Chapter 12 Nakatayo kami habang nakikinig sa usapan nila Earwin at Dean. Nakatingin ngayon sa akin si Cayden nang masama, kaya miski sulyap ay hindi ko ginagawa sa kaniya. Tiningnan ko si Earwin masama ang tingin niya sa amin. Pamatay na tingin talaga! Killer eye talaga siya! kung makatingin kala mo papatay eh! "Dapat si Cedric lang nandito ngayon eh. Bakit mo kasi sinabing kasama tayo Asherah ha?" nakangusong sabi ni Kahlil sinamaan ko naman siya ng tingin. "Oo nga!" "Kasama pa tuloy kami!" "Tang'na ninyo, sayang pa rin pagkain ko!" Tumingin kami kay Warrick, na guidance at maparusahan na kami lahat lahat ay pagkain niya pa rin ang iniisip niya. "Mga baliw ba kayo? Paano kapag si Cedric lang? Edi nawala siya dito sa school? Mag isip nga kayo minsan!" inis na bulong ko, tumahimik

