Chapter 11 Sabay sabay kami ngayon kumakain sa Cafeteria. Ang ingay nila, kanina pa sila tawanan nang tawanan tapos pag nagsasalita, sisigaw. Parang mga abnormal. "Hoy! Akin 'yan!" si Kahlil 'yung sumisigaw kasi inagawan siya ng ulam ni Gab. "Ayoko nga!" "Amin na!" "Oh sige ito," sambit ni Gab at dinilaan lahat ng parte ng ulam at binigay kay Kahlil agad namang nang-diri si Kahlil at iniwas iyon sa mukha niya habang masama ang tingin ang iginawad kay Gab. Parang mga bata. "Okay ka lang?" tanong ko kay Cayden, kanina pa kasi siya tahimik tapos minsan nakatulala. Alam kong hindi na siya galit sa akin nararamdaman ko 'yon. May problema kaya siya? Hindi naman kasi hilig ni Cayden ang magkwento o kaya magdaldal nakakainis naman. "Okay lang," walang gana niyang sagot at ipinagpatuloy ang

