Chapter 03

1286 Words
Chapter 03 Nandito na kami ngayon sa classroom and guess what? Nagagalit ang papa ko, nagagalit si tatay bakit 'di raw ako pumalag. Anong gusto niya? kaladkarin ko 'yung babae? "Ano ba Ash?! Magsalita ka naman! Dapat kasi pumalag ka man lang! Tangina nung babaeng 'yon!" sigaw niya ulit. Kanina pa niya sinasabi 'yan, sigaw pa nang sigaw. Hindi ba siya mapapaos dahil sa ginagawa niya? Ang iba naman niyang kaklase ay nag-uusap at maingay rin kaya wala silang pakialam kung mag sisigaw 'tong lalaking 'to. "Tingnan mo! Sinampal ka! Dapat ginantihan mo!" inis ulit na sabi niya habang tinuturoturo pa ang kaliwa kong pisngi. "Ano ba 'yan Cayden!" "Ang ingay mo!" "Kanina ka pa sigaw nang sigaw!" "Tangina, nakakarindi ka na!" "Tatahiin ko na 'yang bibig mo!" Huminga siya ng malalim at tumahimik. Mabuti naman ay naisipan niya ng manahimik, pero masama pa rin ang kaniyang tingin sa akin. Halata sa mukha niya ang pagkapikon, galit na galit. Tatay ka ha? "Sinampal lang naman siya eh, kung sana binugbog!" reklamo ng maliit na matapang. "Ano pa lang pangalan niyan?" mahinang bulong ko kay Cayden. "Huwag mo 'kong kausapin." galit na saad niya. Inirapan ko lang siya, edi 'wag! Hindi mo naman din siya pinipilit na kausapin ako. Nanahimik ako saglit, limang minuto siyang nakatitig kung saan saan. Minsan ay sumusulyap pa siya sa akin. Nagulat ako nang sipain niya ang upuan sa harap niya ,mabuti na lang ay walang nakaupo. "Tang'na, ano 'yon?!" "Gago bakit mo sinipa?!!" "Hoy!" "Puta!" "Shet!" "Kumalma ka nga, Cayden!" Kaniya kaniya nilang sigaw, halatang nagulat din sila sa pagsipa ni Cayden sa upuan. Kahit ako rin naman ang akala ko kasi ay kalmado na siya. Hindi pa pala. "Minaliit ako pati Section natin, tapos sinampal kaibigan ko? Sa tingin mo kakalma ako?" galit na sigaw ni Cayden. Naalala ko na naman tuloy 'yon. Tang'na malaman ko lang kung sino 'yung lalaking 'yon ipapadala ko talaga siya sa Zoo, bagay siya doon, hayop eh. "Kaibigan lang ba talaga?" "Weh? kaibigan?" "Kaibigan daw!" " 'Di nga? kaibigan talaga?" Pangangatyaw nila. "Shut up!" pikon na sambit ni Cayden. Napabuntong hininga ako ,ayaw ko siyang kausapin baka manermon nanaman. "Ash? Bakit nga pala 'di ka pumalag?" tanong ng isa sa kanila. "A-Ayaw ko sa away," mahinhing sambit ko na parang nahihiya. Sinungaling ka Ash. Gustong gusto mo kaya ng away. "Sabi sayo eh mahinhin talaga siya pre!" "Ayaw niya sa away!" "Paano ka niyan mamaya?!" "Kaya mo bang makipag suntukan, hindi ka namin pro protektahan. Bakit ba kasi nandito ka pa sa Section namin napunta " inis na sambit ng maliit. Kayang kaya ko, unahin kaya kitang maliit ka. Nakakabanas na siya ha. Kanina pa siya namumuro na siya sa akin. "S-Sorry ha? H-hindi ko naman ding ginustong mapunta dito eh." mahinhin pa ring sabi ko. Pikon na pikon na ako sayong maliit ka. "P-Pero kaya ko naman sarili k-ko, kaya kong protektahan sarili ko." mahinang saad ko at kunwari ay naiiyak na. Tumahimik naman silang lahat dahil sa sinabi ko. Tumingin ako kay Cayden natatawa siya dahil sa mga sinasabi ko for sure. Iniwas niya ang tingin niya at ngumuso. Gusto ko siyang batukan, pinagtatawanan niya ako. "Puwede kanang maging artista, Ash." bulong ni Cayden, sinamaan ko siya ng tingin kaya nanahimik naman siya. Nakakinis din talaga 'tong si Cayden. "Magready na kayo pupunta na tayo sa garden." malamig na saad ni Earwin at bumaling sa akin. Ang hilig niyang magkanaw ng tingin sa akin, akala niya ba hindi ko napapansin? "Sasama ba natin si Ash?" tanong ni Cayden. "Huwag na natin siya isama!" "Baka nabugbog pa 'yan doon!" "Tapos tayo pa may kasalanan." "Oo nga!" "Huwag na natin siya isama" si Cayden. "No, sasama siya." si Earwin. Sasama raw ako?! Omg, yes. Yes! Pero paano kapag nakita nilang marunong akong lumaban? Edi bubugbugin nila ako? Kung ano ano na naman ang iniisip ko, bahala na si batman. Nag-umpisa na silang lumabas ng classroom. Nanguna si Cayden at si Earwin ako 'yung pinaka huli. Marahan akong naglakad nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. "Hi," si maliit. May kasama siyang isa pang lalaki, siya 'yung pinagtanungan ko noon. "Sorry sa mga sinabi ko kanina." Bakit siya nagsosorry? Wala naman siyang ginawang masama? Taka ko siyang tiningnan. "Ayaw niya kasing nakakakita ng babaeng umiiyak o paiyak na kaya nagsosorry." natatawang sabi ng katabi niya. Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanila. "Sorry talaga," paumanhin niya ulit kaya napakamot ako ng ulo. "O-Okay lang naman sa akin," nakangiti kong sabi. "Ako nga pala si Kahlil." pagpapakilala niya. "Kahlil Altariño," dugtong niya pa. Hindi ko maiwasang hindi magulat dahil sa inaasta niya ngayon. Mabait naman pala siya. Tiningnan ko siya. Medyo kulot ang kaniyang buhok, matangos ang ilong niya at kulay brown ang kanyang mga mata. Katamtaman lang ang kapal ng kanyang kilay. Nakasuot siya ng white plain t-shirt ng unipormeng pambaba. "Ako naman si Gabriel," pakilala nung isa, siya 'yung maangas na tinanungan ko. Mabait din pala siya. Ngumiti silang dalawa sa akin, ganoon din ako sa kanila. "Gabriel Cezar," sambit nila. Itong si Gabriel naman ay ganun rin pareho sila ng damit ni Kahlil. Tumangkad lang ng konti si Gabriel, makapal ang kilay nito at kulay black ang kanyang mga mata. Medyo curly ang kaniyang buhok, napangiwi ako. "Gusto mo gantihan namin 'yung nanampal sayo?" nakangisi niyang tanong na kinagulat ko. "Oo nga, kami na bahala!" mayabang ulit na sabi ni Kahlil. "Ahh, hindi na," kasi ako na ang gaganti. Kakawawain ko talaga 'yung babaeng yon. Napangisi ako sa aking iniisip. "Pangalan lang ang kailangan ko. Ano bang pangalan niya? Pati 'yung nanginsulto kay Cayden?" nung una ay nagulat sila sa tanong ko pero kalaunan ay sinagot parin nila. "Yung babae pangalan niya, Hiela, 'Yung lalaki naman ay Thazar." ang gagandang pangalan pero ang panget ng tao pati na rin ugali. "Huwag kana sumama, kami na bahala kay Earwin." kamot ulo na sambit ni Gabriel. "Kaya nga," pagsang-ayon ni Kahlil. "Kami na kakausap sa kanya." sabi ulit ni Gabriel. Gusto kong makaganti sa kanila pero ayaw kong mabuking ako. "S-Sige," napipilitan kong sabi ngumiti lang sila at umalis na. Nakakainis! Feeling ko ang sama sama kong tao. Nanghuhusga kaagad ako. Ang babait naman pala nila, lalo na 'yung maliit, si Kahlil. Ayaw niyang may umiiyak na babae?a Ay taray! Grabe? Bakit naman kaya? Ngumuso ako, anong gagawin ko dito sa classroom tutunganga? Wala pang tatlong minuto ay may narinig na akong sumigaw. "Nagbubugbugan daw yung Section DV siyaka Sea!" "Saan?!" "Sa garden!!" "Bilisan niyo!" Napasinghap ako. Pupunta sila ng garden? Okay lang kaya kung sumama ako at manood? Pero baka nabugbog din ako kasama ako sa Section Sea eh kahit hindi ako welcome. Napagpasiyahan kong umupo muna saglit pero napatayo ako dahil sa sigaw ng estudyante. "Gago, ang daya nung Section DV!" "Super!" "Ang daya nila makipaglaban!" Agad akong lumabas para tanungin sila. "B-Bakit madaya?" nanlalaking mata kong tanong pakiramdam ko ay may nangyaring masama. "Nagtawag sila ng kabilang Section, ang Section DM ayun kawawa ang mga kasection mo." natulala ako saglit. Putangina! madaya nga. Nagsink sa akin ang sinabi ng lalaki kaya dalidali akong pumunta sa garden. Pero hindi ko ulit alam kung saan. Pero nang dahil sa mga studyanteng nagtatakbuhan ay nalaman ko. Sinundan ko lang sila, nang makarating kami roon ay ganun na lang ang gulat ko, andami nila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakita ko ang mga kasection ko, bagsak na ang iba sa kanila, ang iba naman ay nakikipagsuntukan pa. Nagulat ako ng makita ko si Cayden, dumudugo ang bibig niya. Hindi ko na kayang panoorin. Bahala na ulit si Batman. Bahala na kung malaman nilang marunong akong makipaglaban. At bahala na rin kung mabugbog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD