sisigawan ko pa lang siya nang unti-unti siyang humiga sa couch habang unti-unti na rin siyang pumikit. Tang*na nakatulog?! "Hoy!" Medyo inalog ko siya sa balikat para magising siya. "Hoy gising! Huwag ka rito matulog! ang kapal naman ng mukha mo!" Napatampal ako sa noo ko nang tuluyan na siyang nakatulog ng mahimbing sa couch. Hinanap ko 'yong phone niya para tawagan kung sino man ang nasa contact niya. Kaso may password 'yong phone niya. Nakakainis naman 'to! Napapikit ako sa inis at bahagyang lumuhod para tignan siya. Hindi ko maiwasang hindi titigan 'yong mukha niya. Gwapo rin pala siya makapal 'yong kilay, matangos 'yong ilong, pinkish 'yong labi, at sa kabuuan niyang mukha literal na nakakatakot siya. Hindi maamo mukha niya mukha siyang laging galit sa mundo kahit tulog siya magkasalubong pa rin 'yong kilay niya. Hindi ba 'to nakakatulog ng mahimbing? Napailing na lang ako at tumayo para bigyan siya ng kumot at unan. Habang pabalik ako sa kan'ya at may bitbit na kumot at unan. Nilagyan ko na siya ng unan at kinumutan at tinignan ko siya. Teka bakit ko ba 'to binibigyan ng unan at kumot? Dapat dito tinat*dyakan palabas. Kung kaya ko lang ginawa ko na bakit kasi sobrang bigat nito. Napailing na lang at winalis 'yong bubog mula sa picture frame. Pinulot ko 'yong picture namin ni mama at papa nong bata pa ako. Dapat dito tinatapon na. Pumasok agad ako sa kwarto ko nang natapos ko na maglinis ng kalat nitong lalaking 'to at ni lock ang pinto. Mahirap na baka mamaya sinalo niya rin pagiging r****t. Habang na nasa cr ako ngayon ko lang napansin nang tumingin ako sa salamin na may iniwan siyang h*ckey sa leeg ko. "Sh*t..." Bulong ko sa sarili ko habang hinahamplos 'yong h*ckey na nasa leeg ko. Akala ko bakas lang ng ngipin niya lang 'yong maiiwan sa leeg ko tang*na parang iba ginawa niya! Pinagsisihan ko talaga na bumili ng kape sa starbucks! Kung hindi ako sumunod kay sir edi hindi ko 'to makakabunggo pero kung hindi ako susunod kay sir mawawalan naman ako ng trabaho. "Tang*nang buhay 'to." Napaupo ako sa kama at tulala na lang. Maya-maya pa may narinig ako na may kumakatok. Binuksan ko 'yong pinto ng kwarto ko at tumingin sa lalaking 'to na mahimbing na natutulog. Sino naman pupunta ng ganitong oras? Napatingin ako sa orasan. 1:00 am. Dahan-dahan akong naglakad at binuksan ang pinto. "Oh." Nagulat ako nang bumungad sa akin si sir. Naka hoodie siyang color white at naka pants na kulay black. Bahagya kong sinara 'yong pintuan para hindi niya makita kung sino 'yong tao sa loob. Hindi naman siya nagtaka sa ginawa ko at nginitian ako. "Bakit po sir? Anong oras na po." Natawa siya saglit sa sinabi ko at inabot sa akin 'yong phone ko. Nakakabadtrip naman 'to tawa nang tawa wala namang nakakatawa akala nito nakikipagbiruan ako. Kinuha ko 'yong phone ko sa kan'ya. "You forgot." Sabi niya sa akin. Siguro sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan ko. "Thank you po sir." Ngumiti ako at nag bow sa kan'ya. Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Bakit hindi pa 'to umaalis? "Hm?" Tinignan ko siya at hinihintay 'yong sasabihin niya. "You wouldn't even let me into your house?" Natigilan ako sa sinabi niya at napalunok. "Just kidding." Pwede bang man*pak ng boss? "I'm off." Tumango ako kay sir at tinignan siya hanggang sa nakaalis na siya. Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na siya. Dadagdag ka pa sa problema ko sir tama ka na. Pumasok na agad ako sa loob napatingin ako sa lalaking 'to. Mula kanina hindi pa rin nag-iiba 'yong position nag-pagkakahiga niya pero medyo natanggal na 'yong kumot niya. Deretso agad ako sa kwarto ko at ni lock at hinayaan siya mam*tay sa lamig. Humiga na agad ako sa kama ko at may pasok pa ako bukas. Nagising ako na parang may nag wiwisik na tubig sa mukha ko. Sino 'tong b*set na 'to?! "That d*rn alarm clock of yours has been ringing since earlier." Bigla ako nagising nang makilala ko kung kaninong boses 'yon. Bumungad sa akin ang pagmumukha nitong lalaking 'to tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. May nakapalupot na towel sa bewang niya na parang kakagaling lang maligo habang pinupunasan niya ng towel 'yong basa na buhok niya, 'yon pala 'yong tumatama sa mukha ko! Teka gumamit ba 'to ng cr? Ang kapal naman talaga ng mukha niya! Yung cr kasi sa bahay ko isa lang tapos na sa kwarto ko pa. Napatingin ako sa katawan niya na may tattoo siya sa magkabilaang dibdib niya hanggang sa braso niya. Parang traditonal tattoo ata 'to ng Philippines madalas ko kasi ito makita sa online. Habang may tattoo siya sa kaliwa niyang tagiliran na parang japanese word ata 'to tapos may nakapalupot na tattoo na ahas sa mismong letra na 'yon. Bigla ako umiwas ng tingin nang napansin kong titig na titig ako sa katawan niya, nakakahiya! Baka iniisip niyang pinag nanasaan ko 'yong katawan niyang matipo at walong abs! "Done checking?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD