Chapter 04
Dadaan na sana ako sa gitna ang kaso ay may nakaharang, nakapalibot ang mga lalaki kina Cayden. Pinilit kong makipag siksikan at nang makarating ako sa unahan ay hinarang ako ng isang lalaki.
"Bawal ka dito, miss," agarang sambit niya.
"Ano ba paraanin mo nga ako!" inis na sigaw ko sa kanya.
"Bawal nga gusto mo bang madamay?" malademonyong saad niya kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Sabing tabi eh!" inis na sigaw ko at tinulak siya.
"Anong nangyayari dito?!" si Hiela. 'Yung sumampal sa akin, tang'na mo, patay ka sa akin ngayon.
"Oh? Ang tapang mong sumugod ah?Ano, sasali ka sa gulo na 'yan?" tanong niya habang turo turo ang mga taga Section Sea na kawawa na ngayon dahil sa section nila at sa section ng isa pa.
"Oh, ikaw pala miss," nakangising sambit ng lalaki, siya 'yon. 'Yung nang insulto kay Cayden, si Thazar. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ako na bahala dito doon ka na." mataray at mayabang na sabi ni Hiela.
"Wala namang binatbat 'to sa akin eh." dagdag niya pa.
Ah, wala pala akong binatbat sa kaniya ha. Ikaw babae ka kanina pa ako nagtitimpi sayong mukhang multo kang bwiset ka.
"Ano? Hindi ka aalis? Gusto mo pa atang mameet ang—" hindi ko na siya pinatapos dahil pinakyuhan ko siya bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"Hayaan mong ako naman ang magpakilala." nakangising sambit ko at sinapak siya sa nguso gulat ang mukha niya habang nakatingin sa akin at hawak hawak ang nguso.
Pagkatapos ko gawin 'yon ay pumunta ako sa gawi nila Cayden nakita ko pa ang gulat na mukha nila.
"Bakit ka nandito?" agad na sabi ng isang lalaki.
"Shet, gusto mo bang mabugbog?!"
"Ash!? Umalis ka rito!"
"Ash!"
Ngumisi ako at pumunta sa gawi ni Cayden, tumba na siya. Sunod sunod din ang sigaw ng mga Section Sea sa akin at parang galit na galit.
Tinulungan ko siyang tumayo. Sa buong Section Sea kaming dalawa lang ang nakangisi habang 'ang iba ay gulat.
"At sino ang babaeng 'yan?" tanong ng isang lalaki.
"Tapang ng babaeng 'yan ah? Siya 'yung transferee diba?" saad pa ng isa sa kanila.
"Ang duduwag niyo! Nagtawag kayo ng ibang section!" sigaw ni Kahlil.
Halatang napikon ang mga Section DV kasama ang Section DM. Nakatayo na lahat ng Section Sea, katabi ko ngayon si Cayden. Alam kong nagaalala siya sa akin, pero no choice siya.
"Si Hiela raw dumudugo ang nguso! May sumapak sa kanya!" sigaw ng isang tiga Section DV.
Napatingin sa akin si Cayden, kumindat ako sa kanya. Lintik lang ang walang ganti.
"Sino ang sumuntok sa kanya?!" galit na galit na saad ng isang lalaki kasama si Thazar na galit din habang nakatingin sa amin.
"Babae sinaktan niyo, hangal!! Lalaki pa ba kayo?! Mga bakla!" sigaw pa nito.
Nagtataka namang tumingin lahat ng Section Sea sa kanila.
"Malaman ko lang kung sino ang nagpadugo ng nguso ni Hiela babalian ko ng buto!"
Kailangan ko na bang matakot?
"Hindi kami nanakit ng babae alam mo 'yan." malamig na saad ni Earwin sa lalaking nasa harapan namin.
Ewan ko pero napangiti ako sa sinabi niya. Hindi sila nanakit ng babae!so 'di nila ako sasaktan, yes!
"Oh, bakit 'di niyo nalang kasing sabihin na bakla kayo. Pumapatol kayo sa babae. Bakit hindi ako ang kalabanin niyo ha!?" sigaw ng lalaki.
"Bobo na, mahina pa, tapos bakla?!" pang iinsulto ni Thazar sa amin.
Hinawakan ni Cayden ang braso ko at tiningnan ako ng nag aalinlangan. Pinipigilan niya ako.
Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya bumitaw siya. Walang pagaalinlangang pumunta ako sa gawi ni Thazar at sinuntok ng malakas ang nguso niya.
"Putangina kailangan mo ng manahimik, masyado kang mapanghusgang animal ka!" nagulat siya dahil sa ginawa ko at sa sinabi ko.
Hindi ako nakontento at sinapak ulit siya.
"Para 'yan sa pang iinsulto sa kaibigan ko." nakangisi kong sambit, ngayon parehas na sila ni Hiela na sabog ang nguso.
"Tang'na!" sigaw niya.
Muli ko ulit siyang sinuntok.
Gulat pa siyang nakatingin sa akin.
Sasapakin ko sana ulit siya nang marinig ko ang boses ni Hiela.
"A-Ayang babaeng 'yan ang may gawa sa akin nito!" sigaw niya habang umiiyak.
"Ikaw pala ang walang binatbat, eh! Isang suntok pa lang iyak ka na!? Paano kapag dinalawa ko pa?" mayabang na sambit ko sa kanya.
Ang yabang yabang, wala rin pala.
"Ikaw ang gumawa nito!?" sigaw ng katabi niyang lalaki, 'yung galit na galit kanina.
"Oo bakit? May problema ka roon ha?" taas noong sambit ko sa kanya.
"Anong gagawin natin dito?Dev?" napatingin ako sa likod ko dahil sa nagsalita. Gulantang akong tumingin sa Section Sea na ngayon ay hawak hawak ng mga lalaki.
"Bugbugin niyo pinadala ko na ang kutsilyo kila Thazar para naman may marka sila ng pagkatalo." gulat akong tumingin sa lalaking nasa harap ko, may balak pa siyang saksakin sila Cayden?!
Napatingin ako kay Earwin, alam kong malakas pa siya dahil wala siyang sugat miisa. Napaiwas ako ng tingin dahil nakatingin din pala siya sa akin.
Anong gagawin ko?
"Boss, sasama ba natin 'tong babaeng 'to?" tanong ng isa sa mga kaklase niya. Tumingin ako sa kanya ng masama na kita ko ang kutsilyo sa tagiliran niya.
Napangisi ako sa iniisip ko.
"Isama nyo 'yan! Pahirapan niyo!" masama ang tingin niya sa akin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.
Pamilyar ang mukha niya hindi ko nga lang maalala kung saan ko siya nakita. Pero ayos lang, dahil ang alam ko ngayon ay kalaban siya!
"Hawakan mo 'yan," ganoon nga ang ginawa sa akin, hinawakan ako magkabilang braso.
"Gaganti lang ako dahil sa ginawa niya." nakakatakot ang pananalita niya. Pero wala ako sa oras para matakot.
"Hoy, Dev, babae 'yan!" Si Kahlil.
"Ikaw yung bakla!" si Gab.
"Hoy!" si Gab ulit.
"Huwag mong galawin si Ash!" si Kahlil ulit.
Napatingin ako sa kanila, ang akala ko ay tutunganga lang sila habang nakatingin sa akin buong laban. 'Yung ibang tiga Section Sea ay bagsak ang katawan pero gulat pa rin ang tingin sa akin.
"Chill lang kayo," nakangising sambit ni Cayden. Tiningnan ko siya. Siya naman ngayon ang kumindat. Alam ata ang plano ko.
Napatingin ako kay Dev na nasa harap ko sasapakin niya na sana ako pero yumuko ako. Kaya ang nasapak niya ay ang may hawak sa akin.
Boom, knock out!
Sakit noon! Buti hindi ako ang tinamaan.
Kinuha ko ang kutsilyo sa lalaking natumba at tinutok iyon kay Dev, sinipa ko siya sa toot toot niya kaya natumba siya. Sinapak ko siya sa pisngi. Nakatutok na ngayon sa leeg ni Dev ang kutsilyo at sinigurado kong hindi na siya makakagalaw.
"Devin, nandito na ang mga kutsilyo! Umpisahan na ba natin?" si Thazar nakangiti pa siya.
"Subukan mong umpisahan, umpisahan ko ring gilitan 'tong boss niyo." seryoso kong saad.
Napatingin ako kay Earwin nakangisi siya tulad ni Cayden. Pero ang ibang Section Sea ay nakatunganga parin. Ewan ko, pero parang gulat na gulat sila at 'di magsink sa utak nila ang nangyayari ngayon.
"Sige, gilitan mo! Pake ko dyan!" sigaw niya.
Tinawanan ko siya.
"Dev, pake raw niya sa 'yo?" natatawa na sinabi ko.
"f**k you, Thazar!" galit na sigaw niya habang nagpupumiglas.
"Dev?!" nanlalaki ang mata niyang tumingin sa amin.
"Hoy, bitawan mo 'yan! Akala ko ba mahinhin ka!? Hoy mapatay mo si Dev!" natataranta na siya.
"Akala rin namin."
"Potang'na kami rin!"
"Shet! kambal yan ni Ash!"
"Hindi 'yan si Ash!"
"Ayaw ni Ash sa away!"
Isa-isang nagsigawan ang mga tiga Section Sea.
"Kaya kong pumatay ng tao, Thazar." pananakot ko sa kaniya at mas lalong diniinan ang kutsilyo sa leeg ni Dev.
"Sinasapian ka ba?! Bitawan mo siya!" natatawa ako sa reaction niya dahil para siyang abnormal na nakawala sa mental hospital.
"Okay, bibitawan ko na. Pero dapat sundin ninyo ang gusto ko." natatawang sabi ko.
"Kahit ano basta bitawan mo si Dev tang'na!"
"Uhhm? Jahit ano?" pang asar ko sa kanya.
"Yes, kahit ano," mapanatag niyang sinabi.
"Magsuntukan kayo ng Section DM." seryosong sabi ko.
"Iyon lang naman pala... Anoo?!" muli siyang gulantang tumingin sa akin.
"Ayaw mo gawin?" diniinan ko pa lalo ang kutsilyo.
"Damn it, Thazar! Gawin niyo na lang mapapatay ako ng babaeng 'to!" sigaw ni Dev kahit nanginginig na siya sa takot.
Ganon ang ginawa nila. Tang'na niyo ha sige kayo ang maglaban ngayon. Nakangisi ako habang pinapanood sila mag batuhan ng salita, ang tagal ng suntukan.
"Huwag niyong sabihing susundin niyo ang utos ng babaeng 'yan?" gulat na sabi ng tiga Section DM.
"No choice,"
"Tangina niyo, mga plastic!" sigaw ng isa sa Section DM at isa isa nilang binitawan sila Cayden. Nag-umpisa na silang magrambulan.
"Bitawan mo na 'yan, mapatay mo pa." natawa ako sa sinabi ni Cayden.
Binitawan ko si Dev. "May araw ka ring babae ka—" hindi ko na siya pinatapos dahil sinipa ko siya sa mukha.
Pero agad din akong nakaramdam ng kung ano sa puso ko. Nakokonsensya ata ako dahil sa ginawa ko. Bakit ba kasi familiar ang mukha ng isang 'to sa akin?
"Wala ka talagang patawad." napalingon ako kay Cayden at ngumisi dahil sa sinabi niya.