Chapter 05

1577 Words
Chapter 05 "Ano na naman bang ginawa mo Asherah!" napapikit ako dahil sa sigaw ni Kuya Van sa akin. Sermon time is real. Andito kami ngayon sa Dean's Office. And yes nandito ang aking kuya. Pinatawag ng Dean namin. Lahat ng sangkot sa gulo ay pinatawag. Nakanguso lang ako habang sinisermonan. "Bakit ba kasi ikaw ang pumunta dito pwede naman sila mo—" sinamaan niya ako ng tingin kaya nanahimik na lang ako. "Alam mo bang may importante akong ginagawa ha, first day of school pa lang Asherah!" dinidiin niya ang 'Asherah'. Galit na galit na talaga siya. When he calls my full name he will surely explode in anger. I just kept quiet while waiting for Cayden's parents. I looked at the Section Sea. They were just bored and obviously not nervous. Looks like they are used to it. When everyone arrived, my older brother stopped preaching to me. Isa isang pumasok ang mga magulang nila. Pati rin ang tiga Section DM at DV. Masama ang tingin nila sa isa't isa. I smirked, away pa. "Okay, let's start," marami pang sinabi si Dean pero walang pumapasok sa utak ko. Hanggang sa marinig ko ang sigaw ni Kuya Van sa akin. "What?! She did that?! Asherah?!" halos mapatalon ako sa gulat,agad akong tumingin kay kuya dahil sa sigaw niya namumula na siya habang ginugulo niya ang buhok niya. I almost jumped because of Kuya Van's angry voice. I immediately looked at my older brother. He messed up his hair and stared at me darkly. "B-Bakit? Anong nangyari?" taka kong tanong. Halos lahat kasi sila sa akin ay nakatingin. Wala po akong ginawang masama, mabait po akong bata. "May tinutukan ka ng kutsilyo?!" sigaw niya sa akin, 'yun lang pala. Kalmado akong tumango at umupo ulit nang maayos. "What th—" pinigilan niya ang sarili niyang magmura kaya uminhale siya at umexale. "Bakit ka nanutok ng kutsilyo, hija? Alam mo bang bawal 'yan dito?" si Dean. Ha? Bawal daw?! Baka gusto niyang ihagis ko sa kanya lahat ng dala dalang kutsilyo nila Thazar? "Hija?" tawag niya ng attention ko. "Sila ang nanguna Dean, pinagtulungan ng mga 'yan ang Section Sea." pagpapaliwanag ko pero nangunot naman ang noo niya, pati ang ibang magulang ng ibang section. "Then?" "Sasaksakin sana nila isa isa 'tong mga lalaking 'to so tinakot ko sila." batid ko ang tigas sa boses ko. Kumunot ulit ang noo nila, sumenyas si Dean na ipagpatuloy ko. Pero bago paman ako makapagsalita ay sumigaw na ang isa sa mga magulang. "Liar!" hindi ko 'yon pinansin. Sino ba siya? "Tinutukan ko ng kutsilyo si Dev, para hindi nila ituloy ang pagsaksak sa Section Sea." tuloy ko pa. "What? Paano mo nasasabi ng ganyan kaderatsyuhan ang mga ganyan?!" ani ng isang babae habang masamang nakatingin sa akin, hindi ko rin siya pinansin. "At sinipa mo rin siya?" tanong ni Dean. "Opo, Dean. Masyadong madaldal, tulad ni Hiela at Thazar." kalmado pa rin ako. "Hija, inaamin mo ring sinuntok mo si Hiela at Thazar?" gulat na saad ni Dean. "Yes po," I answered lazily. Napatingin ako sa Section Sea, teka nga. Bakit ako lang ang tinatanong? "Totoo ba 'yon Section Sea? Na muntik na kayong saksakin?"walang sumagot sa kanila. "'Yang babaeng 'yan ang nanguna!sinapak niya ako sa nguso!" si Hiela nagsalita habang galit na nakatingin sa akin. Mabuti ay nakakapagsalita pa siya nang maayos pagkatapos ng ginawa ko sa kanya. "Eh, paharang harang ka kasi," "Dean, gusto kong parusahan ang babaeng 'yan tingnan mo ang nguso ng anak ko dean!" inis na sambit ng babae, mommy ata ng clown na si Hiela. "Ako rin, Dean. Tingnan mo ang ginawa sa anak ko, binugbog ang mukha!" mama naman 'to ni Thazar. Hindi ko alam kung mama niya ba talaga o ano dahil hindi naman sila magkamukha. "And look at my son. May pasa ang pisngi at nagdudugo ang ilong, tinutukan pa ng kutsilyo. Iapakulong ko siya!" nagtaas ako ng kilay dahil sa sinabi ng mommy ni Dev. Bakit parang pamilyar din siya?Tiningnan niya ako nang maigi ganun din ako sa kanya. Nagkatitigan kami ng ilang saglit bago siya nag-iwas ng tingin. "Asherah, you should to say sorry to them." ma awtoridad na sabi ni kuya. At ako pa ang magsosorry?! Paano kapag ayaw ko? Sala naman akong kasalanan siyaka hindi ako ang nauna. Sila naman. "Ayaw ko," matigas kong sinabi. "Asherah," pinanlakihan ako ng mata ni kuya, inirapan ko lang siya. Kahit anong gawin niya, hinding hindi ako hihingi ng tawad. Ano sila hilo? Wala akong kasalanan. "Tingnan mo, kung anong ginawa gawa sa anak namin tapos ganiyan pa makaasta!? Ang ibang studyante dito ay umiiyak na pero siya kalmado pa rin!" naiiyak na sabi ng mommy ni Hiela. Pareho sila ni Hiela, iyakin. "Eh ang kaso hindi ako sila, hindi ako katulad nila." nanlalaki ang mata ng mommy ni Hiela pati na rin ang ibang magulang. Si Cayden naman ay tahimik lang dahil sanay na sa akin ang ibang Section Sea ay gulat habang nakatingin sa akin at nagbubulong bulungan "Ipapakulong kita!" galit na sambit ng mommy ni Dev. Halata ang pag-aalinlangan doon. Napakunot ang noo niya nang makita muli ako na parang inaalala kung saan niya ako nakita. Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya. Pamilyar talaga siya. "Ipakulong mo, bilisan mo naiinip na ako. Tumawa ka na ng pulis." halos lahat sila ay napanganga sa sinabi ko. Tahimik ang lahat habang nakatingin sa akin. Nakaawang din ang kanilang bibig. "Tulad ka rin ng anak mo kulang sa gawa puro salita." sambit ko na mas lalo nilang kinagulat. "Naghihintay ako, tumawag ka ng pulis at ipakulong ako." matapang kong saad. Hinawakan naman ni kuya Van ang braso ko at pinakalma ako. "Talaga, ipapakulong kita!" galit na galit na saad niya. "Ako rin, magsasampa ng kaso!" Mama naman ni Hiela. Sumunod naman ang Mom ni Thazar. "Sige, ipakulong niyo ako, anong akala niyo? Natatakot ako? Hindi." matapang ulit na saad ko tumayo ang mommy ni Hiela at malakas na sinampal ako. "Kanina pa ako napipikon sayong bata ka!" ngumisi ako sa kanya. "Sht," mahinang sabi ni kuya Van nang bigla akong tumayo ako at hinarap silang tatlo. Si Cayden naman ay napatayo rin. "Alam mo ba ang ayaw ko?" malamig na boses ko ang ginamit ko. Habang masama ang tingin sa mommy ni Hiela. "Ang pinagbubuhatan ako ng kamay ng kung sino lang." lumakad ako palapit sa kaniya siya naman ay umaatras. "Hindi ako sinasampal ng mga kadugo ko." seryosong saad ko habang nakatingin sa kaniya napalunok siya at umatras. Napatagilid ang mukha niya dahil sa pagsampal ko sa kanya. "Hindi kita kaano ano pero kung makasampal ka ay parang kadugo mo ako?" nagulat ang lahat dahil sa sinabi at ginawa ko. "Asherah!" "Omygosh!" "Mom!" "Ash!" "Ms.Clodovea!" "f**k!" Sabay sabay nilang sigaw. Hinawakan ako sa braso ni kuya Van. Padabog kong iniwas ang braso ko. "Wala kang galang!" Sigaw ni Dean. "Excused me, Dean. Pero 'yung mga taong may galang lang sa akin ang ginagalang ko." napasinghap ang lahat dahil sa sinabi ko. My mom and dad never have slap me. Tapos siya ay sasampalin lang ako? May mga galang ako sa mga nakakatanda pero ayaw kong sinasaktan lang ako ng kung sino sino lang. Hindi ako pinanganak ni Mommy para lang saktan ng katulad niya. "How dare you!" umiiyak na si Hiela. "Kung tumawag na lang sana kayo ng pulis at pinakulong ako at hindi na sinampal ng mommy mo edi sana hindi ko siya nasampal." walang prenong usal ko habang nakatitig kay Hiela. Umiiyak pa rin siya, ang mommy niya naman ay gulat. "Ayun talaga ang gagawin namin!" sigaw ng mommy ni Thazar. "Sige, walang pipigil sa inyo. Pero walang sisihan pag nakulong din ang mga anak niyo. Lakas ng loob niyong ipakulong ako. Hindi niyo naman alam ang buong nangyari." hindi ko alam pero kapag galit ako. Wala akong paki-alam kung ano masabi ko. "Alam namin ang nangyari!" sabat ng Mom ni Dev kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. "Bakit nandoon ka? Napanood mo?Nakita mo?" napaatras siya dahil sa sinabi ko. "Siya ba talaga si Ash?" "Parang hindi," "Sinapian ata siya!" "Or nababaliw," Ang mga tiga Section Sea. "Anak!" napatingin ako sa pintuan ng Dean's Office si mommy kasama si daddy. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Napabuntong hininga ako at yumakap pabalik. Tumingin si Mommy and Daddy sa mommy nila Thazar, Hiela at Dev. Tumaas ang kilay niya ng makita ang mommy ni Hiela, ngumisi siya. Mali ng tinawag si kuya Van. Napatingin ako sa kaniya, nakahawak na siya sa noo niya. "Siya ba 'yung nanampal sayo anak?" tanong ni mommy, tumango lang ako bilang sagot. "Ako bahala sasampalin ko pabalik." bulong ni mommy at humagikgik agad naman siyang tiningnan ng masama ni dad sinamaan din siya ng tingin ni mom. Sa huli panalo si Mommy. "Bakit mo sinampal ang anak ko?" hindi sumagot ang mommy ni Hiela. "Alam mo bang hindi ko pinanganak ang anak ko para lang saktan ng kung sino sino ha?" lumapit si mommy dahilan para mapaatras sila Hiela. "At balak niyo pa siyang ipakulong?" tumingin siya nang masama sa mommy nila Thazar. Napasapo ako sa noo. May pinagmanahan nga talaga ako. Hinawakan ko si mommy sa kamay, napatingin siya sa akin.Ngumiti lang siya na parang may sinasabi. Kaya wala akong nagawa kundi bitawan siya. "Huwag kang pumatol sa bata, gusto mo pala ng sampalan dapat hinintay mo ako." napatayo si kuya Van at inawat na si Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD