CHAPTER 06
Nandito na kami ngayon sa bahay. Hindi maipinta ang mukha ni Kuya Van si daddy naman ay kinakausap si mommy tungkol sa inasta niya kanina.
"Ikaw naman kasi Ceanna, kinakampihan mo pa 'yang batang 'yan!" inis na saad ni Daddy habang tinuturo ako. Napanguso lang ako, si Mommy naman ay masama ang tingin kay daddy.
"Eh, bakit?! Anong gusto mo kampihan ko 'yung mga kaaway niya!" parang batang maktol na sabi ni Mommy. Napasabunot na lang si Daddy sa buhok.
"Fine! Ikaw ang panalo ngayon!" pikon na pikon na sabi ni daddy at binalingan ako nang matalim na tingin. Napaiwas lang ako ng mata. Nag-aaway si mommy at daddy dahil sa akin. Pero nakyu-cutan ako sa kanila, para pa rin kasi silang teenager kung mag-away.
"Talaga, dahil kapag hindi, hindi tayo tabi matulog!" nanlaki ang mata ni Daddy dahil sa sinabi ni Mommy. Tumaas ang kilay ni mommy na nagsasabing kahit anong gawin ni Daddy ay palaging panalo si Mommy.
"Mauna ka nang umakyat ka sa taas Baby Ste, susunod ako." nakangiting sabi ni Mom. Ngumiti lang siya sa akin, tiningnan ako ni Dad nang masama kaya muli kong iniwas ang paningin ko, dumarami na ang kasalanan ko.
I went upstairs first. I took a bath before going to bed. I heard the door open. I thought It was mommy but it wasn't. It's Kuya Van.
"Ash," that's when he would start preaching. I averted my gaze from him. He immediately realized that I didn't want to hear his sermon yet so he kept quiet.
"Galit si Daddy dahil sa ginawa mo, pati na rin ako." bumuntong hininga siya.
"Sinampal niya ako kaya sinampal ko rin siya." I said softly.
"Pero Ash, dapat ginalang mo pa rin siya." sino ba ang kamag-anak niya dito?
Bakit parang ang mommy pa ni Hiela ang kinakampihan? Umirap ako at yumuko.
"Hey, sige nga, kung si Mommy ang ginanon? Anong magiging reaksyon mo?" napatigil ako sa sinabi niya.
"Sasampalin ko 'yung nanampal sa kaniya!" agarang sagot ko. Napasapo nalang siya ng noo at napamura nang mahina.
"Ang hirap mag-explain!" inis niyang sinabi. Magsasalita pa sana siya nang dumating na si Mom, kaya hindi niya na natuloy.
"Sige na Van, ako na ang bahala."
My mother smiled at my older brother and hugged him. Kuya Van hugged Mommy back. Pagkatapos umalis ni Kuya ay lumapit sa akin si Mommy.
"Asherah, anak. Mali 'yung ginawa mo." napatingin ako sa kaniya. Sesermonan niya ako. Kinakampihan niya ang kaaway ko. Umiwas din ako ng tingin sa kanya, pati pa naman si mommy?
"Pinagtanggol kita sa Daddy siyaka kuya mo para ako ang kumausap sayo." malambing na sambit niya.
"Dapat hinintay mo nalang kasi ako anak para ako na ang sumampal sa babaeng 'yon." tumingin ako kay Mommy dahil sa sinabi niya.
"Miski ako ay naiinis sa kaniya Baby Ste, pero sana kapag nagagalit ka mapigilan mo ang sarili mo." lumapit ako kay mommy at yumakap sa kanya.
"You should to say sorry," napabitaw ako ng pagyakap kay mom.
Bakit ako magsosorry sa mga mommy nila!?
"To your daddy and Van," alam kong galit sila sa akin dahil sa pinaggagawa ko.
Pinapabayaan lang ako nila pero alam kong nag-aalala sila sa ginagawa ko .Sinong hindi mag-aalala sa anak niyang basagulera?
"I love you, good night, Baby Ste." hinalikan ako ni mommy sa ulo bago umalis.
When I woke up in the morning I immediately got dressed and prepared all my things. I have to apologize to Kuya Van and daddy.
Pagkababa ko ay nag-uumagahan sila. Bumaling lang sila ng tingin sa akin saglit at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Baby Ste! Goodmorning!" bati sa akin ni mommy at pinaupo ako sa upuan na pinagigitnaan ni Kuya Van at daddy.
Hindi muna ako nagsalita at tahimik na kumain. Ganoon din sila hindi sila gumagawa ng ingay si Mom naman ay nakangiti sa akin kapag sinusulyapan ko siya.
We finished eating but I still don't apologize. I gasped. How do I get started?
"May kukunin lang ako sa taas, pagbaba ko ay aalis na tayo." si Daddy kay Mommy.
Tumango lang si mommy. Nang makaalis si Daddy ay sumenyas siya na sundan ko kaya ganoon ang ginawa ko.
Pag-akyat ko ay nandoon si daddy mukhang may hinahanap. Pagkaharap niya ay halos magulat siya dahil sa pagkakita sa 'kin.
"Anong ginagawa mo dito?" nawawala ang 'anak' , 'baby' sa tanong niya. Galit nga talaga siya sa akin, nag-iinit ang mata kong lumapit sa kaniya at yumakap.
"S-Sorry po," umiiyak kong sambit habang yakap yakap siya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik kaya napangiti ako.
Marupok si daddy, bati na agad kami!.
"Shh, It's okay Baby Ste," pagpapatahan niya sa akin. Umiiyak pa rin ako, hinaplos niya ang ulo ko at likod ko kaya guminhawa ang loob ko.
"Hindi ka na po ba galit sa akin?" tanong ko.
"Hindi ako nagalit sa iyo Baby Ste, pero sa ginawa mo, oo," napabuntong hininga ako at yinakap siya ulit.
"Stop it already Baby Ste. Your kuya is waiting for you." napabitaw ako ng yakap kay daddy at ngumiti sa kaniya.
Sabay kami ni daddy bumaba, si mommy naman ay tuwang tuwa habang pababa kami. Humiwalay na ako kay daddy at patakbong sumakay sa kotse ni Kuya Van.
Babatukan ko na sana siya kaso ay hindi pala kami bati. Galit pala siya sa akin, I mean sa ginawa ko. Bumuntong hininga ako, paano ako mag sosorry sa kanya?eh, hindi naman marupok 'yan eh!
"K-Kuya Van..." tawag ko sa kanya.
"What?" masungit niyang sambit, napalunok ako ng laway dahil sa kaba.
"Sorry,"
"Okay," napatingin ako sa kaniya.
"Hindi ka na galit?" natutuwang sinabi ko.
"Okay ang sinabi ko wala akong sinabing ganiyan." agad akong napabusangot ng mukha. Hindi pa kami bati, galit pa rin siya sa akin.
"Sorry na Kuya Van, please?" nag puppy eyes ako sa kanya pero nag-iwas siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagdadrive.
Hinalikan ko siya sa pisngi pero wala pa rin siyang reaction at nagpatuloy lang ngumuso ako dahil sa inis. Walang talab sa kaniya kiss ko.
"Bakit ang taas ng pride mo!" inis na sambit ko.
"Nagsosorry ka na nga lang, ikaw pa galit?" sarkastikong usal ni kuya Van.
"Nagsosorry na nga ako eh, hindi mo naman ako pinapansin!"
Ano ba kasing dapat kong gawin!?
"Dati pag kinikiss kita sa pisngi hindi ka galit saakin." naiiyak na bulong ko.
"Look, nag dadrive ako!" sigaw niya.
"Eh bakit ka naninigaw?" tuluyan na akong naiyak, hindi ko alam pero naiiyak talaga ako.
Nakakainis kasi siya!
"We're here," saad niya at lumabas hindi man lang ako tinignan. Binuksan niya ang pinto sa gilid ko at nanlaki ang mata niya dahil sa itshura ko.
"What the hell! Bakit ka umiiyak!?"
Pinaiyak mo kaya ako. Hindi mo ako pinapansin. Parang hindi niya ako kaano ano, sinigawan niya pa ako kanina. Agara niya akong yinakap at hinagod ang likod ko. Mas lalo akong umiyak dahil sa ginawa niya.
"Okay, okay. I'm sorry Baby Ste. Stop crying!" natataranta niyang sabi. Humiwalay ako sa pagyakap sa kaniya at ngumuso para pigilan ang ngiti.
Tinawag niya akong baby Ste, bati na kami, hindi na siya galit.
"Pwede ka na ngumiti Ash, ikaw ang panalo!" ngumiti ako sa kanya at binelatan siya.
Umirap lang siya at binatukan ako.
"Bati na tayo!" masayang saad ko.
"Papasok na ako!" pagpapaalam ko sa kanya pero nangunot ang noo niya.
"Kiss ko sa pisngi?" parang bata niyang saad.
"Nasa chicks mo!" natatawang sambit ko sinamaan niya lang ako ng tingin.
Kaya dalian ko siyang hinalikan sa pisngi.
"Marupok ka tulad ni daddy!" natatawang sigaw ko sa kanya, sinimangutan niya lang ako.
"Nagmana ka talaga kay mom 'no? Alam na alam niyo kung paano kami suyuin!"
Nag-asaran pa kami ni Kuya Van bago ako pumasok sa school. Nakangiti ako, bati na kami ni Kuya Van pati na rin ni Daddy.
Dumiretsyo ako sa classroom, nagulat ako ng lahat sila ay nanahimik dahil sa pagdating ko. Ang ingay kasi nila kanina halos nakakabingi ang ingay ngayon naman ay halos nakakabingi ang katahimikan.
Umupo ako sa tabi ni Cayden, tinaasan niya ako ng kilay umirap lang ako sa kaniya.
"Bakit tumahimik sila?" bulong ko kay Cayden.
"Wag kang umasta na parang wala kang ginawa." gulantang akong tumingin sa kaniya. Muntik ko nang makalimutan dahil sa saya ko sa pagbabati namin nila Daddy.
Lahat sila ay nakatingin sa akin ngayon, lahat sila.
Dapat pala ay hindi muna ako pumasok.
Napatingin ako kay Cayden para humingi sana ng tulong pero ang siraulo, nakangisi lang.